< Return to Video

Nasasayang na Pagkain: Ang Nakatagong Halaga ng mga Pagkaing Tinatapon Natin | Climate Science #9

  • 0:00 - 0:08
    Sa buong mundo, 30% pagkain ang nasasayang
    ito'y higit-kumulang 614 kcal kada tao,
  • 0:08 - 0:14
    sa isang araw, katumbas ito ng 10
    katamtamang itlog o 21 malalaking karot!
  • 0:14 - 0:17
    Pero teka! Anong kinalaman nito
    sa pagbabago ng klima?
  • 0:24 - 0:28
    'Pag ang pagkain ay tinapon,
    lahat ng mga sinangkap para magawa ito
  • 0:28 - 0:29
    ay mababalewala din.
  • 0:29 - 0:34
    Sa buong mundo, kabilang dito ang
    1.4 bilyon ektaryang 'di mapakinabang lupa
  • 0:34 - 0:38
    at 250 km³ na natatapong tubig kada taon.
  • 0:39 - 0:43
    Ang lawak ng lupang iyan ay mas
    malaki pa sa pinagsamang Canada at India
  • 0:43 - 0:47
    at sapat na para mapuno ang
    100 milyong pang-Olympic na languyan!
  • 0:48 - 0:52
    Dagdag pa dito, ang nasayang na pagkain
    ang sanhi ng 8-10%
  • 0:52 - 0:55
    pandaigdigang pag-init ng gas
    o ang greenhouse.
  • 0:55 - 0:58
    Ang init na ito ay 'di lang dahil
    sa produksyon at transportasyon
  • 0:58 - 1:02
    ng nasayang na pagkain, pati na
    rin dahil sa pagkabulok nila kapag
  • 1:02 - 1:05
    nakakain sila ng maykro-organismo.
  • 1:05 - 1:10
    Sa kabila nito, noong 2019
    halos 1 sa 10 tao sa mundo ang
  • 1:10 - 1:17
    nakaranas ng labis na kawalan ng pagkain.
    Ang pagbawas ng sayang na pagkain ng 50%
  • 1:17 - 1:21
    ay sasapat na para makakain
    ang mga taong ito at sosobra pa!
  • 1:22 - 1:25
    Kahit na laging may nasasayang na
    pagkain sa suplay ng food chain,
  • 1:25 - 1:28
    iba-iba ang sanhi nito sa
    iba't-ibang mga bansa.
  • 1:29 - 1:34
    Sa mas mayayamang bansa, higit 40%
    ng sayang na pagkain ang galing sa tinda
  • 1:34 - 1:38
    at pangkat ng konsumer, dahil ito sa
    kilos ng konsumer at sobrang suplay
  • 1:38 - 1:40
    higit sa pangangailangan.
  • 1:40 - 1:45
    Ang sayang na pagkain sa mas mahirap na
    bansa ay nagsisimula sa lebel ng suplay,
  • 1:45 - 1:48
    sanhi ng 'di maayos na pag-aani,
    kakulangan sa mapaglalagyan
  • 1:48 - 1:51
    at sa imbakan at sa
    kulang na infrastraktura
  • 1:51 - 1:52
    para sa pag-aangkat at sa pagbenta.
  • 1:53 - 1:56
    Kaya naman anong magagawa natin
    para mabawasan ang mga sayang na pagkain?
  • 1:57 - 2:00
    Pwede tayong magsimula
    sa lebel ng suplay:
  • 2:00 - 2:03
    dapat mabawasan ang sayang
    na pagkain mula sa bukid.
  • 2:04 - 2:08
    'Di akmang kondisyon, gaya ng
    kulang na tubig, sobrang init ay
  • 2:08 - 2:14
    makakabawas sa paglaki ng panamin
    at 20-40% ng ani sa mundo
  • 2:14 - 2:17
    ay nasisira dahil sa insekto, peste,
    damo at sa mga sakit.
  • 2:18 - 2:21
    Bumababa din ang kalidad ng lupa sa
    mundo, dahilan ay mahirap sa halaman
  • 2:21 - 2:25
    ang makakuha ng sustanyang kelangan nila
    kaya ang mga magsasaka
  • 2:25 - 2:27
    gagamit nalang ng artipisyal na pataba.
  • 2:28 - 2:32
    Kung maganda ang lupa at nagagamit
    ng husto ang kapaligiran ng mga panamin,
  • 2:32 - 2:36
    ng mga hayop, paligid, kayang mapagyabong
    ng mga magsasaka ang tanim
  • 2:36 - 2:38
    nabawasan ang tapon at
    makakatipid sa pinuhunan.
  • 2:39 - 2:41
    Ang paglaan sa magsasaka ng
    mahusay na paraan sa pag-aani
  • 2:41 - 2:45
    ay mahalaga rin, dahil nasisira ang
    pagkain 'pag nawawala o natatapon ito
  • 2:45 - 2:47
    dahil sa paraan ng pag-aani.
  • 2:47 - 2:52
    Isa sa malaking dahilan ng pagkasayang ng
    pagkain sa mahihirap na bansa ang imbakan:
  • 2:52 - 2:57
    'pag ang pagkain naimbak sa sobrang init
    o basang lugar madali itong nasisira.
  • 2:57 - 3:01
    Pagpapaganda ng imbakan at paraan
    ng pag-angkat ay malaki ang bawas
  • 3:01 - 3:05
    sa pagkasira: kung meron ang mga
    mahihirap na bansa ng
  • 3:05 - 3:11
    malalamig na imbakan gaya sa mayayamang
    bansa, mababawasan ang pagkasira ng 25%!
  • 3:11 - 3:16
    Para ito solusyonan, kelangan natin
    gumawa ng mura, off-grid
  • 3:16 - 3:20
    na imbakan ng pagkain, gaya ng imbakan
    na galing sa araw ang kuryente o solar.
  • 3:21 - 3:25
    Ang proseso at pagbabalot gamit ang
    matibay na materyal ay makatulong ding
  • 3:25 - 3:29
    'di masira ang pagkain habang
    inaangkat, iniimbak, at binibili
  • 3:30 - 3:34
    Pero dapat natin isipin ang
    mainam na balot na gagamitin.
  • 3:34 - 3:38
    Gayunpaman, ang pagbabago ay
    maaring hanggang doon lang.
  • 3:38 - 3:41
    kelangan ding magbago ang pag-ganap
    ng mga mamimili at nagtitinda.
  • 3:42 - 3:46
    Halimbawa, mataas masyado ang pamantayan
    ng produkto ng mga pamilihan
  • 3:46 - 3:51
    kapag hindi perpekto ang pagkain
    tinatapon ito kahit pwede pa kainin.
  • 3:52 - 3:56
    Ang pagtangkilik ng mamimili at nagtitinda
    sa mga "pangit" na pagkaing ito
  • 3:56 - 3:59
    ay makakabawas sa masasayang na pagkain.
  • 4:00 - 4:04
    Ang mga restawran, tindahan at kainan
    ay makakabawas ng sayang kung ibebenta
  • 4:04 - 4:08
    nila ang pagkain sa sapat na hain
    at ibibigay ang mga matira sa mga taong
  • 4:08 - 4:10
    hindi kayang bumili nito.
  • 4:10 - 4:12
    Anong magagawa natin bilang indibidwal?
  • 4:13 - 4:17
    Maari nating simulan sa pagpa-plano
    ng bibilhin at ng kelangan lang bilhin.
  • 4:17 - 4:21
    Pwedeng lutuin ang natirang pagkain,
    ilagay sa freezer para manatiling sariwa.
  • 4:21 - 4:24
    Gayun din ang pagiging masinop,
    pwede din tayong maging
  • 4:24 - 4:28
    mas maalam kung paano mag-imbak at
    magtingin kung ang pagkain
  • 4:28 - 4:31
    ay pwede pa kahit lagpas na sa petsa.
  • 4:31 - 4:35
    Habang yumayaman ang mundo, ang pagtatapon
    ng pagkain ng mga mamimili ay mas
  • 4:35 - 4:37
    lalong nagiging problema.
  • 4:37 - 4:41
    Kaya nga, mahalagang alam ng tao
    ang epekto ng sayang na pagkain
  • 4:41 - 4:43
    at anong pwedeng gawin para mabago ito.
  • 4:43 - 4:47
    Kung nagustuhan mo ang bideong ito,
    mag-subcribe at i-click ang notipikasyon
  • 4:47 - 4:50
    para malaman kung mayroon nang
    susunod na bideo!
  • 4:50 - 4:52
    Hanggang sa muli!
Title:
Nasasayang na Pagkain: Ang Nakatagong Halaga ng mga Pagkaing Tinatapon Natin | Climate Science #9
Description:

Sa buong mundo, 30% ng pagkain ang nawawala at nasasayang - katumbas na 1.6 BILYON toneladang pagkain kada taon! Napakahalaga na malaman ng mga tao ang epekto ng pagkasayang ng pagkain at kung ano ang maari nilang gawin para mabago ito.

Tignan ang aming sangay tungkol sa nasasayang na pagkain para mas maintindihan:
https://climatescience.org/advanced-food-waste/

Ang ClimateScience ay isang rehistradong kawang-gawa sa UK na pinangungunahan ng higit sa 200 masisigasig na kabataang bolunter. Ang aming misyon ay makagawa ng totoo, pangmatagalang solusyong pangklima na kagamit-gamit.

more » « less
Video Language:
English
Team:
Amplifying Voices
Project:
Hunger
Duration:
04:53

Filipino subtitles

Incomplete

Revisions Compare revisions