-
Sugar.
-
Sugar.
-
Sugar.
-
Nandiyan 'yan sa mga paborito nating snacks.
-
Kasama 'yan sa mga late-night cravings natin.
-
at parang ang hirap talagang tumigil.
-
I mean, lahat tayo dumaan na dyan.
-
Ang isang kagat ay nagiging sampu,
-
nagiging dalawampu,
-
at bago mo pa mapansin, ubos na ang laman ng plato mo
-
at puno ka na ng pagsisisi.
-
Kailangan mong magpigil.
-
Kailangan mong mas kontrolin.
-
Pero paano kung sabihin ko sa'yo
-
na yung pakiramdam na parang wala kang kotrol pagdating sa sugar
-
ay hindi dahil kulang ka sa willpower,
-
kundi baka may ibang gustong iparating ang katawan mo?
-
Ako si Jo. Isa akong dietitian
-
at matagal na akong nahirapan sa binge-eating.
-
Sinubukan ko na lahat ng diet at solusyon,
-
pero parang wala talagang gumagana dahil paulit-ulit na lang ako bumabalik sa parehong sitwasyon.
-
Matagal akong nakarating sa puntong kaya ko nang tumanggi.
-
Don't get me wrong.
-
Kumakain pa rin ako ng mga paborito kong sweets.
-
Pero di ako tumatanggi dahil sa takot, at nakakapagsabi din ako ng 'oo'
-
dahil sa kung ano ang gusto ko
-
at hindi lang dahil sa pakiramdam na parang kailangan ko ito.
-
Ngayon, kung ganito rin ang nararamdaman mo,
-
nasa tamang lugar ka
-
kasi sa video na ito, pag-uusapan natin ang mga strategy na ginawa ko
-
para sa wakas ay matalo ko ang aking sugar cravings.
-
Pero sandali.
-
Bago tayo mag-usap tungkol sa mga strategy na ito, sa tingin ko, mahalaga munang pag-usapan
-
kung bakit tayo nagkakaroon ng cravings sa sugar.
-
Isang 'food for thought'.
-
Ang totoo, ang cravings ay madalas na senyales na may gustong iparating sayo ang katawan mo.
-
Pero imbis na makinig, isinasantabi natin ito
-
at nagagalit na lang tayo sa sarili natin.
-
Ugh! Naubos ko na naman itong buong kahon ng cereal?
-
Ang palpak ko talaga. Wala akong kontrol.
-
Ngayon, ano kayang ibig sabihin kung nagkakaroon ka ng cravings sa sugar?
-
Dahil ba mahina ka? Dahil ba wala kang disiplina?
-
O baka may iba pang dahilan?
-
Ngayon, maraming posibleng dahilan pero narito ang ilan na gusto kong ibahagi. Baka hindi tayo kumakain ng sapat. Ano? Sigurado akong sobra akong kumakain kaya naman laging may cravings ako sa sugar. Pero maaaring kabaligtaran ito. Kapag may cravings ka, madalas na ito ay senyales ng katawan mo na kailangan mo ng pagkain. Dahil hindi ka kumakain ng sapat, susubukan ng katawan mong ipaalam sa'yo na kumain ka ng tama sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga signal na kumain ka ng mataas ang calories o mga pagkain na mayaman sa sugar dahil ito ang mabilis na source ng energy.
-
Not Synced