-
Maligayang pagdating sa "basic addition"!
-
Alam ko ang iniisip mo: "Di ganun ka-basic and addition para sa'kin!"
-
Paumanhin...
-
Nawa'y sa dulo ng palabas, o sa ilang linggo, ay basic na'to sa'yo
-
Simulan natin siguro sa, maari mong sabihin, ilang mga katanungan
-
Simulan natin sa isang tanyag na problema:
-
1 + 1
-
At alam ko na alam mo nang gawin ito
-
Pero ipapakita ko yung paraan paano kung saka-sakaling
-
hindi mo pa ito kabisado
-
Sabihin natin,
-
Kung meron akong isa - ito ay isang... avocado
-
Kung meron akong isang avocado at binigyan mo pa ako ng isa
-
Ilang avocado ang meron ako?
-
Isa, dalawang avocado
-
Kaya, ang 1 + 1 ay 2
-
Ngayong, iniisip mo:
-
"Ang dali naman!"
-
Kaya bibigyan kita ng mas mahirap
-
Ayos itong avocado
-
Ituloy nating ganito
-
Ano ang 3 + 4?
-
Heto, tingin ko, ay mas mahirap
-
Sige, sa avocado pa rin tayo
-
Kung sakaling di mo alam kung ano ang avocado
-
ito'y isa sa mga pinkamasasarap na prutas
-
at isa ring sa mga pinakamalalangis
-
Di mo nga siguro iisiping prutas kung makakita ka nito
-
Sabihin natin meron akong 3 avocado
-
1
-
2
-
3
-
at binigyan mo pa ko ng 4
-
Gawin nating dilaw yung 4, para alam mo na ito yung binigay mo sa'kin
-
1
-
2
-
3
-
4
-
Ilang mga avocado ang meron ako ngayon?
-
Bilangin natin,
-
1
-
2
-
3
-
4
-
5
-
6
-
7 avocados
-
Kaya ang 3 + 4 ay 7
-
Ngayon naman, simulan natin ang isa pang paraan para isipin 'to
-
Ang tawag dito'y: Ang Number Line
-
Ganito ko gagawin sa utak ko,
-
kapag nakalimutan ko,
-
kapag di ko kabisado,
-
Gamit ang number line, isusulat ko ang mga numero nang sunud-sunod,
-
hanggang sa lahat ng numerong gamit ko'y naisulat na
-
Ang unang numero ay 0, na ang ibig sabihi'y wala...
-
ngayon alam mo na,
-
Pagkatapos 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10
-
Patuloy sa: 11, ...
-
Sabi natin 3 + 4
-
Simulan natin sa 3
-
Heto ang 3
-
Idadagdag natin yung 4 sa 3
-
Ang gagawin natin, punta tayo sa number line
-
dito sa number line
-
4 pa
-
Kaya,
-
1
-
2
-
3
-
4
-
Dinagdagan lang natin ito ng 1
-
2
-
3
-
4
-
Napunta tayo sa 7
-
At yan ang sagot.
-
Pwede pa tayong tumalakay ng iba pang tanong
-
Sabihin natin:
-
Ano ang...
-
Kung itanong ko sa'yo, "ano ang 8 + 1?"
-
Hmmm... 8 + 1
-
Alam mo na siguro
-
8 + 1 ay ang susunod na bilang
-
kung titignan ang number line
-
simulan natin sa 8
-
dagdagan ng 1
-
ang 8 + 1 ay 9
-
hirapan natin
-
at para sa iyong kaalaman,
-
kung medyo hindi ka pa sanay,
-
pwede mong iguhit ang mga bilog
-
o kaya ang number line
-
paglipas ng panahon,
-
kapag nasanay ka na,
-
madali mo itong maisasaulo
-
kaya mo itong pagsasagutin
ng wala pang isang segundo
-
Promise.
-
kailangan mo lang magsanay lagi
-
Sabihin natin
-
Nais kong iguhit muli ang number line
-
meron nga pala akong line tool
-
kaya hindi dapat pangit yung mga linya ko
-
kung pwede namang... ayan
-
ang ganda...
-
Matinu-tinong linya
-
Parang ayoko nang burahin
-
gumuhit tayo ng number line
-
0
-
1
-
2
-
3
-
4
-
5
-
6
-
7
-
8
-
9
-
10
-
11
-
12
-
13
-
14
-
15
-
Mahirap na tanong:
-
Ano ang...
-
(palitan din natin ang kulay)
-
Ano ang 5 + 6 ?
-
kung gusto mo, i-pause mo yung video at subukan ito.
-
Baka nga alam mo na yung sagot
-
Kaya ko inisip na mahirap ito dahil
-
ang sagot ay mas marami sa bilang ng iyong daliri
-
para di mo ito bilangin gamit ang iyong kamay
-
OK, simulan na natin
-
(tumutunog yung cellphone ko...)
-
(pero di ko sasagutin kasi mas mahalaga ka!)
-
Simulan natin 5
-
Dito sa may 5
-
dadagdagan natin ng 6
-
bilangin natin
-
1
-
2
-
3
-
4
-
5
-
6
-
Nasa 11 tayo
-
Ang 5 + 6 ay 11
-
Ngayon, tatanungin kita
-
Ano ang 6 + 5 ?
-
Pwede mo bang baligtarin ang dalawang numero at kunin ang sagot?
-
Subukan natin
-
pero ibahin rin natin yung kulay
-
para di tayo malito
-
Simlan natin sa 6
-
Wag mo munang pansinin yung dilaw
-
dagdagan natin ng 5
-
1
-
2
-
3
-
4
-
5
-
Ha!
-
Pareho!
-
Maari mo itong subukan sa iba pang mga tanong
-
at makikita kung bakit ito gumagana
-
Hindi mahalaga kung ano ang nauna
-
ang 5 + 6 ay pareho lang sa 6 + 5
-
Hindi ba?
-
Kung may 5 akong avocado at bigyan mo ako ng 6, 11
-
At kung 6 at bigyan mo'ko ng 5, 11 pa rin
-
Dahil mabisa ang number line
-
Sumagot pa tayo ng ilang tanong gamit 'to
-
Pero sigurado akong malilito ka na
-
kasi patung-patong na ang sulat ko
-
Tignan natin...
-
(puti naman)
-
Ano ang 8 + 7 ?
-
Well...
-
(kung nababasa mo pa'to)
-
ang 8 ay narito
-
dadagdagan natin ng 7
-
1
-
2
-
3
-
4
-
5
-
6
-
7
-
Andito tayo sa 15
-
8 + 7 ay 15
-
Kaya sana, maunawaan mo kung paano gagawin ang mga problemang ito
-
At higit pa - hula ko matututunan mo rin ang multiplication maya-maya
-
Ang mga ganitong tanong,
-
Kapag nagsisimula ka palang sa sipnayan (maths)
-
Heto ang nangangailangan ng matinding pagsasanay
-
kalaunan kelangan mo rin itong kabisaduhin
-
pero pag tagal, at tinignan mo ito uli,
-
gusto kong maalala mo kung paano mo pinanood ito,
-
at panoorin mo ito uli pagkatapos ng tatlong taon
-
at gusto kong maalala mo kung ano ang iyong naramdaman noong pinapanood mo'to ngayon
-
at sasabihin mo "Oh my God, ang dali naman nito!"
-
dahil mabilis kang matututo
-
anyway...
-
sa tingin ko alam mo na'to
-
At kung hindi mo alam yung sagot sa mga addition problem sa mga exercise
-
Maari mong pindutin yung "hints"
-
at iguguhit namin yung mga bilog
-
na maari mong bilangin
-
o kaya, kung gusto mo itong gawin mag-isa,
-
para makuha mo ito ng tama,
-
pwede mong iguhit yung mga bilog
-
o kaya yung number line
-
na katulad dito.
-
Tingin ko kaya mo na yung iba pang mga tanong sa addition.
-
Have fun!