< Return to Video

The Internet: Encryption & Public Keys

  • 0:03 - 0:08
    Ang Internet: Encryption at mga Pampublikong Key
  • 0:09 - 0:14
    Kumusta ako si Mia Gil-Epner, nagme-major
    sa Computer Science sa UC Berkeley at nagtatrabaho ako
  • 0:14 - 0:19
    sa Kagawaran ng Tanggulan, kung saan sinusubukan kong
    panatilihin ang impormasyon na ligtas. Ang Internet ay
  • 0:19 - 0:26
    isang bukas at pampublikong sistema. Nagpapadala at tumatanggap tayong lahat ng impormasyon sa mga ibinahaging kawad at
  • 0:26 - 0:30
    mga koneksiyon. Pero kahit na bukas na sistema ito
    nagpapalitan pa rin tayo ng maraming pribadong
  • 0:30 - 0:36
    datos. Ang mga bagay tulad ng mga numero sa credit card,
    impormasyon sa bangko, mga password, at email. Kaya
  • 0:36 - 0:41
    paano napapanatiling sekreto ang lahat ng pribadong bagay na ito? Mga datos na anumang uri ay mapapanatiling sekreto sa pamamagitan ng
  • 0:41 - 0:45
    isang proseso na kilala bilang encryption, ang paghahalu-halo o pagpapalit ng mensahe upang itago ang orihinal na
  • 0:45 - 0:52
    teksto. Ngayon ang decryption ay ang proseso ng pag-aayos
    ng mensaheng iyan upang gawing mababasa ito. Ito ay
  • 0:52 - 0:57
    simpleng ideya at ginagawa na ng mga tao na
    ito siglo-siglo. Isa sa mga unang kilalang
  • 0:57 - 1:02
    paraan ng encryption ay ang Cipher ni Caesar.
    Ipinangalan kay Julius Caesar, isang heneral na Romano
  • 1:02 - 1:07
    na nag-encrypt ng kanyang mga utos militar upang masiguro na kung maharang ang isang mensahe ng
  • 1:07 - 1:13
    mga kaaway, hindi nila ito mababasa.
    Ang Caesar Cipher ay isang Algoritmo na pinapalitan
  • 1:13 - 1:17
    ang bawat titik sa orihinal na mensahe ng isang
    titik isang tiyak na numero ng mga hakbang sa
  • 1:17 - 1:21
    alpabeto. Kung ang numero ay ilang bagay na alam
    lang ng nagpadala at tatanggap, kung gayon tinatawag ito
  • 1:21 - 1:29
    na key. Hinahayaan nito ang mambabasa na i-unlock ang
    sekretong mensahe. Halimbawa, kung ang orihinal na
  • 1:29 - 1:36
    mensahe mo ay 'HELLO' kung gayon ang paggamit sa
    algoritmo ng Caesar Cipher na may key na 5 ang encrypted na mensahe
  • 1:36 - 1:43
    ay magiging ito... Upang ma-decrypt ang mensahe, ang tatanggap ay simpleng gagamit ng key upang baligtarin
  • 1:43 - 1:50
    ang mga proseso. Pero may malaking problema
    sa Caesar Cipher, sinuman ay maaaring mabasa
  • 1:50 - 1:56
    ang encrypted na mensahe, sa pamamagitan ng pagsubok
    sa bawat posibleng key, at sa alpabetong Ingles
  • 1:56 - 2:00
    may 26 lang na titik na ibig sabihin kailangan mo
    lang na subukan ang karamihan sa 26 key upang
  • 2:00 - 2:07
    i-decrypt ang mensahe. Ngayon ang pagsubok sa 26 posibleng key ay hindi napakahirap, aabutin ito sa karamihan
  • 2:07 - 2:13
    isang oras o dalawa. Kaya gawin natin itong mas mahirap. Sa halip ng pagpapalit sa bawat titik ng parehong halaga,
  • 2:13 - 2:19
    papalitan natin ang bawat titik ng naiibang halaga.
    Sa halimbawang ito ang isang sampung digit key ay nagpapakita kung ilang
  • 2:19 - 2:27
    posisyon bawat sunod-sunod na titik ay papalitan
    upang ma-encrypt ang mas mahabang mensahe. Ang paghula
  • 2:27 - 2:34
    sa key na ito ay talagang magiging mahirap. Gamit ang 10 digit encryption maaaring magkaroon ng 10 bilyon na posibleng solusyon na key.
  • 2:34 - 2:40
    Halata na higit iyan sa kakayahan ng sinumang tao na
    lutasin, aabutin ito ng maraming siglo.
  • 2:40 - 2:46
    Pero ang average na computer sa ngayon ay aabutin lang
    ng ilang segundo upang subukan ang lahat ng 10 bilyong posibilidad,
  • 2:46 - 2:51
    Kaya sa isang modernong mundo kung saan ang mga masasamang-loob ay armado ng mga computer sa halip na mga lapis paano
  • 2:51 - 2:58
    mo mae-encrypt nang ligtas na
    napakahirap nilang mabasa? Ngayon ibig sabihin ng napakahirap
  • 2:58 - 3:04
    na may napakaraming posibilidad upang kalkulahin
    sa isang makatuwirang dami ng panahon. Ang mga
  • 3:04 - 3:10
    ligtas na komunikasyon sa ngayon ay naka-encrypt gamit ang 256 bit key. Ibig sabihin niyan na ang computer ng masamang-loob na
  • 3:10 - 3:16
    humaharang sa mensahe mo ay kailangang subukang
    ito ang maraming posibleng opsiyon...hanggang sa madiskubre nila
  • 3:16 - 3:24
    ang key at mabasa ang mensahe. Kahit na kung ikaw ay
    may 100,000 super computer at bawat isa sa
  • 3:24 - 3:31
    kanila ay kayang subukan ang milyong bilyong key
    bawat segundo aabutin ito ng mga trilyon ng mga trilyong
  • 3:31 - 3:38
    taon upang subukan ang bawat opsiyon para lang mabasa
    ang isang mensahe na protektado ng 256 bit encryption.
  • 3:38 - 3:43
    Siyempre ang mga computer chip ay doble ang bilis
    at kalahati ang laki bawat taon o higit pa. Kung ang
  • 3:43 - 3:48
    takbong iyan ng exponential na pagsulong ay nagpapatuloy, ang mga imposibleng problema sa ngayon ay malulutas lang sa
  • 3:48 - 3:55
    sa ilang daang taon sa hinaharap at 256
    bit ay hindi sasapat na maging ligtas. Sa katunayan
  • 3:55 - 4:01
    kailangan na nating palakihin ang karaniwang haba ng key
    upang makaalinsabay sa bilis ng mga computer.
  • 4:01 - 4:06
    Ang mabuting balita ay ang paggamit ng mas mahabang key ay hindi ginagawa ang pag-encrypt sa mga mensahe na mas mahirap pero
  • 4:06 - 4:12
    pinalalaki nito nang exponential ang numero ng mga hula
    na aabutin upang mabasa ang cipher. Kapag
  • 4:12 - 4:17
    ang nagpadala at tatanggap ay nagsasalo sa parehong key
    upang paghahaluin at ayusin ang isang mensahe tinatawag itong
  • 4:17 - 4:24
    Symmetric Encryption. Sa Symmetric Encryption, tulad
    ng Caesar Cipher, ang sekretong key ay kailangang
  • 4:24 - 4:30
    sang-ayunan nang maaga ng dalawang tao nang pribado.
    Kaya napakaganda niyan sa mga tao, pero ang internet
  • 4:30 - 4:36
    ay bukas at pampubliko kaya imposible ito para
    sa dalawang computer na "makipagtagpo" nang pribado upang sumang-ayon
  • 4:36 - 4:42
    sa isang sekretong key. Sa halip gumagamit ang mga computer
    ng mga Asymmetric Encryption key, isang pampublikong key na maaaring
  • 4:42 - 4:49
    ipagpalit sa sinuman at ang isang pribadong key na hindi ibinabahagi. Ang Pampublikong Key ay ginagamit upang i-encrypt
  • 4:49 - 4:56
    ang mga datos at maaaring gamitin ito ng sinuman upang gumawa ng sekretong mensahe, pero ang sekreto ay maaari lang ma-decrypt
  • 4:56 - 5:01
    ng isang computer na may access sa pribadong key.
    Paano gumagana ito ay may ilang math na hindi tatalakayin
  • 5:01 - 5:06
    ngayon mismo. Isipin ito na ganito,
    isipin na mayroon kang personal na mailbox,
  • 5:06 - 5:11
    kung sinuman ay maaaring magdeposito ng koreo pero kailangan nila ng key upang gawin ito. Ngayon maaari kang gumawa ng maraming kopya
  • 5:11 - 5:17
    ng deposit key at ipadala ang isa sa kaibigan mo
    o kahit lang gawin itong mayroon sa publiko. Ang
  • 5:17 - 5:21
    kaibigan mo o kahit na dayuhan ay maaaring gamitin ang pampublikong key upang i-access ang deposit slot mo at ihulog ang
  • 5:21 - 5:27
    mensahe, Pero mabubuksan mo lang ang mailbox
    ng iyong pribadong key, upang i-access ang lahat ng
  • 5:27 - 5:32
    mga sekretong mensahe na tinanggap mo. At maaari kang magpadala ng ligtas na mensahe balik sa kaibigan mo
  • 5:32 - 5:38
    sa pamamagitan ng paggamit ng pampublikong deposit key sa kanilang mailbox. Sa paraang ito maaaring magpalitan ang mga tao ng mga ligtas na mensahe
  • 5:38 - 5:44
    nang hindi kakailanganin ang pagsang-ayon sa isang pribadong
    key. Ang cryptography ng Pampublikong Key ay ang pundasyon
  • 5:44 - 5:49
    ng lahat ng ligtas na pagmemensahe sa bukas na internet.
    Kasama ang mga Security Protocol na kilala bilang
  • 5:49 - 5:56
    SSL at TLS, na nagpoprotekta sa atin kapag nagba-browse tayo sa web. Ginagamit ng computer mo ito
  • 5:56 - 6:01
    sa ngayon, anumang oras na makita mo ang maliit na kandado o mga titik https sa address bar ng browser mo.
  • 6:01 - 6:07
    Ibig sabihin nito na ang computer mo ay gumagamit ng pampublikong key na encryptiion upang magpalitan ng mga datos nang ligtas sa
  • 6:07 - 6:13
    website na binuksan mo. Habang mas maraming tao ang nag-iinternet mas maraming privadong datos
  • 6:13 - 6:19
    ay maita-transmit, at ang pangangailangan na
    gawing ligtas ang mga datos na iyan ay magiging mas importante.
  • 6:19 - 6:24
    At habang nagiging mas mabilis ang mga computer kailangan nating bumuo ng mga bagong paraan upang gawing
  • 6:24 - 6:29
    napakahirap ang encryption. Ito ang ginagawa ko
    sa aking trabaho at palagi itong nagbabago.
Title:
The Internet: Encryption & Public Keys
Description:

more » « less
Video Language:
English
Duration:
06:40

Tagalog subtitles

Revisions