< Return to Video

Ron Gutman: Ang nakatagong kapangyarihan ng ngiti

  • 0:00 - 0:03
    Noong bata pa ako, nais ko nang maging "superhero"
  • 0:03 - 0:06
    Gusto kong iligtas ang mundo at mapasaya ang lahat ng tao.
  • 0:06 - 0:08
    Pero alam ko na kailangan ko ng "superpowers"
  • 0:08 - 0:10
    upang maisakatuparan ang lahat ng aking mga pangarap.
  • 0:10 - 0:13
    Kaya, dati ay naglalayag ako sa mga kunwa-kunwariang paglalakbay
  • 0:13 - 0:16
    para maghanap ng mga intergalactic na bagay mula sa planetang Krypton,
  • 0:16 - 0:18
    na talaga namang nakakatuwa,
  • 0:18 - 0:20
    ngunit wala naman gaanong saysay.
  • 0:20 - 0:22
    Noong malaki na ako, napag-isip-isip ko
  • 0:22 - 0:25
    na ang salaysaying maka-agham ay malabong mapagkunan ng kapangyarihan,
  • 0:25 - 0:28
    napagdesisyunan ko na simulang lakbayin ang tunay na agham,
  • 0:28 - 0:30
    upang makahanap ng katotohanan na kapaki-pakinabang.
  • 0:30 - 0:33
    Nagsimula ang aking paglalakbay sa California
  • 0:33 - 0:36
    sa isang 30-taong pag-aaral mula sa UC Berkeley
  • 0:36 - 0:38
    na sinuri ang mga larawan ng mga mag-aaral
  • 0:38 - 0:40
    sa isang lumang yirbuk
  • 0:40 - 0:42
    at sinubukang sukatin ang tagumpay at kagalingan
  • 0:42 - 0:44
    ng buhay ng bawat isa.
  • 0:44 - 0:46
    Sa pamamagitan ng pagsukat ng mga ngiti ng mga mag-aaral,
  • 0:46 - 0:48
    nalaman ng mga mananaliksik
  • 0:48 - 0:50
    kung magiging masaya at matagal ba
  • 0:50 - 0:53
    ang buhay may-asawa ng estudyanteng yun,
  • 0:53 - 0:55
    kung magiging mataas ang puntos
  • 0:55 - 0:57
    niya sa mga pagsusuri ng kagalingan,
  • 0:57 - 1:00
    at kung nakaka-enganyo ba siya sa ibang tao.
  • 1:01 - 1:04
    Sa isa pang yirbuk, nakita ko ang larawan ni Barry Obama.
  • 1:04 - 1:06
    Noong una kong nakita ang larawan,
  • 1:06 - 1:09
    inisip ko na nanggaling sa kanyang super-kwelyo ang kanyang superpowers.
  • 1:10 - 1:13
    Ngunit ngayon alam ko na, na dahil iyon sa kanyang ngiti.
  • 1:13 - 1:15
    Isa pang nakamamanghang sandali
  • 1:15 - 1:18
    ay mula sa isang pagsasaliksik noong 2010 sa Wayne State University
  • 1:18 - 1:21
    na pinag-aralan ang mga baseball cards na mas matanda pa sa 1950
  • 1:21 - 1:23
    at laman ay ang mga manlalaro ng Major League.
  • 1:23 - 1:25
    Nalaman ng mga mananaliksik
  • 1:25 - 1:27
    na ang lawak ng isang ngiti ng manlalaro
  • 1:27 - 1:30
    ay makakapagsabi ng itatagal ng kanyang buhay.
  • 1:30 - 1:33
    Ang mga manlalarong hindi nakangiti sa kanilang larawan
  • 1:33 - 1:36
    ay nabuhay lamang ng humigit-kumulang 72.9 na taon,
  • 1:36 - 1:38
    samantalang ang mga manlalalarong may kaaya-ayang ngiti
  • 1:38 - 1:41
    ay nabuhay ng humigit-kumulang 80 na taon.
  • 1:41 - 1:43
    (Tawanan)
  • 1:43 - 1:46
    Buti nalang, ipinanganak tayong nakangiti.
  • 1:46 - 1:48
    Gamit ang teknolohiya ng 3D ultrasound,
  • 1:48 - 1:51
    nakikita na natin kung paano ngumiti ang mga nabubuong sanggol,
  • 1:51 - 1:53
    kahit pa ito'y nasa loob ng sinapupunan.
  • 1:53 - 1:55
    Kapag naisilang na sila,
  • 1:55 - 1:57
    patuloy pa ring nakangiti ang mga sanggol --
  • 1:57 - 1:59
    na madalas ay sa kanilang pagtulog.
  • 1:59 - 2:01
    At kahit ang mga bulag na sanggol ay napapangiti
  • 2:01 - 2:04
    sa tunog ng boses ng tao.
  • 2:04 - 2:07
    Ang pagngiti ay isa sa mga pinaka-natural
  • 2:07 - 2:09
    na uri ng pagpapahayag ng tao.
  • 2:09 - 2:11
    Sa mga pag-aaral na isinagawa sa Papua New Guinea,
  • 2:11 - 2:13
    natuklasan ni Paul Ekman,
  • 2:13 - 2:16
    ang pinakatanyag na mananaliksik sa buong mundo sa pagpapahayag gamit ang mukha,
  • 2:16 - 2:19
    na kahit ang mga miyembro ng tribong Fore,
  • 2:19 - 2:22
    na noon pa'y hiwalay na sa kulturang Kanluranin,
  • 2:22 - 2:26
    at bantog rin sa mga kakaibang ritwal ng kanibalismo,
  • 2:26 - 2:29
    ay na-iuugnay ang mga ngiti sa paglalarawan ng mga sitwasyon
  • 2:29 - 2:31
    na gaya din natin.
  • 2:31 - 2:34
    Kaya, mula sa Papua New Guinea
  • 2:34 - 2:36
    hanggang sa Hollywood
  • 2:36 - 2:39
    at pati sa modernong sining sa Beijing,
  • 2:39 - 2:41
    napapangiti tayo madalas,
  • 2:41 - 2:43
    at ito ay upang ipakita ang galak
  • 2:43 - 2:45
    at kasiyahan.
  • 2:45 - 2:47
    Iilan ba sa inyo sa bulwagang ito ang
  • 2:47 - 2:49
    ngumingiti ng mahigit sa 20 beses sa isang araw?
  • 2:49 - 2:52
    Maaring pakitaas lang po ng mga kamay. Oh, wow.
  • 2:52 - 2:54
    Sa labas ng kwartong ito,
  • 2:54 - 2:57
    mahigit sa tatlumput-tatlong bahagdan ng mga tao ang ngumingiti ng higit sa 20 beses kada araw,
  • 2:57 - 3:00
    samantalang mas mababa sa 14 na bahagdan
  • 3:00 - 3:02
    ang ngumingiti ng kulang sa lima.
  • 3:02 - 3:05
    Sa katunayan, ang mga pinakanakakamanghang superpowers
  • 3:05 - 3:08
    ay taglay ng mga bata
  • 3:08 - 3:11
    na ngumingiti ng kasing-dami ng 400 beses sa isang araw.
  • 3:11 - 3:13
    Nagtataka ka ba kung bakit kapag kasama mo ang mga bata
  • 3:13 - 3:15
    na palaging nakangiti
  • 3:15 - 3:18
    ay napapangiti rin kayo lagi?
  • 3:19 - 3:21
    Sa isang bagong pag-aaral sa Uppsala University sa Sweden
  • 3:21 - 3:24
    nalaman nila na talagang mahirap sumimangot
  • 3:24 - 3:26
    kung nakatingin ka sa isang nakangiti.
  • 3:26 - 3:28
    Bakit kaya?
  • 3:28 - 3:30
    Dahil ang pagngiti ay nakakahawa, dala ng ebolusyon,
  • 3:30 - 3:32
    at napipiligan nito ang kontrol
  • 3:32 - 3:35
    natin sa mga kalamnan ng mukha.
  • 3:35 - 3:37
    Ang paggaya ng isang ngiti
  • 3:37 - 3:39
    at ang pagdanas nito
  • 3:39 - 3:43
    ay makakatulong sa pag-unawa kung ang ating ngiti ay peke o tunay,
  • 3:43 - 3:45
    at maiintindihan natin ang lagay ng damdamin
  • 3:45 - 3:47
    ng mga ngumingiti.
  • 3:47 - 3:49
    Sa isang panibagong pag-aaral ukol sa panggagaya
  • 3:49 - 3:52
    sa Clermont-Ferrand University sa France,
  • 3:52 - 3:54
    tinanong nila ang mga tao
  • 3:54 - 3:56
    kung ang isang ngiti ay totoo o kunwa-kunwari lang,
  • 3:56 - 3:58
    habang hawak ang isang lapis sa kanilang mga bibig
  • 3:58 - 4:00
    para mapigilan ang mga kalamnan ng pagngiti.
  • 4:00 - 4:03
    Noong wala ang lapis, magaling humusga ang mga tinanong,
  • 4:03 - 4:05
    Ngunit noong may lapis na ang kanilang mga bibig,
  • 4:05 - 4:08
    at hindi na nila nagagaya ang ngiti dahil sa lapis,
  • 4:08 - 4:10
    nababawasan ang kanilang kakayahang humusga.
  • 4:10 - 4:12
    (Tawanan)
  • 4:12 - 4:15
    Bukod sa ebolusyon na nakasulat sa "The Origin of Species",
  • 4:15 - 4:17
    sinulat rin ni Charles Darwin
  • 4:17 - 4:19
    ang teorya ng 'facial feedback response'.
  • 4:19 - 4:21
    Nakasaad sa teorya
  • 4:21 - 4:23
    na ang pagngiti
  • 4:23 - 4:25
    ay nakakabuti sa pakiramdam --
  • 4:25 - 4:27
    taliwas sa sinasabing ang pagngiti ay resulta lamang
  • 4:27 - 4:29
    ng mabuting pakiramdam.
  • 4:29 - 4:31
    Sa kanyang pag-aaral,
  • 4:31 - 4:34
    pinangalanan ni Darwin ang isang neurologist na Pranses na si Guillaume Duchenne,
  • 4:34 - 4:37
    na gumamit ng kuryente sa mga kalamnan ng mukha
  • 4:37 - 4:39
    upang makagawa ng pagngiti.
  • 4:39 - 4:41
    Pakiusap, huwag niyong gawin sa bahay.
  • 4:41 - 4:43
    (Tawanan)
  • 4:43 - 4:45
    Kaugnay nito, isang pag-aaral ng mga Aleman
  • 4:45 - 4:47
    ang gumamit ng fMRI imaging
  • 4:47 - 4:49
    upang sukatin ang mga nangyayari sa utak
  • 4:49 - 4:52
    bago at pagkatapos turukan ng Botox
  • 4:52 - 4:55
    upang pigilan ang mga kalamnan ng pagngiti.
  • 4:55 - 4:57
    Ang tuklas na ito ay sumusuporta sa teorya ni Darwin
  • 4:57 - 4:59
    na ang "facial feedback"
  • 4:59 - 5:01
    ay nakakapagpabago sa neural processing
  • 5:01 - 5:03
    sa bahagi ng utak na patungkol sa emosyon
  • 5:03 - 5:06
    upang mapabuti ang ating nararamdaman sa tuwing tayo ay nakangiti.
  • 5:07 - 5:09
    Ang pagngiti ay nakakapagsigla ng "reward mechanism" sa ating utak
  • 5:09 - 5:11
    sa paraan na kahit pa tsokolate --
  • 5:11 - 5:14
    isang kilalang bagay na nagdudulot ng kaligayahan --
  • 5:14 - 5:16
    ay hindi makakapantay.
  • 5:16 - 5:19
    Nalaman ng mga mananaliksik sa Britanya na ang isang ngiti
  • 5:19 - 5:22
    ay nakakalilikha ng "stimulation" sa utak
  • 5:22 - 5:25
    na tulad ng 2,000 bareta ng tsokolate.
  • 5:25 - 5:27
    (Tawanan)
  • 5:27 - 5:30
    Eto pa. Nalaman din ng naturang pag-aaral
  • 5:30 - 5:32
    na ang pagngiti ay nakakapagsigla gaya ng
  • 5:32 - 5:37
    pagtanggap ng halos 16,000 pounds Sterling na pera.
  • 5:37 - 5:39
    Katumbas niyan ay 25,000 na dolyar bawat ngiti.
  • 5:39 - 5:41
    Hindi na rin masama.
  • 5:41 - 5:43
    At isipin nyo pa ito:
  • 5:43 - 5:45
    25,000 x 400 --
  • 5:45 - 5:47
    iilan diyan sa labas
  • 5:47 - 5:50
    bawat araw, naniniwalang sila na susunod kay Mark Zuckerberg,
  • 5:50 - 5:52
    At kaysa kumain ng napakaraming tsokolate,
  • 5:52 - 5:55
    ang madalas na pagngiti ay nakakabuti ng kalusugan.
  • 5:55 - 5:57
    Ang pagngiti ay nakabawas rin ng dami
  • 5:57 - 5:59
    ng mga hormones na nakakadagdag sa stress
  • 5:59 - 6:02
    gaya ng cortisol, adrenaline at dopamine,
  • 6:02 - 6:04
    nakakadagdag ng antas ng hormones na nagpapagaan ng kalooban
  • 6:04 - 6:06
    gaya ng endorphin
  • 6:06 - 6:08
    at nakakabawas ng pangkalahatang presyon ng dugo.
  • 6:08 - 6:10
    At, kung hindi pa yan sapat,
  • 6:10 - 6:12
    ang pagngiti ay talagang maganda
  • 6:12 - 6:14
    sa paningin ng iba.
  • 6:14 - 6:16
    Isang bagong pag-aaral sa Penn State University ang
  • 6:16 - 6:18
    nakatuklas na kapag ngumingiti ka
  • 6:18 - 6:21
    hindi ka lang magmumukhang mas kalugud-lugod at magalang,
  • 6:21 - 6:25
    kundi magmumukhang ka pang may higit na kakayahan.
  • 6:25 - 6:27
    Kaya, kung gusto mong magmukhang magaling at kaaya-aya,
  • 6:27 - 6:29
    bawasan ang iyong stress
  • 6:29 - 6:31
    o pagtibayin ang iyong buhay may-asawa,
  • 6:31 - 6:34
    o maramdam na nakakain ng isang tambak ng tsokolateng de-kalidad --
  • 6:34 - 6:37
    at walang dagdag sa calorie cost --
  • 6:37 - 6:39
    o di kaya'y nakakita ng 25,000 na dolyar sa bulsa
  • 6:39 - 6:42
    ng isang lumang dyaket na matagal mo nang hindi naisuot,
  • 6:42 - 6:46
    o kung gusto mo lang humugot ng superpower
  • 6:46 - 6:49
    na makakatulong sa iyo at sa lahat ng tao sa paligid mo
  • 6:49 - 6:52
    na mabuhay ng mas mahaba, mas malusog, at mas masaya,
  • 6:52 - 6:54
    ngumiti ka.
  • 6:54 - 7:05
    (Palakpakan)
Title:
Ron Gutman: Ang nakatagong kapangyarihan ng ngiti
Speaker:
Ron Gutman
Description:

Sinuri ni Ron Gutman ang mga pag-aaral tungkol sa pagngiti at kanyang ibinahagi ang ilang nakakagulat na resulta. Alam mo ba na maaring matukoy ang magiging haba ng buhay sa pamamagitan ng iyong ngiti - at ang simpleng pagngiti ay nakakaapekto sa pangkalahatang kagalingan? Simulan mo nang igalaw ang mga kalamnan sa mukha, habang nadadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa nakaka-enganyong ugaling ito.

more » « less
Video Language:
English
Team:
closed TED
Project:
TEDTalks
Duration:
07:06
Dyan Kristine Miranda added a translation

Filipino subtitles

Revisions