-
room makeover
-
hello sa inyong lahat! :)
-
ngayong araw, mabibigyan ko na sa wakas
ng makeover ang aking kuwarto!
-
ito ang kasalukuyang itsura ng kuwarto ko,
-
matagal na rin nung huli akong
may binago dito
-
kaya napagisipan ko na oras na
para bigyan ito ng makeover
-
dahil medyo maliit ang kuwarto ko,
hindi ako maglalagay ng maraming muwebles
-
at susubukan ko na pagmukhain ito na
maluwag hangga't maaari
-
kaya simulan na natin ang makeover na ito!
-
mga ginamit kong inspirasyon
-
unang bahagi: pamimili sa ikea
-
dumating kami sa ikea para mamili ng
mga gamit
-
mas pinagtuonan ko ang mga dekorasyon
habang namimili
-
dahil hindi ako bibili ng kahit anong
muwebles dito
-
napagdesisyunan ko na bilihin itong
puting kumot,
-
mukhang komportable itong gamitin
-
at itong cute na pink na candila
-
bumili rin kami ng mga kailangan
para sa bahay
-
at tapos na ang pamimili!
-
ikalawang bahagi: pagaalis ng mga gamit
sa kuwarto
-
ngayon, ilabas natin lahat ng gamit ko
sa kuwarto!
-
para mas maraming espasyong paglalagyan ng
mga bagong muwebles
-
tatanggalin ko rin ang mga estanteng ito
-
ang pader na may mga larawan
na ipininta ko
-
sinimulan kong ipinta ang mga ito noong
simula ng quarantine
-
ngunit pagkatapos mapuno ng pader,
medyo tumigil ako sa pagpinta
-
ito ang ilan sa aking mga paborito!
-
nililinis ko ang pangdikit na ginamit ko
upang idikit ang mga pinta
-
oras na para tanggalin ang kutson
-
tinutupi ang aking mga pangsapin sa kama
-
tatanggalin ko ang mga turnilyong ito
-
gumagawa ng plaster para sa pader
-
mukhang medyo mas maitim, pero kapag
natuyo na medyo mas malapit na ito sa puti
-
hindi ako sigurado kung ito ba ang tamang
paraan para gawin ito,
-
pero magtiwala tayo sa proseso ;)
-
kung hindi natin papansinin ang aparador,
wala nang laman ang kuwarto!
-
ikatlong bahagi: pagpapalit ng mga
muwebles
-
dumating na ang bago kong kama
-
itong kama ay pasadyang ginawa para sa
akin
-
dahil hindi ko mahanap ang ganitong estilo
ng kama sa kahit anong bilihan
-
napagdesisyunan ko na ako na mismo ang
magdisenyo nito :)
-
natutuwa ako sa kinalabasan nito
-
nilalagay ito sa puwesto
-
naglilinis ng unti
-
pinapalitan ko ang kutson nito
-
at nilalagay ang sapin ng kama
-
itong lint roller ay mahalaga
para masigurong walang alikabok
-
nakuha ko itong set ng pangsapin sa
h&m home
-
nagustuhan ko ang neutral na kulay na ito
-
naisip ko na babagay ito sa aking kuwarto
-
may kasama itong isang punda
-
para sa pangalawa kong unan gagamitin ko
itong isa na kulay puti
-
pagsamahin natin lahat
-
ngayon oras na para sa aking lamesa
sa tabi ng kama
-
nabili ko ito online
-
kaya hindi ako sigurado kung ang
kalalabasan nito ay katulad ng gusto ko
-
kumuha ako ng dalawang sukat ng parehong
lamesa
-
ang pagbubuo nito ay hindi kasingdali
ng inakala ko
-
pero ito ang una
-
ang pangalawa ay naihanda na rin
-
sa totoo lang, hindi ko masyadong
nagustuhan ang kalidad ng mga ito
-
pero napagtanto ko na huwag na lang itong
pansinin, dahil maganda silang tignan :')
-
kinabukasan
-
dinala ko ang mas malaking mesa na
meron ako
-
at itong drawer
-
meron akong ilan na mga stationery
na kagamitan dito
-
aking mga washi tapes
-
ililipat ko ito sa ilalim ng aking mesa
para mas madaling maabot
-
binili ko ito para maikabit itong
board sa lamesa
-
tinatanggal ang mga nasa board
-
medyo madali ang pagbuo nito
-
ibinibalik ang mga aksesorya nito
-
ginawa ng nanay ko ang unan na ito para
sa akin <33
-
sa tingin ko sobrang cute nito sa kama ko
-
ikaapat na bahagi: pagbubukas ng mga
pakete
-
at oras na para sa pinakamagandang bahagi!!!
-
ilang linggo na ang nakalilipas noong
dumating ang aking youtube play button
-
inantay ko na makapagbidyo nito upang
buksan ito :)
-
hindi ko kayo mapapasalamatan ng sapat
para dito sa nakakamanghang suporta
-
ako ay nagpapasalamat para sa bawat
sa inyo <33
-
napakamarilag nito...!
-
ilagay natin ito dito!
-
ngayon oras na magbukas ng marami pang
pakete
-
bumili ako nitong lampara para ilagay sa
aking lamesa sa tabi ng kama
-
nagustuhan ko kung gaano ka-cute ang
disenyo nito
-
may kasamang kable ng usb
-
tignan niyo kung gaano kaganda ito!
-
ako ay nasasabik para isang ito
-
ito ay isang digital na orasan
-
ikalimang bahagi: mga dekorasyon
-
mga bulalaklak pangpalamuti
-
ito ay isang maliit at hinahawakan na
bentilador
-
dito ito ilalagay
-
ilalagay ko itong kandila
-
ang ganda tignan nitong mga tulips🌷
-
binili ko itong mga basket para sa lagayan
-
inililipat ko ito sa ilalim ng lamesa
-
itong halaman ay galing rin sa ikea
-
ilalagay rin ang mga basket na ito dito
-
nilalagay ang mga sobrang kandila
-
cute na teddy bear ^^
-
gagamitin ko ang mga sticker na ito
pangdekorasyon sa pader
-
sinusubukang pumli kung alin ang bagay
pag pinagsama
-
ngayon idikit na natin sila sa aking pader
-
madali lang sila idikit
-
kaibig-ibig din ang disenyo ng mga
stickers
-
gagamit ako ng washi tape pangdekorasyon
-
oras na para sa kurtina
-
matagal na sa akin itong kurtina na ito,
ngunit hindi ko ito ginagamit
-
napagdesisyunan kong gamitin ulit ito
-
nilagay ko ito nang hindi binibidyohan
-
isa pang pakete!
-
gusto kong bumili ng busol para sa aking
aparador
-
at nahanap ko ang pinakacute na busol
kailanman!!
-
ilagay natin sila
-
kaibig-ibig silang tignan, nagustuhan
ko sila!
-
nabili ko ang mga kawit na ito sa ikea
-
dahil may walang gamit na lugar
malapit sa aking mesa
-
gusto kong magamit ang espasyong iyon
-
mas madikit siya kaysa sa inakala ko
-
magsasabit ako ng ilang mga bag ko dito
-
ang aking tablet bag <3
-
sobra kong nagustuhan ang kinalabasan
nito!
-
papalitan ko itong litrato
-
inimprenta ko ito
-
nagustuhan ko ito ✿
-
ikaanim na bahagi: ang lugar ng aking
mesa
-
ngayon ayusin natin ang pegboard
-
ako ang nagdisenyo ng mga ito
-
inililipat sila dito
-
nakuha ko rin itong kuwadro sa ikea
-
isa pang litrato na iginuhit ko :)
-
ilalagay ko itong kuwadro sa pader
-
inililipat ang aking mga panulat
-
iba pang mga stationery na gamit
-
mga paborito kong highlighter
-
magandang librong naglalaman ng mga
sticker
-
ilalagay ko itong halaman sa estante
-
at isang pangmarka sa libro
-
nagpapalit ng bulaklak, base sa nakikita
niyo sobrang hilig ko sa mga bulaklak ^^
-
knewkey keyboard!
-
pinal na resulta