-
Magandang araw!
-
Sakto lang ang pagdating mo.
-
Maligayang pagdating sa Voyage Aquatic.
-
Ako ay nasa punto ng paglalayag upang hanapin ang nakatagong kayamanan sa ilalim ng dagat
-
at malugod ako na tanggapin ang iyong tulong.
-
Sino ang nakaaalam kung ano ang masasalubong natin sa mga misteryosong katawan ng tubig na ito?
-
Dapat nating katagpuin ang ating unang gabay sa daungang ito.
-
Maligayang pagdating, mga adventurer!
-
Upang kumpletuhin ang Voyage Aquatic kailangan mong lutasin ang isang serye ng mga palaisipan gamit ang code.
-
Narito kung paano ito gumagana.
-
Nahahati ang screen mo sa tatlong pangunahing bahagi.
-
Sa kaliwa, makikita mo ang mundo ng Minecraft.
-
Ang gitnang area ay ang toolbox kung saan makikita mo ang mga coding command.
-
At sa malaking area sa kanan ang workspace mo. Dito mo maaaring i-stack ang mga command
-
upang gawin ang program mo at kontrolin ang mga paggalaw mo.
-
Ang mga tagubilin sa bawat lebel
ay nasa itaas ng pahina.
-
Pindutin ang plus na senyas upang magbago sa pagitan ng mahaba at maikling tagubilin.
-
Subukang i-drag ang mga block sa toolbox papuntang workspace, ini-stack sila,
-
at saka pindutin ang run na buton upang ipatupad ang mga command mo.
-
Maaaring kailangang subukan mo ng ilang ulit upang makuha nang tama at ilan sa mga palaisipan ay may mahigit
-
sa isang solusyon, kaya mag-eksperimento kung ano ang gumagana.
-
Kung gusto mong subukang muli, pindutin ang reset na buton upang bumalik kung saan ka nagsimula.
-
Kung kailangan mong tanggalin ang isang command, i-drag lang ang block
-
mula sa workspace mo pabalik sa toolbox.
-
Tandaang pindutin ang run upang makita kung paano kumikilos ang code mo.
-
Ok, tama na ang pagliliwaliw, kasamang adventurer.
-
Magsimula na tayong mag-code upang hanapin
ang ilang kayamanan sa ilalim ng dagat.
-
Mga subtitle ng komunidad ng Amara.org