< Return to Video

Itinala ng UN ang 100 milyong mga umikas sa buong mundo | DW News

  • 0:01 - 0:03
    Sa tala ngayon ay may 100 milyong tao
    sa buong mundo ang
  • 0:03 - 0:05
    napilitang umalis sa kanilang tirahan.
  • 0:05 - 0:07
    Batay iyan sa huling bilang ng UN.
  • 0:08 - 0:12
    Ang digmaan sa Ukraine kasama na ang
    bago at tuloy-tuloy na kaganapan
  • 0:12 - 0:15
    sa mga lugar gaya ng Ethiopia,
    Afghanistan at Congo
  • 0:15 - 0:18
    ay dagdag pa sa mataas na bilang na ito.
  • 0:18 - 0:22
    At kadalasan, ang mga pribadong gawa
    pa ang tumutulong sa mga lumilikas.
  • 0:22 - 0:25
    At para pasinayangan ang
    World Refugee Day ngayon
  • 0:25 - 0:26
    narito ang ulat
  • 0:26 - 0:29
    mula kapital ng Croatia na Zagreb,
    kung saan may
  • 0:29 - 0:31
    mga bolunter ay nagsimula ng kawang-gawa
  • 0:31 - 0:34
    para sa mga nawalan ng tahanan
    at mga lumikas.
  • 0:35 - 0:38
    Ang tindahang “Are you serious?”
    ay bukas 2 beses kada linggo
  • 0:38 - 0:39
    para sa nangangailangan.
  • 0:39 - 0:43
    Dito, pwede silang
    kumuha ng damit ng libre.
  • 0:43 - 0:45
    Noong dumating kami dito,
  • 0:45 - 0:47
    nawala halos lahat sa amin
    para lang makarating dito.
  • 0:49 - 0:52
    Libo-libong migrante ang dumadating
    sa Croatia kada taon.
  • 0:52 - 0:56
    Marami sa kanila nang dumating,
    paalisin ulit sila ng pilit at ilegal,
  • 0:56 - 1:00
    palabas ng EU, balik sa hangganan
    ng Bosnia at Croatia.
  • 1:00 - 1:03
    Pero merong ilan na nakakarating dito.
  • 1:06 - 1:09
    Sa dinaanan nila,
  • 1:09 - 1:11
    sa paglalakbay nila,
  • 1:11 - 1:14
    ito ang isa sa mga
    di-pangkaraniwang lugar
  • 1:14 - 1:16
    na gusto nilang mabalikan.
  • 1:16 - 1:19
    Dahil hindi sila hinuhusgahan dito.
  • 1:19 - 1:21
    Maraming pumupunta hindi lang
    dahil sa donasyon,
  • 1:21 - 1:23
    kundi para mag-kape,
  • 1:23 - 1:25
    makipag-kwentuhan, magkipaglaro.
  • 1:25 - 1:28
    Mula sila sa Syria, Afghanistan, Cuba
  • 1:28 - 1:29
    at iba pang lugar.
  • 1:29 - 1:33
    Sa ngayon, sabi sa amin
    wala na halos donasyon para sa migrante.
  • 1:33 - 1:38
    Dahil, ang mga donasyon mula taga-Croatia
    ay para lang sa mga tumakas ng Ukraine.
  • 1:39 - 1:42
    Diyan, alam ko na nakakalimutan natin
  • 1:42 - 1:46
    na meron ding ibang mga tao dito,
    mga lumikas na kaylangan ng tulong.
  • 1:46 - 1:49
    Kahit ang mga lumikas sa Ukraine
    nagdadala ng donasyon,
  • 1:49 - 1:52
    dahil sobra-sobra ang natatanggap nila.
  • 1:52 - 1:55
    Ang ibang mga donasyon ay napunta
    a mga taga-Russia na lumikas pa-Croatia.
  • 1:56 - 1:58
    Karamihan sa mga nakausap natin ay
  • 1:58 - 2:00
    mga magkakahalong mag-asawa.
  • 2:00 - 2:02
    Taga-Russia at taga-Ukraine.
  • 2:02 - 2:05
    O mga tao na hindi lang sang-ayon
  • 2:05 - 2:09
    sa nangyayari sa Ukraine at Russia.
  • 2:10 - 2:13
    Gusto ng libreng tindahan na
    maisama ang mga bagong dating sa
  • 2:13 - 2:15
    kumunidad ng mga taga-Croatia.
  • 2:15 - 2:18
    Karamihan sa nagbibigay ay taga-Croatia
    at ilan taon nang tumutulong.
  • 2:18 - 2:20
    Gaya ni Ivana Borosic.
  • 2:24 - 2:26
    Ito ang likas natin bilang tao
  • 2:26 - 2:30
    na tumulong sa kapwa nating
    nangangailangan.
  • 2:30 - 2:32
    Ang pakiramdam sa harap ng tindahan
  • 2:32 - 2:34
    ay masaya at payapa.
  • 2:34 - 2:37
    Matapos maglakbay na para sa ilan
    ay inabot ng ilang taon,
  • 2:37 - 2:40
    normal na buhay ito para sa mga
    taong malayo sa tahanan nila.
  • 2:42 - 2:46
    Si Matthew Saltmarsh mula sa
    United Nations Refugee Agency
  • 2:46 - 2:49
    at nandito siya kasama ko
    sa Geneva, Switzerland.
  • 2:49 - 2:51
    Kamusta Matthew,
    pagbati mula sa DW.
  • 2:51 - 2:53
    Isang interesante pagsiyasat
  • 2:53 - 2:54
    sa ulat na nakita natin.
  • 2:54 - 2:56
    Mapakaraming donasyon
    para sa lumikas ng Ukraine.
  • 2:56 - 2:59
    Pero wala halos para sa iba.
  • 2:59 - 3:01
    Naranasan mo rin ba ang ganito?
  • 3:03 - 3:07
    Totoo na napakaraming pagdamay
    at pagtulong para sa
  • 3:07 - 3:08
    mga lumikas ng Ukraine.
  • 3:08 - 3:11
    At nakita natin na ang mga bansa sa Europa
    nagbubukas
  • 3:11 - 3:14
    ng kanilang hangganan,
    nagbibigay ng pansamantalang proteksyon,
  • 3:14 - 3:18
    at, alam mo, daan at libo pang mga tao
    mula sa Europa at lagpas pa ang
  • 3:18 - 3:21
    nagbubukas ng kanilang tahanan
    at nagbibigay ng tulong-pinansyal.
  • 3:21 - 3:24
    Napaka-positibo nito at
    inaanyayahan namin ito.
  • 3:24 - 3:27
    Meron din tayong
    dapat isipin sa iyong ulat.
  • 3:27 - 3:32
    Sa ibang parte ng mundo,
    sitwasyon ng mga lumikas, problema
  • 3:32 - 3:37
    sa ibang rehiyon, tulad sa Africa,
    Gitnang Silangan at Gitna't Timog Amerika
  • 3:37 - 3:39
    ay apektado dahil kung iisipin
  • 3:39 - 3:42
    napupunta ang malaking tulong sa Ukraine,
  • 3:42 - 3:46
    maliit nang bahagi para sa iba
    sa katapusan ng taon.
  • 3:46 - 3:50
    At siyempre ito ay kailangang-kailangan
    para sa iba-iba pang lugar.
  • 3:50 - 3:56
    Ngayon, ano ang pinakamakatotohanan
    para sa mga lumikas ng Ukraine?
  • 3:58 - 3:59
    Siyempre, mahirap sabihin.
  • 3:59 - 4:02
    Merong limang milyong nagrehistro
    bilang lumikas
  • 4:02 - 4:07
    at higit-kumulang 7 milyon ang nawalan
    ng tahanan sa loob ng bansa.
  • 4:07 - 4:11
    At, siyempre nakasalalay ito sa kaganapan
    at kahihinatnan ng alitan,
  • 4:11 - 4:15
    hanggang kailan ito magtatagal,
    sa mga lugar sa silangan lang ba ito
  • 4:15 - 4:17
    o kung lalawak pa ulit ito.
  • 4:17 - 4:19
    Sa tingin ko lahat ng iyon
    doon nakasalalay.
  • 4:19 - 4:23
    Minsanan, ang ilan sa mga lumikas
    ay bumalik ulit.
  • 4:23 - 4:26
    Ilan sa kanila may trabaho,
    at kung nasa ligtas silang lugar,
  • 4:26 - 4:28
    titiyakin nila, ayos ba ang bahay nila,
    at iba pa.
  • 4:28 - 4:30
    Pero mas madalas, hindi ganoon
  • 4:30 - 4:32
    at may ilan na babalik pagkatapos
  • 4:32 - 4:34
    ay babalik ulit sa hangganan
  • 4:34 - 4:36
    para manatili sa Europa.
  • 4:36 - 4:40
    Pag-usapan natin muna
    ang natalakay natin kanina,
  • 4:40 - 4:45
    sa pagitan ng mga lumikas ng Ukraine
    at mga galing sa ibang lugar.
  • 4:45 - 4:49
    Paano mo ito tinitignan?
    At anong ginagawa mo para dito?
  • 4:50 - 4:52
    Siyempre, meron nito,
  • 4:52 - 4:55
    itong malaking dagsa ng tulong
    lalo na galing sa Europa.
  • 4:55 - 4:58
    Ang mga kalapit-bansa,
    mga kalapit ng Ukraine,
  • 4:58 - 5:00
    at naiintindihan ko kung bakit.
  • 5:00 - 5:02
    Pero ang mensahe natin sa
  • 5:02 - 5:04
    Pandaigdigang Araw ng mga
    Lumikas, na ngayon sabi mo nga,
  • 5:04 - 5:07
    ay lahat ay may karapatan
    sa pagkupkop na tulong,
  • 5:07 - 5:09
    saan man sila, ano man ang ginawa nila,
  • 5:09 - 5:11
    paano paraan man sila pumunta dito.
  • 5:11 - 5:14
    At siyempre nakita na natin ito dati, .
  • 5:14 - 5:17
    sa Europa at kahit sa ibang rehiyon
    ng mga nagsilikas,
  • 5:17 - 5:19
    hindi sila natulungan na makupkop.
  • 5:19 - 5:22
    Kaya ang tiyak na mensahe natin ay,
    siyempre,
  • 5:22 - 5:27
    ang maikupkop natin ang nangangailangan,
    at mga naghahanap nito.
  • 5:27 - 5:29
    At iyan ang pinakamainam
  • 5:29 - 5:32
    na magagawa ng mga bansa
    para sa mga lumikas.
  • 5:32 - 5:34
    Ngayon Matthew, nabanggit mo kanina,
  • 5:34 - 5:37
    na dagsa ang ang pakikiramay
  • 5:37 - 5:42
    para sa mga lumikas ng Ukraine
    sa panahon ng paglisan nila doon.
  • 5:42 - 5:46
    Ganoo ka ka-positibo na ito…
    ito ay matutuloy-tuloy?
  • 5:47 - 5:49
  • 5:49 - 5:51
  • 5:51 - 5:53
  • 5:53 - 5:55
  • 5:55 - 5:57
  • 5:57 - 6:00
  • 6:00 - 6:02
  • 6:02 - 6:04
  • 6:04 - 6:07
  • 6:07 - 6:09
  • 6:09 - 6:11
  • 6:11 - 6:14
  • 6:14 - 6:16
  • 6:16 - 6:18
  • 6:18 - 6:21
  • 6:21 - 6:23
  • 6:23 - 6:25
  • 6:25 - 6:26
  • 6:26 - 6:30
  • 6:30 - 6:33
  • 6:33 - 6:34
  • 6:34 - 6:36
  • 6:36 - 6:39
  • 6:39 - 6:43
  • 6:43 - 6:45
  • 6:46 - 6:47
Title:
Itinala ng UN ang 100 milyong mga umikas sa buong mundo | DW News
Description:

more » « less
Video Language:
English
Team:
Amplifying Voices
Project:
Refugee Crisis and Solutions
Duration:
06:55

Filipino subtitles

Incomplete

Revisions Compare revisions