Return to Video

Arianna Huffington: Paano ba magtagumpay? Damihan ang tulog

  • 0:00 - 0:02
    Ang aking malaking ideya
  • 0:02 - 0:04
    ay isang napakaliit na ideya
  • 0:04 - 0:06
    na maaaring buksan
  • 0:06 - 0:09
    ang bilyun-bilyong malalaking ideya
  • 0:09 - 0:12
    na hanggang ngayo'y nakatago sa ating kamalayan.
  • 0:12 - 0:14
    At ang maliit na ideyang iyon
  • 0:14 - 0:16
    ay ang pagtulog.
  • 0:16 - 0:18
    (Tawanan)
  • 0:18 - 0:22
    (Palakpakan)
  • 0:22 - 0:25
    Ang kwartong ito ay puno ng mga kababaihang type-A.
  • 0:26 - 0:28
    Ito ay kwarto
  • 0:28 - 0:31
    ng mga babaeng kulang sa tulog.
  • 0:31 - 0:33
    Pahirapan ko itong natutunan,
  • 0:33 - 0:35
    ang kahalagahan ng pagtulog.
  • 0:35 - 0:37
    Dalawa-at-kalahating taon na ang nakakaraan,
  • 0:37 - 0:39
    nahimatay ako sa sobrang pagod.
  • 0:39 - 0:42
    Nauntog ang ulo ko sa mesa. Nadurog ang aking cheekbone,
  • 0:42 - 0:45
    at may limang tahi malapit sa kanang mata.
  • 0:45 - 0:47
    At sinimulan ko ang paglalakbay sa
  • 0:47 - 0:50
    pagtuklas ng kahalagahan ng pagtulog.
  • 0:50 - 0:52
    At sa lahat ng aking pinagdaanan,
  • 0:52 - 0:54
    nag-aral ako,
  • 0:54 - 0:56
    kinausap ang mga doktor, mga siyentipiko,
  • 0:56 - 0:58
    at andito ako ngayon upang sabihin
  • 0:58 - 1:01
    na ang paraan sa mas produktibo,
  • 1:01 - 1:03
    mas masigla, at mas masayang buhay
  • 1:03 - 1:06
    ay ang magkaroon ng sapat na tulog.
  • 1:06 - 1:11
    (Palakpakan)
  • 1:11 - 1:14
    At tayong mga kababaihan ang mangunguna
  • 1:14 - 1:17
    sa bagong pakikibaka, itong bagong isyung peminista.
  • 1:18 - 1:21
    Literal tayong matutulog papuntang tagumpay, literal.
  • 1:21 - 1:23
    (Tawanan)
  • 1:23 - 1:28
    (Palakpakan)
  • 1:28 - 1:30
    Dahil sa kasamaang-palad
  • 1:30 - 1:32
    para sa mga kalalakihan,
  • 1:32 - 1:35
    ang kakulangan sa tulog ay naging sukatan ng pagiging lalaki.
  • 1:36 - 1:38
    Kamakailan, nakasama ko sa hapunan ang isang lalaki
  • 1:38 - 1:40
    na ipinagmayabang na
  • 1:40 - 1:42
    apat na oras lang ang tulog niya nung isang gabi.
  • 1:42 - 1:45
    At gusto ko sanang sabihin na -- pero hindi ko ginawa --
  • 1:45 - 1:47
    sasabihin ko na sana, "Alam mo?
  • 1:47 - 1:49
    Kung limang oras sana 'yun,
  • 1:49 - 1:52
    mas interesante sana ang hapunang ito."
  • 1:52 - 1:55
    (Tawanan)
  • 1:55 - 1:57
    Sa kasalukuyan, ang kakulangan sa pagtulog
  • 1:57 - 1:59
    ay nagiging isang kompetisyon.
  • 1:59 - 2:02
    Tulad dito sa Washington, na kung makikipag-breakfast date ka,
  • 2:02 - 2:04
    at tatanungin mo, "Pwede ba ang 8:00?"
  • 2:04 - 2:06
    sasabihin nila sa'yo, "Late na 'yang alas-otso,
  • 2:06 - 2:08
    pero okay lang, makakapag-tennis pa ako
  • 2:08 - 2:11
    at aasikasuhin ang ilang conference calls, bago tayo magkita ng 8."
  • 2:11 - 2:13
    At paniwala nila
  • 2:13 - 2:16
    ay napakaproduktibo nito at ang dami ng natatapos,
  • 2:16 - 2:19
    ngunit sa totoo lang ay hindi talaga,
  • 2:19 - 2:21
    dahil sa ngayon,
  • 2:21 - 2:23
    marami tayong matatalinong lider
  • 2:23 - 2:26
    sa negosyo, sa pananalapi, sa pulitika,
  • 2:26 - 2:29
    na gumagawa ng mga maling pagpapasiya.
  • 2:29 - 2:31
    Kaya ang mataas na I.Q.
  • 2:31 - 2:34
    ay hindi sukatan ng pagiging magaling na lider,
  • 2:34 - 2:36
    dahil ang tunay na kahulugan ng pamumuno
  • 2:36 - 2:38
    ay ang kakayahang makita ang tipak ng yelo
  • 2:38 - 2:41
    bago pa nito banggain ang Titanic.
  • 2:41 - 2:44
    Napakarami na ng mga yelong
  • 2:44 - 2:46
    tumama sa ating mga Titanic.
  • 2:46 - 2:48
    Katunayan, tingin ko
  • 2:48 - 2:50
    na kung ang Lehman Brothers
  • 2:50 - 2:52
    ay naging Lehman Brothers at Sisters,
  • 2:52 - 2:54
    baka andito pa sila ngayon.
  • 2:54 - 2:57
    (Palakpakan)
  • 2:57 - 2:59
    Habang ang lahat ng lalaki ay abala
  • 2:59 - 3:02
    sa pagiging hyper-connected 24/7,
  • 3:02 - 3:05
    baka naman mapapansin ng babae ang tipak ng yelo,
  • 3:05 - 3:09
    dahil nanggaling siya sa pito-at-kalahati o walong oras na tulog
  • 3:09 - 3:11
    at makikita niya
  • 3:11 - 3:13
    ang buong larawan.
  • 3:13 - 3:15
    Kaya habang tayo'y nahaharap
  • 3:15 - 3:17
    sa napakaraming krisis
  • 3:17 - 3:20
    sa ating mundo sa kasalukuyan,
  • 3:20 - 3:23
    ang bagay na makakabuti sa'tin sa personal na aspeto,
  • 3:23 - 3:26
    ang bagay na magdudulot ng galak, pasasalamat,
  • 3:26 - 3:28
    kahusayan sa ating buhay
  • 3:28 - 3:31
    upang maging pinakamagaling sa kanya-kanyang karera
  • 3:31 - 3:34
    ay siya ring makakabuti para sa mundo.
  • 3:34 - 3:37
    Kaya hinihikayat ko kayo
  • 3:37 - 3:39
    na ipikit ang inyong mga mata
  • 3:39 - 3:41
    at tuklasin ang mahuhusay na mga ideya
  • 3:41 - 3:43
    na nakatago sa kaloob-looban natin,
  • 3:43 - 3:46
    ihinto ang mga makina at tuklasin ang bisa ng pagtulog.
  • 3:46 - 3:48
    Salamat.
  • 3:48 - 3:50
    (Palakpakan)
Title:
Arianna Huffington: Paano ba magtagumpay? Damihan ang tulog
Speaker:
Arianna Huffington
Description:

Sa maikling talumpating ito, ibinahagi ni Arianna Huffington ang isang munting ideya na maaring pumukaw sa mas malalaking inspirasyon: ang kapangyarihang dulot ng magandang pagtulog sa gabi. Kaysa sa ipagmayabang ang kakulangan natin sa tulog, hinihikayat niya tayo na ipikit ang ating mga mata at tignan ang kabuuang larawan: Ang pagtulog ay tungo sa pagiging produktibo at masaya -- at mas matalinong pagpapasiya.

more » « less
Video Language:
English
Team:
closed TED
Project:
TEDTalks
Duration:
03:50
Jenny Zurawell approved Filipino subtitles for How to succeed? Get more sleep
Schubert Malbas added a translation

Filipino subtitles

Revisions