Adam Grosser at ang kanyang sustainable fridge
-
0:01 - 0:04Ito po ay isang patuloy na proyekto
-
0:04 - 0:07hango sa mga komento na binigay
-
0:07 - 0:08sa TED noong dalawang taon na ang nakalipas
-
0:08 - 0:12patungkol sa pangangailangan ng pag-iimbak ng bakuna.
-
0:12 - 0:13(Musika)
-
0:13 - 0:14[ Sa planetang ito ]
-
0:14 - 0:16[ 1.6 bilyong katao ]
-
0:16 - 0:18[ ang walang kuryente ]
-
0:18 - 0:22[ refrigeration ]
-
0:22 - 0:24[ o gaas ]
-
0:26 - 0:28[ ito ay isang dagok ]
-
0:28 - 0:30[ at nakakaapekto: ]
-
0:32 - 0:34[ sa paglaganap ng sakit ]
-
0:34 - 0:37[ sa pag-iimbak ng pagkain at medisina ]
-
0:37 - 0:40[ at sa kalidad ng buhay ]
-
0:40 - 0:43[ kaya ito ang mungkahi: murang refrigeration na hindi ginagamitan ng kuryente ... ]
-
0:43 - 0:48[ ... propane, gasolina, gaas, o mga consumables ]
-
0:48 - 0:50[ oras na para sa kaunting thermodynamics ]
-
0:50 - 0:53[ At ang kuwento ng Intermitent Absorption Refrigerator ]
-
0:53 - 0:5629 na taon na ang nakalipas, may guro ako sa thermodynamics
-
0:57 - 0:58na nagbanggit tungkol sa absorption at refrigeration.
-
0:58 - 1:00Iyon ang ilan sa mga bagay na tumatak sa aking isipan.
-
1:00 - 1:01Tulad siya sa Stirling Engine:
-
1:01 - 1:03astig pero hindi mo alam ang paggagamitan
-
1:04 - 1:07At ito ay naimbento noong 1858 ni Ferdinand Carre,
-
1:07 - 1:08ngunit wala siyang magawa dito
-
1:08 - 1:11dahil sa kakulangan ng kasangkapan noong panahong iyon.
-
1:11 - 1:14Isang nahihibang na Canadian sa ngalan na Powell Crosley
-
1:15 - 1:17ang nagsakomersyo ng tinatawag na Icyball noong 1928,
-
1:17 - 1:19at iyon ay isang napakagandang ideya,
-
1:19 - 1:20at sasabihin ko mamaya kung bakit ito'y hindi naging posible,
-
1:20 - 1:21pero ganito ang kanyang mekanismo.
-
1:22 - 1:24May dalawang bilog na magkahiwalay.
-
1:24 - 1:26Laman ng isa ay working fluid, tubig at ammonia,
-
1:27 - 1:28samantalang ang isa ay condenser.
-
1:28 - 1:30Paiinitan mo ang isang bahagi, yung mainit na bahagi.
-
1:30 - 1:31Mag-eevaporate ang ammonia
-
1:31 - 1:33at magrerecondense sa kabilang bahagi.
-
1:34 - 1:35Hahayaang lumamig sa room temperature,
-
1:35 - 1:39at pagkatapos, habang nag-eevaporate ang ammonia kasabay ng tubig
-
1:39 - 1:40pabalik sa mainit na bahagi,
-
1:40 - 1:42lumilikha ito ng paglamig.
-
1:43 - 1:46Magandang ideya sana ngunit hindi ito naging posible: ito'y sumasabog.
-
1:46 - 1:51Dahil sa paggamit ng ammonia, nakakalikha ng matataas na pressures
-
1:51 - 1:52kapag mali ang paraan ng pag-init.
-
1:52 - 1:56Aabot ito ng 400 psi. Nakakalason ang ammonia. Kumakalat sa paligid.
-
1:56 - 1:58Ngunit talagang interesante ang ideyang iyon.
-
1:58 - 2:01Kaya, naging mabuti ang 2006 dahil
-
2:01 - 2:04maraming computational work ang maaring gawin.
-
2:04 - 2:07Kaya, tinipon namin ang buong departamento ng thermodynamics
-
2:07 - 2:08sa Stanford.
-
2:08 - 2:09Maraming computational fluid dynamics.
-
2:10 - 2:13Pinatunayan naming mali ang karamihan ng ammonia refrigeration tables.
-
2:13 - 2:16Nakadiskubre kami ng refrigerants na hindi nakakalason
-
2:16 - 2:17na maaring gamitin sa mabababang vapor pressures.
-
2:17 - 2:20Humingi kami ng tulong sa isang grupo mula UK --
-
2:20 - 2:21maraming eksperto sa refrigeration,
-
2:21 - 2:23napag-alaman namin, mula sa UK --
-
2:23 - 2:25bumuo ng test rig, at pinatunayan na
-
2:25 - 2:28maaring makagawa ng low pressure, non-toxic regfrigerator.
-
2:29 - 2:30Ganito ang kanyang paggamit.
-
2:30 - 2:31Ilalagay mo siya sa ibabaw ng pinaglutuang apoy.
-
2:31 - 2:33Kahit sino sa mundo may pinaglulutuang apoy,
-
2:33 - 2:34yari man sa dumi ng kamelyo or sa kahoy.
-
2:35 - 2:38Paiinitan ito sa loob ng 30 minuto, at palalamigin ng isang oras.
-
2:38 - 2:40Ipapasok sa isang lagayan
-
2:41 - 2:43at maari na itong gamiting refrigerator sa loob ng 24 oras.
-
2:43 - 2:46Ganito ang itsura niya. Ito ang panlimang prototype. Hindi pa siya gaanong tapos.
-
2:47 - 2:50Ito ay may bigat na 8 pounds, at ang paraan ng paggamit ay ganito.
-
2:50 - 2:53Ilalagay mo siya sa 15-litro na lalagyan, katumbas ng tatlong galon,
-
2:54 - 2:56at ito ay lalamig malapit sa freezing point,
-
2:56 - 2:57tatlong baitang na mas mataas sa freezing point,
-
2:58 - 3:01sa loob ng 24 oras at 30 degree Celsius. Ito ay napakamura.
-
3:01 - 3:04Sa tingin namin, puwedeng bumuo nito ng maramihan sa halagang 25 dolyar bawat isa,
-
3:04 - 3:06at kapag kaunti lang, aabot ng 40 dolyar.
-
3:06 - 3:08At sa tingin namin magagawa nating
-
3:09 - 3:10abot-kaya ang refrigeration para sa lahat.
-
3:10 - 3:11Salamat po!
-
3:11 - 3:14(Palakpakan)
- Title:
- Adam Grosser at ang kanyang sustainable fridge
- Speaker:
- Adam Grosser
- Description:
-
Ibinabahagi ni Adam Grosser ang tungkol sa proyektong pagbuo ng refrigerator na hindi ginagamitan ng kuryente, upang dalhin ang kagamitang ito sa mga barangay at paggamutan sa buong mundo. Sa kaunting pagkalikot ng makalumang teknolohiya, nailikha ang isang sistema na gumagana.
- Video Language:
- English
- Team:
closed TED
- Project:
- TEDTalks
- Duration:
- 03:13