< Return to Video

Human Rights Coffee Shop (Silingan Coffee Philippines)

  • Not Synced
    ***- Ito kasing Silingan hindi ko masasabing trabaho. Masasabi ko to bilang misyon ko. Gusto ko yung advocacy niya, gusto ko yung ginagawa ko at masaya ako, nananatili ako dito.
    - Nung nandito ako sa Silingan, dun lang ako naglakas ng loob magkwento. Parang nagkakaroon ng idea yung ibang tao na hindi lahat totoo yung sinasabi, kahit sino walang karapatan bawiin ang buhay ng mahal namin sa buhay.
    - Ang Silingan po ay nabubuo sa salitang Bisaya na ibig sabihin po ay kapitbahay. Kaya naman po naging kapitbahay kasi nung kasagsagan nung war on drugs, parang nawala po samin yung kapitbahay.
    - Walang lumalapit na kahit kapitbahay mo kasi natatakot sila na anytime baka bumalik pa yung mga pulis. So dito sa Silingan Coffee, parang gusto naming ibalik yung traditional na pakikipagkapitbahay, yung nagkakape ka nagkukwentuhan tapos nakakapagkwento ka ng storya mo.
    - Si Brother Jun naman po, siya po talaga yung pinakafounder namin. Brother siya ng Redemptorist. Ang hawak niya po dati regarding sa mga disaster kaya natayo yung Baclaran dati na coffee shop. Tapos ito namang Silingan, syempre nung pandemic maraming nanghihingi sa kanya ng tulong tapos naisipan niya magtayo ng coffee shop din po kagaya ng ginawa niya dati, tapos binigyan niya rin po kami ng opportunity magkaroon ng trabaho.
    - Dito sa Silingan Coffee, may opportunidad na mabigyan ka ng trabaho, di titignan yung estado ng buhay mo kung ano yung background mo. Lahat dito ay EJK families. Minsan nga nagbibiruan na pag may magaapply samin. Sabi namin, magaapply kami sa Silingan, ano po ba ang requirements? Sabi ko, namatay na ba asawa mo? Parang yung biruan lang namin.
    - Nagopen po talaga kami October 28, 2021. Halos wala talaga kaming kita, almost 6 months. Pinakamalaking sales na po namin nun Php500. Nung nainterview kami sa New York Times, sobrang laki ng naitulong kasi nagkaroon kami ng opportunity na makilala, nagkaroon din ng idea yung mga tao na, ay meron pala ritong coffee shop sa Cubao na regarding sa mga EJK. Nagkaroon sila ng mga curiosity kung totoo ba talaga kami or hindi. Tapos nung nafeature na kami sa New York Times, halos di kami makaupo ng mga kasama ko, talagang aligaga kami nung time na yun, pero nakakatuwa kasi mas gusto ko napapagod ako sa trabaho kaysa nakaupo. Sa branch namin, ang hinahanap po talaga lagi samin dito Horchata. Yung Horchata po kasi ay Mexican drink na rice blend cinnamon. Ang pinakapatok samin yang matcha, lalo na sa mga students. Lagi kasi sa matcha pag sinabing matcha, ang ano talaga niyan medyo mapait. Ayun, sabi, uy ang sarap ng matcha na yun, di lasang damo. Ate, paoorder pa nga din po ng matcha. Yung mga unang unang naging kaclose namin dito na students, mga taga UP yun, dito sila naghome study tapos halos grumaduate na nga tapos dumadalo parin sila pag di sila busy sa work. So ngayon sa awa naman ng diyos, nabigyan kami ng opportunity sa De La Salle para makapagtinda, yung van gamit namin. Si Grace naman po yung TL nila dun.
    - Ang tawag po dun, van naman po siya, ang tawag sa van namin is yun yung pinakaunang van, Justice Van. Tapos yung sumunod na van namin dun sa Lipa, Batangas, yung Accountability Van, yung pananagutan van. May isang van pa po kami, yung pinakahuli, yung Courageous Hope Van. Yung Courageous Hope Van po paikot ikot siya, kunwari may mga pop-up, may mga events, may mga rally, pumupunta yung van na yun. Tapos yung Ateneo, meron din sa Ateneo sa Gonzaga Hall sa taas. Meron kasi kaming tagline sa Silingan Coffee, "Coffee, stories, human rights." Di ka lang basta basta umiinom ng kape o bibili ng kape, meron din kaming story, meron din kaming pinaglalaban na karapatan. Ang misyon kasi ng Silingan ay unang una, makapagbigay ng opportunity sa mga biktima ng war on drugs. Pangalawa, patuloy na magkwento tungkol sa story. Di lang numero ang 30,000+, merong mga tao sa likod ng bawat kwento at kami yun.
    - So "Resbak" means respond and break the silence against the killings. It's a collective of cultural workers and artists and writers and everyone in the art space, actually helping the survivors of the drug war.
  • Not Synced
    We work with Brother Jun
    who is actually the brains
  • Not Synced
    behind Silingan.
  • Not Synced
    So we found a way
    to actually look for a space
  • Not Synced
    for them here in Cubao Expo.
  • Not Synced
    So we share the space with them
    and help them sustain
  • Not Synced
    the business—the coffee shop.
  • Not Synced
    The space here is called
    the Stall 9.
  • Not Synced
    ***Sa baba yung Silingan Cafe. The second floor is actually an open space for everyone to actually have their own activities that will eventually support Silingan and the mothers. We encourage people to come together and share their stories to actually help, also process the stories of the moms, the widows of the drug war.
  • Not Synced
    - My campaign against drugs
    will not stop
  • Not Synced
    until the last pusher
    and the last drug lord are...
  • Not Synced
    ***- Lima kaming magkakapatid, pangatlo ako, yung younger brother ko pangapat, siya yung biktima sa amin. Ang pangalan niya ay Christian Tayactac, palayaw niya Ian. Ang nangyari kasi sa kapatid ko, wala kaming relate sa drugs. Di ko sinasabi na porket ano, relate na agad sa drugs, hindi. Yung time na yun wala kasi ako sa bahay, nasa trabaho ako, mga around 8-9 pm. Tumawag yung ate ko, "Laga" kasi yung palayaw ko samin. "Laga, si Ian." sabing ganun. Nabaril. Ineexpect ko nabaril, nadaplisan o kahit anong tama. Yun ang nasa isip ko lang nun tapos binaba ko na. Tapos kasi yung dugo ko parang pumunta sa ulo nung pagsabi ng ate ko sakin, nangyare kasi sa kapatid ko parang di siya yung target totally nun, mayroon kasing target na kasing katawan, as in. Tapos may nakarinig kaya sabi ng kapatid ko, "Sir, hindi po ako yun. Hindi po ako yun." Siguro may iniinsist na pangalan na yung pangalan na yun siya yata ganun tapos iniinsist sa kapatid ko na hindi siya. Tapos ayun tinuluyan parin siya. Lagi ko napapanood sa TV na kaliwa't kanan, "Nabaril si ganito, nanglaban si ganyan." Wala akong nakikita sa TV, puro ganun that time nung 2016. Tapos judgemental kasi ako dati, lahat ng nakikita ko sa social media tingin ko totoo. Tapos ngayon nung naranasan ko, dun ko naisip na di pala lahat ng binabaril, pinapatay, may kasalanan, kinukulong, may kasalanan, hindi. Parang yung buhay ng tao mabilis nilang kunin. Di man lang nila iniisip yung, baka ilan ang anak nito, ang daming ulila na mga bata. Ang daming napariwara dahil din nawalan ng magulang. Pag mahirap kasi walang power sa totoo lang, walang boses. Minsan lang nagkakaboses pag may tumutulong. Pero pag mayayaman, nandun na lahat ang evidence, nilatag na lahat, makakalaya, malaya. Pero yung mahihirap, maliit lang na nahuli, nandun agad sa kulungan, walang proseso. Laging sinasabing may proseso tayo pero nasaan?
    - Ang papa ko po ay si Marcelo Garganta. Tapos ang kuya ko si Joseph Garganta. Nakatira kami sa Navotas City, meron kaming negosyo na vulcanizing shop, nasa kalsada siya. So bukas kami ng 24 hours. Kaya yung mga pumasok samin sobra trenta na tao pumasok samin, mga nakamask sila, mga mata lang kita sa kanila. Para silang mga magnanakaw, ninakawan nila, kinukuha nila yung gamit namin tapos ang dami nilang pinaghahalukay, kung ano ano yung pinaghahalukay nila sa bahay namin. Tapos may hinahanap sila, kausapin lang daw yung papa ko, tinanong yung pangalan, sabi "Si Marcelo Garganta?" Ganyan ganyan. Tapos eh yung papa ko natutulog yan lagi nakabrief lang. Sabi magshorts daw. Tapos pagshort ni papa, siguro mga isa dalawa tatlo, pinagbabaril na nila ng ilang beses. Tapos di nila tinigilan hanggang humiga papa ko. Tapos ayun akala namin tapos na yun, tapos syempre nakita na namin hinahatak namin si papa kasi dadalhin namin sa hospital baka mabuhay pa. Hinatak ni mama, sinasabunutan nila si mama. "Pag di ka umalis, papatayin ka rin namin." Natakot si mama, tumakbo na siya. Takbuhan na kami. Kami pa yung natakot. Yung kapatid ko, dalawa, may kapatid akong dalawa, yung isa menor de edad, criminology student, yung isa kasama ko ngayon dito menor de edad din, nilagay din siya sa mobile. Yung dalawang menor de edad, binukod sa isang mobile. Tapos yung isang di menor de edad, 27, si kuya Joseph nilagay sa mobile na kabila. Ngayon may pumunta dun na isang nakacivilian, tinanong yung pangalan ni kuya. Sabi, sino si Joseph dito? Sino yung anak ni ano. Syempre sa takot ng kuya ko, sabi niya, ako po. Edi sumama si kuya, nilagay si kuya dun sa motor, yung motor may driver na isa tapos ginitna siya tapos meron ditong lalaki, bale tatlo sila, tapos kinabukasan, pumunta na ako punerarya kasi si mama ko di na nagsasalita, talagang wala siyang reaction. Ako yung nagasikaso. Sa edad kong 24, ako lahat nagasikaso sa punerarya, lahat lahat. Tapos nakikipagtawaran pa ako kasi ang mahal mahal, umabot ng Php50,000, wala naman kaming perang ganun. Sabi ko ma'am baka pwedeng babalik na lang ako, isasangla ko muna yung trike ni papa ko para makuha ko si papa, babalik na lang ako kasi hanapin ko pa yung kuya ko nawawala. Tapos parang coincidence na biglang sabi nung ano sakin, "May natagpuan pong patay dun, nakapacking tape." Ganyan ganyan. Sabi ko, ay di ko po aantayin, di yun ang kuya ko. Tapos pagbaba ko may bumubukas na sasakyan na ambulance nilalabas yung katawan ng tao patay na. Yung paa pa lang iniiyakan ko na talaga, yung paa pa lang. Graduate kasi ako ng cosmetology, ako naglilinis ng kuko ng kuya ko kaya paa pa lang alam ko na yun. Tapos iniiyak ko na lang. Sabi ko kuya ko yan. Sabi ko kapatid ko yan. Sabi nila sakin, "Ano? Buksan mo buksan mo." Hindi sabi ko, kuya ko yan. Tapos iniiyak ko ng iniiyak, kuya! kuya! Ganun. Talagang pinaglaruan talaga siya, kasi malaki katawan nun, nag-gygym kasi yun, walang bisyo yun. Siguro mga limang buwan lang. Yung mama ko kinulong din nila, kasi nagiingay kasi kami na ano, lalo na yung kapatid kong criminology, lagi niyang sinasabi "Alam ko yung batas, alam ko yung batas. Alam kong mali ginawa niyo." Mga ganun ganun. Tapos nung kinulong nila si mama, lalong nanahimik. Binalikan din nila yung bahay ko. Siguro mga limang buwan pagkakulong kay mama, tapos bumalik ulit samin. Si Jeff naman ang binaril nila, nung kinakasama ko. Di namin dinala ng hospital kasi maraming police sa hospital. Nagsariling opera lang sa sarili niya para... Di ko nga akalaing magagawa samin yun. Akala ko nangyayare lang yun sa TV lang. Nagtago kami, nagtago kami ng nagtago ng nagtago. Alam mo yung ikaw na namatayan tapos ikaw pa yung nagtatago. Basta yung panahon na yun, kahit anong gawin mo, basta sa isang pamilya parang lahat na kayo damay damay. Nung panahon kasi nun talagang pag nagsalita ka, parang iipitin ka nila, kaya nga kinulong nila ako kasi ayaw nila akong magsalita. Lagi nilang sinasabi na mag amin-laya na lang daw ako. Hindi. Kapalit nun kasi pag amin-laya, lalaya ka agad pero inamin mo na, ibig sabihin may kasalanan ka. Ang sabi ko, hindi, hindi ko aaminin yan. As long as na umaattend ako ng limang taon, perwisyo din yun sa kanila. Kasi kailangan umattend sila. Pag di sila umattend, madidismiss. So ayun kada buwan nagkikita kita kami. Last October nanalo ako, acquitted ako.
    - Ang dami dami namang coffee shops. Of course, at the end of the day, you want a good cup of coffee. But if you can, I think because you're used to your privilege, you can actually reach out and go here to actually listen to the stories. Yung mga ganitong klase na nangyayare sa country natin I think kailangan malaman ng madaming tao, and if there's more people visible out in the open talking about it, giving their support, dadami pa ang mga taong lalabas at hindi matatakot na tumulong at sumama sa laban ng mga taong nabiktima ng drug war.
    - Nung nandito ako sa Silingan, dito lang ako naglakas ng loob na magkwento. Nangyari yung kapatid ko nung 2016 nagtatrabaho pa ako sa Baclaran pero syempre di naman relate yun sa pinagtatrabahuhan ko, di naman relate siya sa war on drugs, kaya parang ayoko magkwento. Eh ngayon marami na kami rito, parang alam mo yun, kampante ka na magkwento.
    - Kaya dito sa Silingan, dito rin ako nagkaroon ng panibagong pamilya, dito kami nagsama sama, tapos napakinggan ko yung mga kwento ng bawat isa, parang naisip ko na dati kasi nung sarili ko lang napapakinggan ko, story ko lang naririnig ko parang naisip ko na bakit sakin to ginawa, kawawa naman ako, kawawa naman kami, parang ganun. Parang ako lang ng ako yung iniisip ko noon. Pero nung narinig ko yung kwento ng bawat isa, naisip ko na kahit papaano, maswerte pa pala ako. Yung sakit na naramdaman ko, yung hirap na naramdaman ko, hindi ko siya kinapitan para panghinaan ako ng loob, kinapitan ko siya para magsilbing lakas ko.
    - If you are just fighting for human rights, hindi siya crime. Dahil lahat tayo mag human rights. Bottom line also, it's all about respect, so respecting their space, respecting their lives, respecting their loved ones. And of course, at the end of the day, it's just, you know, everyone's the same. So kailangan lang may respeto. Kung di natin maintindihan, you know, because we're privileged and inside our bubble, it's really all about respect.
    - Sana maabot din natin yung aming... kagaya naming biktima na wala pa talagang ni isang tulong na nakukuha.
    - Di lang trabaho yung pinupunta ko dito, kasi gusto ko ding maabot yung mga nanay na katulad ko. Gusto ko ako naman yung tumulong sa mga katulad ko.
  • Not Synced
Title:
Human Rights Coffee Shop (Silingan Coffee Philippines)
Description:

more » « less
Video Language:
Filipino
Duration:
21:11

English subtitles

Revisions Compare revisions