< Return to Video

Human Rights Coffee Shop (Silingan Coffee Philippines)

  • Not Synced
    ***- Ito kasing Silingan hindi ko masasabing trabaho. Masasabi ko to bilang misyon ko. Gusto ko yung advocacy niya, gusto ko yung ginagawa ko at masaya ako, nananatili ako dito.
    - Nung nandito ako sa Silingan, dun lang ako naglakas ng loob magkwento. Parang nagkakaroon ng idea yung ibang tao na hindi lahat totoo yung sinasabi, kahit sino walang karapatan bawiin ang buhay ng mahal namin sa buhay.
    - Ang Silingan po ay nabubuo sa salitang Bisaya na ibig sabihin po ay kapitbahay. Kaya naman po naging kapitbahay kasi nung kasagsagan nung war on drugs, parang nawala po samin yung kapitbahay.
    - Walang lumalapit na kahit kapitbahay mo kasi natatakot sila na anytime baka bumalik pa yung mga pulis. So dito sa Silingan Coffee, parang gusto naming ibalik yung traditional na pakikipagkapitbahay, yung nagkakape ka nagkukwentuhan tapos nakakapagkwento ka ng storya mo.
    - Si Brother Jun naman po, siya po talaga yung pinakafounder namin. Brother siya ng Redemptorist. Ang hawak niya po dati regarding sa mga disaster kaya natayo yung Baclaran dati na coffee shop. Tapos ito namang Silingan, syempre nung pandemic maraming nanghihingi sa kanya ng tulong tapos naisipan niya magtayo ng coffee shop din po kagaya ng ginawa niya dati, tapos binigyan niya rin po kami ng opportunity magkaroon ng trabaho.
    - Dito sa Silingan Coffee, may opportunidad na mabigyan ka ng trabaho, di titignan yung estado ng buhay mo kung ano yung background mo. Lahat dito ay EJK families. Minsan nga nagbibiruan na pag may magaapply samin. Sabi namin, magaapply kami sa Silingan, ano po ba ang requirements? Sabi ko, namatay na ba asawa mo? Parang yung biruan lang namin.
    - Nagopen po talaga kami October 28, 2021. Halos wala talaga kaming kita, almost 6 months. Pinakamalaking sales na po namin nun Php500. Nung nainterview kami sa New York Times, sobrang laki ng naitulong kasi nagkaroon kami ng opportunity na makilala, nagkaroon din ng idea yung mga tao na, ay meron pala ritong coffee shop sa Cubao na regarding sa mga EJK. Nagkaroon sila ng mga curiosity kung totoo ba talaga kami or hindi. Tapos nung nafeature na kami sa New York Times, halos di kami makaupo ng mga kasama ko, talagang aligaga kami nung time na yun, pero nakakatuwa kasi mas gusto ko napapagod ako sa trabaho kaysa nakaupo. Sa branch namin, ang hinahanap po talaga lagi samin dito Horchata. Yung Horchata po kasi ay Mexican drink na rice blend cinnamon. Ang pinakapatok samin yang matcha, lalo na sa mga students. Lagi kasi sa matcha pag sinabing matcha, ang ano talaga niyan medyo mapait. Ayun, sabi, uy ang sarap ng matcha na yun, di lasang damo. Ate, paoorder pa nga din po ng matcha. Yung mga unang unang naging kaclose namin dito na students, mga taga UP yun, dito sila naghome study tapos halos grumaduate na nga tapos dumadalo parin sila pag di sila busy sa work. So ngayon sa awa naman ng diyos, nabigyan kami ng opportunity sa De La Salle para makapagtinda, yung van gamit namin. Si Grace naman po yung TL nila dun.
    - Ang tawag po dun, van naman po siya, ang tawag sa van namin is yun yung pinakaunang van, Justice Van. Tapos yung sumunod na van namin dun sa Lipa, Batangas, yung Accountability Van, yung pananagutan van. May isang van pa po kami, yung pinakahuli, yung Courageous Hope Van. Yung Courageous Hope Van po paikot ikot siya, kunwari may mga pop-up, may mga events, may mga rally, pumupunta yung van na yun. Tapos yung Ateneo, meron din sa Ateneo sa Gonzaga Hall sa taas. Meron kasi kaming tagline sa Silingan Coffee, "Coffee, stories, human rights." Di ka lang basta basta umiinom ng kape o bibili ng kape, meron din kaming story, meron din kaming pinaglalaban na karapatan. Ang misyon kasi ng Silingan ay unang una, makapagbigay ng opportunity sa mga biktima ng war on drugs. Pangalawa, patuloy na magkwento tungkol sa story. Di lang numero ang 30,000+, merong mga tao sa likod ng bawat kwento at kami yun.
    - So "Resbak" means respond and break the silence against the killings. It's a collective of cultural workers and artists and writers and everyone in the art space, actually helping the survivors of the drug war.
  • Not Synced
    We work with Brother Jun
    who is actually the brains
  • Not Synced
    behind Silingan.
  • Not Synced
    So we found a way
    to actually look for a space
  • Not Synced
    for them here in Cubao Expo.
  • Not Synced
    So we share the space with them
    and help them sustain
  • Not Synced
    the business—the coffee shop.
  • Not Synced
    The space here is called
    the Stall 9.
  • Not Synced
    ***Sa baba yung Silingan Cafe. The second floor is actually an open space for everyone to actually have their own activities that will eventually support Silingan and the mothers. We encourage people to come together and share their stories to actually help, also process the stories of the moms, the widows of the drug war.
  • Not Synced
    - My campaign against drugs
    will not stop
  • Not Synced
    until the last pusher
    and the last drug lord are...
  • Not Synced
    ***- Lima kaming magkakapatid, pangatlo ako, yung younger brother ko pangapat, siya yung biktima sa amin. Ang pangalan niya ay Christian Tayactac, palayaw niya Ian. Ang nangyari kasi sa kapatid ko, wala kaming relate sa drugs. Di ko sinasabi na porket ano, relate na agad sa drugs, hindi. Yung time na yun wala kasi ako sa bahay, nasa trabaho ako, mga around 8-9 pm. Tumawag yung ate ko, "Laga" kasi yung palayaw ko samin. "Laga, si Ian." sabing ganun. Nabaril. Ineexpect ko nabaril, nadaplisan o kahit anong tama. Yun ang nasa isip ko lang nun tapos binaba ko na. Tapos kasi yung dugo ko parang pumunta sa ulo nung pagsabi ng ate ko sakin, nangyare kasi sa kapatid ko parang di siya yung target totally nun, mayroon kasing target na kasing katawan, as in. Tapos may nakarinig kaya sabi ng kapatid ko, "Sir, hindi po ako yun. Hindi po ako yun." Siguro may iniinsist na pangalan na yung pangalan na yun siya yata ganun tapos iniinsist sa kapatid ko na hindi siya. Tapos ayun tinuluyan parin siya. Lagi ko napapanood sa TV na kaliwa't kanan, "Nabaril si ganito, nanglaban si ganyan." Wala akong nakikita sa TV, puro ganun that time nung 2016. Tapos judgemental kasi ako dati, lahat ng nakikita ko sa social media tingin ko totoo. Tapos ngayon nung naranasan ko, dun ko naisip na di pala lahat ng binabaril, pinapatay, may kasalanan, kinukulong, may kasalanan, hindi. Parang yung buhay ng tao mabilis nilang kunin. Di man lang nila iniisip yung, baka ilan ang anak nito, ang daming ulila na mga bata. Ang daming napariwara dahil din nawalan ng magulang. Pag mahirap kasi walang power sa totoo lang, walang boses. Minsan lang nagkakaboses pag may tumutulong. Pero pag mayayaman, nandun na lahat ang evidence, nilatag na lahat, makakalaya, malaya. Pero yung mahihirap, maliit lang na nahuli, nandun agad sa kulungan, walang proseso. Laging sinasabing may proseso tayo pero nasaan?
Title:
Human Rights Coffee Shop (Silingan Coffee Philippines)
Description:

more » « less
Video Language:
Filipino
Duration:
21:11

English subtitles

Revisions Compare revisions