< Return to Video

Human Rights Coffee Shop (Silingan Coffee Philippines)

  • Not Synced
    ***- Ito kasing Silingan hindi ko masasabing trabaho. Masasabi ko to bilang misyon ko. Gusto ko yung advocacy niya, gusto ko yung ginagawa ko at masaya ako, nananatili ako dito.
    - Nung nandito ako sa Silingan, dun lang ako naglakas ng loob magkwento. Parang nagkakaroon ng idea yung ibang tao na hindi lahat totoo yung sinasabi, kahit sino walang karapatan bawiin ang buhay ng mahal namin sa buhay.
    - Ang Silingan po ay nabubuo sa salitang Bisaya na ibig sabihin po ay kapitbahay. Kaya naman po naging kapitbahay kasi nung kasagsagan nung war on drugs, parang nawala po samin yung kapitbahay.
    - Walang lumalapit na kahit kapitbahay mo kasi natatakot sila na anytime baka bumalik pa yung mga pulis. So dito sa Silingan Coffee, parang gusto naming ibalik yung traditional na pakikipagkapitbahay, yung nagkakape ka nagkukwentuhan tapos nakakapagkwento ka ng storya mo.
    - Si Brother Jun naman po, siya po talaga yung pinakafounder namin. Brother siya ng Redemptorist. Ang hawak niya po dati regarding sa mga disaster kaya natayo yung Baclaran dati na coffee shop. Tapos ito namang Silingan, syempre nung pandemic maraming nanghihingi sa kanya ng tulong tapos naisipan niya magtayo ng coffee shop din po kagaya ng ginawa niya dati, tapos binigyan niya rin po kami ng opportunity magkaroon ng trabaho.
    - Dito sa Silingan Coffee, may opportunidad na mabigyan ka ng trabaho, di titignan yung estado ng buhay mo kung ano yung background mo. Lahat dito ay EJK families. Minsan nga nagbibiruan na pag may magaapply samin. Sabi namin, magaapply kami sa Silingan, ano po ba ang requirements? Sabi ko, namatay na ba asawa mo? Parang yung biruan lang namin.
    - Nagopen po talaga kami October 28, 2021. Halos wala talaga kaming kita, almost 6 months. Pinakamalaking sales na po namin nun Php500. Nung nainterview kami sa New York Times, sobrang laki ng naitulong kasi nagkaroon kami ng opportunity na makilala, nagkaroon din ng idea yung mga tao na, ay meron pala ritong coffee shop sa Cubao na regarding sa mga EJK. Nagkaroon sila ng mga curiosity kung totoo ba talaga kami or hindi. Tapos nung nafeature na kami sa New York Times, halos di kami makaupo ng mga kasama ko, talagang aligaga kami nung time na yun, pero nakakatuwa kasi mas gusto ko napapagod ako sa trabaho kaysa nakaupo. Sa branch namin, ang hinahanap po talaga lagi samin dito Horchata. Yung Horchata po kasi ay Mexican drink na rice blend cinnamon. Ang pinakapatok samin yang matcha, lalo na sa mga students. Lagi kasi sa matcha pag sinabing matcha, ang ano talaga niyan medyo mapait. Ayun, sabi, uy ang sarap ng matcha na yun, di lasang damo. Ate, paoorder pa nga din po ng matcha. Yung mga unang unang naging kaclose namin dito na students, mga taga UP yun, dito sila naghome study tapos halos grumaduate na nga tapos dumadalo parin sila pag di sila busy sa work. So ngayon sa awa naman ng diyos, nabigyan kami ng opportunity sa De La Salle para makapagtinda, yung van gamit namin. Si Grace naman po yung TL nila dun.
    - Ang tawag po dun, van naman po siya, ang tawag sa van namin is yun yung pinakaunang van, Justice Van. Tapos yung sumunod na van namin dun sa Lipa, Batangas, yung Accountability Van, yung pananagutan van. May isang van pa po kami, yung pinakahuli, yung Courageous Hope Van
  • Not Synced
Title:
Human Rights Coffee Shop (Silingan Coffee Philippines)
Description:

more » « less
Video Language:
Filipino
Duration:
21:11

English subtitles

Revisions Compare revisions