-
[Anong Bago sa Firefox] Ngayon ay mas madali at mas mabilis ka nang magtungo sa kung sa'n mo gusto sa pinakabagong Firefox.
-
Sa tulong ng pinagandang Home page, madali nang mag-access at mag-navigate sa mga opsyon na kadalasang ginagamit mo.
-
Tulad ng downloads, bookmarks, history, mga add-ons, sync at mga setting.
-
[New Tab Page] Naglagay rin kami ng mga pagbabago sa iyong New Tab page.
-
Sa New Tab page, madali nang pumunta sa mga site na kadalasan mong pinupuntahan sa isang click lamang.
-
Upang simulan ang paggamit ng New Tab page, lumikha ng bagong tab sa pamamagitan ng pag-click sa '+' sa itaas ng iyong browser.
-
Ang New Tab page ay magpapakita ng mga thumbnail ng mga site na kadalasan mong pinupuntahan galing sa iyong Awesome Bar history.
-
Maaari mong i-costumize and iyong New Tab page sa pamamagitan ng pagda-drag ng mga thumbnail sa palibot upang baguhin ang pagkakaayos-ayos.
-
Mag-click sa pushpin upang i-lock ang site sa kinatatayuan, o sa 'X' button upang alisin ang site.
-
Maaari mo ring i-click ang 'grid' icon sa kanang tuktok ng page upang bumalik sa blanko na bagong Tab page.
-
Kunin na ang pinakabagong Firefox at magsimulang gumamit ng mga bagong katangian ngayong araw!