-
Matututunan nating ngayon ang mga if statement.
Ang mga if statement ay pundamental na bahagi ng pagkatuto
-
na mag-program. Tumutulong sila sa computer na magdesisyon.
Gumagamit ng mga if statement ang lahat ng mga computer, pati
-
telepono ko. Halimbawa, kapag in-unlock ko ang telepono ko,
pinaaandar nito ang ilang code na nagsasabi kung inilagay ko ang
-
password nang tama, mag-a-unlock ang telepono.
Kundi, mayroong error message.
-
Magagamit mo ang mga if statement sa code mo upang tumugon sina Steve at Alice sa kung ano ang nakikita nila sa
-
mundo. Halimbawa, kung may bato sa harap nila, maaari silang lumiko pakaliwa. O lumiko
-
pakanan kung masalubong nila ang isang puno. Sa kasong ito, hindi natin gustong mahulog sa lava.
-
Madaling magplano para sa lava. Makikita natin ito sa screen. Ngunit paano sa lava na hindi natin
-
makikita sa ilalim ng bato?
Pagkatapos nating minahin ang bato, kailangan nating tingnan
-
kung may anumang lava sa lugar na iyan bago gumalaw pasulong. Kung may lava doon, gusto nating
-
ilagay ang bato sa harap ng ating karakter bago gumalaw pasulong. Sa paraang iyan maaari tayong ligtas na gumalaw.
-
Oras na para sa mas maraming pagmimina! At tandaan na gamitin ang if statement upang tingnan ang nilalakaran mo.
-
Subtitles by the Amara.org community