-
Ako si Lydia Winters, brand director ng Mojang, at gumawa kami ng maliit na laro na tinatawag na Minecraft.
-
Paborito kong gawin sa Minecraft ang paggalugad. Gustong gusto ko ang pagpasok sa mga kuweba at makita kung ano
-
ang mahahanap ko. Bilang isa na hindi programmer, sabik na sabik akong na dumaan sa mga aralin ng
-
Minecraft at totoong matuto sa ganang sarili ko ng pag-code.
-
Ang huling lebel ay nangailangan ng maraming moveForward(); block. Mas magiging madali kung masasabi natin sa computer na gawin ang paggalaw na pasulong
-
na command apat o limang beses. Sa kabutihang palad, ang mga computer ay napakagaling sa pag-uulit ng mga command
-
gamit ang mga repeat loop. Kapag gumagawa ng Minecraft, ginagamit natin ang mga repeat loop upang ilagay ang lahat ng mga panimulang
-
materyal sa paglikha ng bagong mundo. Ibig sabihin niyan libo-libo at libo-libong block. Ginagamit din
-
natin ang mga loop sa maliliit na paraan, halimbawa upang pagalawin ang mga paa ni Alex pabalik at papunta habang naglalakad siya.
-
Ang mga repeat loop ay napakamakapangyarihang bahagi ng programming.
-
Papagabi na kaya sa susunod na dalawang lebel, gagawa tayo ng isang bahay upang manatiling ligtas. Gagamitin natin ang repeat block upang gawin
-
ito nang napakadali. Upang gumawa ng pader ng ating bahay, maaari nating sabihin kay Alex na gumalaw pasulong at
-
ilagay ang mga tabla nang apat na beses o maaari nating sabihin sa kanya na gumalaw pasulong at ilagay ang isang tabla, saka
-
gawin ang command na ito at gamitin ang repeat block upang gawin niya ang kilos nang maraming beses.
-
Ngayon pipindutin natin ang repeat block at sabihin sa kanya ilang beses natin gusto siyang gawin
-
ang kilos na ito. Ngayon gawin natin ang ating bahay bago gumabi! Maglibang.