-
Gumawa ako ng video tungkol sa Komunismo,
-
Dahil naisip ko na matagal ko na'tong binabanggit,
-
At sa mga video tungkol sa kasaysayan, hindi ko pa lubos
-
na naipaliwanag kung ano ang
-
ibig sabihin nito.
-
Upang maunawaaan mo ang komunismo, iguhit natin ang
-
isang espektro dito.
-
Simulan natin sa Kapitalismo.
-
Ngayon, isa lamang itong maikling buod
-
May mga taong gumagawa ng PhD thesis sa paksang
-
Kapitalismo tapos tatalakayin rin natin
-
ang pagsulong sa sosyalismo
-
Sosyalismo. At tungo sa komunismo.
-
Ang mga makabagong bersyon ng Komunismo ay mula
-
kina Karl Marx at Vladimir Lenin
-
Si Karl Marx ay isang Alemang pilosopo
-
noong bandang 1800 na sa kanyang "Communist
-
Manifesto" at iba pang sulatin, ay hinubog ang
-
mga pilosopikal na doktrina ng Komunismo
-
at si Vladimir Lenin, na namuno sa himagsikan ng mga Bolshevik sa Soviet Union
-
na siya ring lumikha sa Soviet Union
-
siya ang unang tao
-
na kumuha sa mga ideya ni Marx
-
at ginawa itong konkreto sa bawat bansang
-
itinuturin nating komunista, sinunod nila ang yapak
-
ni Vladimir Lenin, na tatalakayin rin natin maya-maya
-
Una, pag-usapan natin ang pilosopikal na pagkakaiba mga bagay na'to
-
at kung paano ito susulong
-
Inisip ni Karl Marx mismo na ang Komunismo ay isang
-
pagpapatuloy mula kapitalismo, tapos sosyalismo hanggang sa komunismo.
-
Nakita niya sa kapitalismo
-
na kung saan tama siya,
-
Na may mga pribadong pag-aari sa mga lupain
-
na siyang pangunahing aspekto ng kapitalismo,
-
at heto rin ang mundong kinagagalawan natin ngayon
-
ang problemang nakita niya sa kapitalismo ay
-
naisip niyang: "Alam mo,
-
kapa binigyan natin ng pribadong ari-arian ang mga tao
-
na nagkakamal ng kapital," at
-
pag sinabing kapital, tinutukoy nito ang mga
-
lupa o mga pagawaan na nakatirik dito
-
at pwede rin ang mga likas na yaman
-
Kung saan ang mga taong nakakakuha nito unti-unti,
-
Gumuhit tayo ng isang banghay,
-
Sabihin natin na ang isang taong may konting kapital,
-
Na isang pagawaan o kaya'y lupa,
-
Isusulat ko "kapital". Sabihin nating lupa ito.
-
May nagmamay-ari ng kaunting lupa
-
At mas malaki ito kaysa ninuman
-
At may mga ibang taong
-
walang lupa, pero kailangan nila ito
-
At dahil pag-aari niya ang lahat ng lupa,
-
nagtatrabaho naman sila para sa kanya
-
Kailangan nilang kumayod sa lupa niya
-
At sa pananaw ni Karl Marx,
-
kung ang mga manggagawang ito na walang kapital
-
at siya nama'y maraming kapital,
-
kaya niyang pagtrabahuin ang mga taong ito
-
sa mababang sahod at ang sobrang
-
kikitain niya mula rito
-
ay mapupunta sa may-ari ng kapital
-
hindi maitataas ng mga trabahador ang kanilang mga sweldo
-
dahil malakas ang kompetisyon mula sa ibang manggagawa
-
sa sakahang ito o sa buong lupain
-
hindi inisip ni Marx na
-
maaring mag-iba ang kompetisyon
-
kung saan ang realidad ay
-
Maaring magkaroon ng pangyayari kung saan
-
magkakaroon ng maraming taong magkakaroon ng sapat na kapital
-
at maraming trabahador
-
at ang mga taong makikipag-kumpitensya para sa mga manggagawa
-
at dito sakaling tataas ang mga sahod nila.
-
Kung saan makakaipon rin sila ng kapital,
-
at makakapag-negosyo sila kinalaunan.
-
Hindi niya gaanong inisip ang ganitong senaryo
-
Itong isa lang ang nakita niya
-
pero sa kanyang pagtanggol, ngunit ayoko namang
-
ipagtanggol si Karl Marx masyado,
-
ito ang nangyayari sa bandang katapusan ng 1800s
-
Andyan ang Industrial Revolution
-
Kahit sa United States meron din yung
-
tinawag ni Mark Twain na "gilded age"
-
Ang mga industrialista na nakapagtipon ng malalaking kapital
-
ay kayang-kayang pakilusin ang mga
-
manggagawa at kung sasabihin ni Marx na
-
kung ang isang taong may malaking kapital ay kayang magpakilos
-
at kung saan marami rin ang kayang kikitain,
-
kaya niyang solohin ang lahat ng kita
-
at kaya rin niyang ibaba yung sweldo ng mga manggagawa
-
Anong mangyayari kung yung taong may kapital
-
Ay uuwing may mas malaking kapital?
-
Lalaki ang kapital niya't
-
Lalakas lalo ang kanyang impluwensya
-
kung saan kaya niyang panatilihin ang sahod
-
nang mababa't hindi makakakuha ng kapital ang
-
iba pang mga tao.
-
Sa pananaw ni Marx, na ang natural na pagsulong ay,
-
magsisimulang magbubuklod ang mga tao
-
Halimbawa gagawa ng unyon ang mga manggagawa
-
Para sabay-saby nilang sasabihin sa may-ari ng lupa
-
o pabrika na "Ayaw naming magtrabaho" o
-
"Hindi kami magtatrabaho kung hindi niyo itataas ang sahod"
-
o "kung hindi niyo gagawing ligtas ang aming pinagtatrabahuan"
-
Kaya kapag tinalakay natin ang mga unyonisasyon,
-
Dito na unti-unting tumutungo sa sosyalismo
-
at ang isa pang elemento na patungo rin dito
-
ay kung saan ayaw rin ni Karl Marx ang,
-
pati na rin sa mga sosyalista, ang
-
sobrang kayamanan
-
Hindi lang narito ang mga taong pwedeng magkaroon
-
ng ganitong uri ng yaman
-
at nagawa nila ito dahil sila'y malikhain
-
o magaling mamuno sa kanilang mga lupain, o kung anupaman,
-
Pero ayaw aminin ng mga Marxist
-
ang ganitong uri ng pagrarason
-
Siguro nga, magaling silang
-
mamuno sa kanilang operasyon.
-
Ngunit ang isa pang problema'y naibibigay ang mga
-
yamang ito sa kanilang mga anak o tagapagmana
-
Narito ngayon ang isang sitwasyon kung saan
-
sabihin natin, mula sa ama patungo sa anak
-
magulang sa anak, at hindi ito base sa
-
angking galing.
-
Base lamang ito sa minanang yaman
-
At problema nga ito
-
na nangyari sa Europa noong
-
French Revolution, kung saan ilang henerasyon
-
ng mga maharlika, na kahit walang kakayahang mamuno
-
isang henerasyon na nasa kanila lahat ng yaman
-
at hawak ang lahat ng bagay,
-
samahan mo ng mga taong walang kahit ano
-
at kailangan magtrabaho para sa kanila
-
kung makikita nga naman ang ganitong uri ng pagkakaiba
-
magkakaroon nga naman ng paghihimagsik,
-
na isa pang prinsipyo tungo sa sosyalismo
-
na kung saan ipinapamahagi ang yaman
-
Maisulat ko nga. Pagpapamahagi.
-
Pagpapamahagi.
-
Sa sosyalismo, meron pa ring pribadong pag-aari
-
ngunit mas malaki ang papel ng gobyerno
-
Isusulat ko rin. Malaking gobyerno.
-
At isa sa mga papel ng gobyerno'y
-
ikalat ang yaman at simulan nitong
-
pamahalaan ang mga pangunahing factor ng produksyon
-
Halimbawa, sa utilities (tubig at ilaw) o malalaking pabrika
-
na gumagawa ng malalaking bagay
-
sa kamay ng gobyerno, o sabi nga ng mga komunista,
-
"sa kamay ng mga tao" at ang pamimigay ay tuluy-tuloy.
-
Sa madaling palagay, hindi naiipit ang kayamanan sa
-
iilang mga tao lamang.
-
Kung susundan mo raw ang mga ideyang ito sa natural nitong pagwawakas,
-
makakaabot ka sa isang lipunang komunista.
-
Ang teoretikal na lipunang komunista'y pantay-pantay
-
at sa pananaw ni Karl Marx,
-
na mas mahirap isipin,
-
ay isa ring lipunang walang mga bansa
-
Sa kapitalismo, may mga antas ang lipunan
-
antas na nagmamay-ari ng kapital
-
at ang antas ng mga trabahador
-
meron ring iba pang mga dibisyon
-
na iba pa't sari-sari
-
hindi rin inisip ni Marx ang isang mundong
-
makakawala rin ang mga manggagawa
-
at makakakuha sila ng sarili nilang kapital
-
at makakapagsimula sila ng sariling negosyo
-
Nakita lang niya ang isang daan tungo sa sosyalismo
-
at kinalaunan, isang pantay na lipunan na walang mga antas
-
hindi rin niya binigay ang mga detalye
-
sa pagkakapantay-pantay, ang lipunan ang may ari sa lahat at
-
sila rin ang bahala kung
-
paano ipapamahagi ang mga bagay-bagay sa mga tao
-
at lahat ng ito'y walang mga bansa. Mas mahirap ring isipin
-
ito sa isang konkretong anyo.
-
At iyan ang mga pananaw ni Karl Marx
-
Ngunit hindi nga ito naging kongkreto
-
hanggang sa paglitaw ni Vladimir Lenin
-
Sa kasalukuyang bersyon ng komunismo,
-
Ang bagay na pinaniniwalaan nating komunismo
-
ay tinatawag na Marxist-Leninist state
-
Leninist.
-
Ang mga salitang ito'y pwedeng pagpalitin.
-
Ang Marxism ay isang uri ng Yutopyang mundo,
-
Isang mundo kung saan pantay ang lahat,
-
at lahat ay ginagawa ang kanilang mga gusto
-
makikita ang kasaganaan sa lahat at
-
sa isang banda, isa itong paglalarawang tulad sa
-
Star Trek kung saan lahat ay pupwedeng
-
hingin mula sa isang replicator
-
at kung nais lang nilang magpinta sa umaga,
-
pwede mo itong gawin
-
at hindi ka lang isang pintor
-
kundi pwede mo rin gawin ang lahat ng gusto mo
-
isang napaka-Yutopyan na pananaw
-
Isusulat ko nga
-
Marxism, ang purong Marxism ay parang isang Yutopyan na lipunan
-
at kung sakaling hindi mo alam ang ibig sabihin ng Yutopyan
-
isa itong uri ng perperktong lipunan na walang antas ng pamumuhay
-
lahat ay pantay, at lahat ay nabubuhay
-
ng tahimik at masagana.
-
At ang Yutopia ay nakikita bilang isang di-makatotohanang
-
Sa ibang salita, parang:
-
Hindi ko naman alam kung makakarating tayo sa ganyan. Magawa natin kaya?
-
Ayoko namang maging negatibo
-
siguro balang araw.
-
Pero ang Leninismo ay isang praktikal na uri ng Komunismo
-
Pagkatapos ng Bolshevik Revolution noong 1917,
-
nilikha ang Soviet Union
-
at kinailangan nilang magpatakbo ng gobyerno
-
isang pamahalaang batay sa
-
mga ideya ng komunismo. Sa pilosopiyang Leninist,
-
dito ito nagsisimulang
-
makipagsagupaan sa mga ideya ng demokrasya.
-
Sa pilosopiyang Leninist, kailangan mo ng
-
isang partido, na tinawag niyang "Vanguard Party"
-
Na siyang nagsusulong sa
-
mga adhikain nito.
-
Itong Vanguard Party ang gumagawa ng isang
-
patuloy na rebolusyon
-
At trabaho raw nito na gabayan ang lipunan.
-
Halos ito na ang magulang ng lipunan
-
at ilagay ito mula kapitalismo hanggang sosyalismo
-
tungo sa ideyal na lipunang komunista.
-
At isa ito sa mga bagay na kung saan
-
hindi mo alam kung kailan mo,
-
mararating ang ganitong layunin.
-
Ang nangyayari sa isang bansang Leninist
-
na may Vanguard Party, na karaniwang tinatawag
-
na Communist Party, ay patuloy na nagrerebolusyon
-
at patuloy na ginagabayan ang madla
-
sa isang katayuang walang malinaw na kahulugan
-
sa uri ng lipunan na gusto nitong maging.
-
Kaya pag pinag-usapan ang Marxist-Leninist
-
bukod sa mga kung ano ang nangyayari
-
sa economic sphere, ito ri'y tumatalakay
-
sa isang sistema ng partido, kung saan may
-
isang dominanteng partido
-
na sana'y kikilos ayon sa interes ng mga tao
-
Ang nangingibabaw na Communist Party
-
na kumikilos ayon sa kapakanan ng masa
-
At syempre, paano mo nga naman malalaman
-
na ganito nga ang ikinikilos ng gobyerno?
-
paano mo rin alam na sila'y may kakayanan?
-
Ano rin ang mangyayari kapag
-
nagsimula silang maging tiwali?
-
kapag iisa lang ang iyong partido
-
At para sa isang paglilinaw,
-
Ang pinakamalaking komunistang bansa
-
ay ang People's Republic of China.
-
Kahit na nasasaklaw ito ng Communist Party,
-
sa usapang ekonomiya, hindi na talaga sila komunista
-
kaya medyo nakakalito
-
Ngayon guguhit ako ng isang espektro
-
Sa vertical axis ilalagay ko ang demokratiko
-
Demokratiko. At Authoritarian naman dito.
-
Authoritarian o Totalitarian. Totalitarian na lang kaya?
-
Authoritarian na lang.
-
Gagawa na lang ako ng isa pang video sa pagkakaiba.
-
Authoritarian at sila'y hawig.
-
Ang lipunang Totalitarian ay mas matindi pa sa Authoritarian
-
kung saan hawak ng gobyerno ang lahat
-
at kakaunti lang ang may mga ari-arian
-
ito'y di-demokratiko
-
halos ganun rin ang mga bansang authoritarian
-
At sa espektrong ito
-
May kapitalismo, sosyalismo at komunismo
-
Sa Amerika, Ilalagay ko "United States"
-
Banda rito
-
ko ilalagay ang United States
-
May maliliit na elemento ito ng sosyalismo
-
May mga unyon
-
Ngunit hindi nila kontrolado ang lahat
-
May mga tao pa ring nagtatrabaho sa labas ng mga unyon
-
At may mga elemento rin ito ng pagbabahagi
-
Tulad ng buwis kapag ika'y magmamana
-
Ngunit hindi ito napakalabis
-
at marami ka pa ring makukuha
-
May mga benepisyo pa rin para sa mga tao
-
May Medicare, Medicaid, andyan rin ang Social Security
-
May mga elemento pa rin ng sosyalismo
-
Ngunit may malakas na kasaysayan ng kapitalismo
-
pribadong pag-aari, malalagong merkado
-
Kaya dito ko ilalagay ang US
-
Ilalagay ko ang USSR, hindi ang kasalukuyang Russia,
-
kundi ang dating Soviet Union,
-
Ang Soviet Union ay bandang...
-
Ilalagay ko ang Soviet Union dito
-
Heto yung U... dito ang USSR.
-
Ang kasalukuyang Russia nama'y...
-
Mga banda rito
-
Dahil mas kakaunti ang mga binibigay nilang benepisyo para sa lipunan,
-
mas magulo rin ang ekonomiya nila
-
at mas malaki ang agwat ng mayaman sa mahirap
-
kaysa sa Amerika.
-
Kaya... ang kasalukuyang Russia
-
At ang pinka-interesante sa kanilang lahat,
-
ang People's Republic of China
-
ang kasalukuyang People's Republic of China
-
na isang komunistang bansa lang sa unang tingin
-
ngunit kung tutuusin, mas kapitalista pa sila sa US.
-
Kung saan hindi sila gaanong namamahagi ng yaman
-
at walang benepisyo para sa lipunan
-
Kaya may mga elemento ng Tsina
-
na mas malapit dito sa kaliwa
-
na higit na mababasa sa demokratikong aspekto og US
-
o kahit na ang Russia... Ngunit sabi nila...
-
...sa susunod na lang natin talakayin.
-
Ngunit sa Tsina, pwede nating silang ituring
-
na higit pang mga kapitalista
-
kumpara sa Estados Unidos.
-
alam nating hindi kahigpitan ang kanilang batas-manggagawa
-
Atbp. Sa ibang aspekto naman,
-
marami ang pag-aari ng kanilang gobyerno.
-
At malakas rin ang saklaw nila.
-
At dahil sa mga katangiang ito,
-
Narito sa malaking pagitan nito ang Tsina
-
kahit na ito'y isang Komunistang bansa.
-
Kahit na mas kapitalista ito sa mga
-
mga bansang ipinagmamalaki ang kanilang kapitalismo.
-
Ngunit sa ibang bagay, lalo na sa pamahalaan,
-
ang pag-aari at ang kontrol ng gobyerno ay naiipon
-
sa nangingibabaw na partido. Mas Leninist ito
-
at mas kaunti ang Marxist.
-
Kaya, mas komunista naman ang direksyon nito.
-
Sana naipaliwanag nito
-
ang kadalasa'y isang magulong paksa.