Explaining the circular economy, and how society can rethink progress | Animated video essay
-
0:01 - 0:05Ilang bilyong taon nang nasa paligid
ang mga bagay na namumuhay -
0:05 - 0:07at mananatili pa ang mga ito nang matagal.
-
0:07 - 0:10Sa mundo ng namumuhay, walang tambakan.
-
0:10 - 0:13Sa halip, dumadaloy ang mga bagay.
-
0:13 - 0:16Ang basura ng isang specie
ay pagkain naman ng iba; -
0:16 - 0:18ang araw ang nagbibigay ng enerhiya;
-
0:18 - 0:20tumutubo ang mga bagay, at namamatay;
-
0:20 - 0:23at ligtas na bumabalik sa lupa
ang mga sustansiya. -
0:24 - 0:26At gumagana ito.
-
0:26 - 0:27Ngunit, bilang mga tao,
-
0:27 - 0:30pinairal natin ang linear na paraan:
-
0:30 - 0:33tayo ay kumukuha, gumagawa, at nagtatapon.
-
0:33 - 0:35May bagong phone na inilabas.
-
0:35 - 0:37Kaya ibabasura natin ang luma.
-
0:37 - 0:39Nasira ang ating washing machine.
-
0:39 - 0:41Kaya bibili tayo ng bago.
-
0:41 - 0:46Tuwing ginagawa natin ito,
nalulustay ang limitadong suplay ng yaman -
0:46 - 0:49at kadalasang nagdudulot
ng mapanirang basura. -
0:49 - 0:52Tahasang hindi ito maaaring pangmatagalan.
-
0:53 - 0:54Kaya ano ang puwede?
-
0:55 - 0:59Kung tanggap nating gumagana
ang cyclical model ng mundo ng namumuhay, -
0:59 - 1:02puwede ba nating baguhin ang pananaw natin
-
1:02 - 1:06para mamuhay rin tayo
sa isang sirkular na ekonomiya? -
1:06 - 1:09Simulan natin sa biological cycle.
-
1:09 - 1:14Paano makakabuo ng kapital
ang ating basura sa halip na bawasan ito? -
1:14 - 1:18Sa muling pag-aaral at muling pagdidisenyo
ng mga produkto at piyesa -
1:18 - 1:20at ng kasama nitong pambalot,
-
1:20 - 1:23makagagawa tayo ng ligtas
at nako-compost na materyales -
1:23 - 1:26na tutulong sa paglago ng maraming bagay.
-
1:26 - 1:28Gaya ng sinasabi sa mga pelikula,
-
1:28 - 1:31"Walang nasirang yaman
sa paggawa ng materyal na ito." -
1:32 - 1:36Paano naman ang mga washing machine,
mobile phone, ref? -
1:36 - 1:39Alam nating hindi ito biodegradable.
-
1:39 - 1:42Isa pang uri ng muling pag-aral
ang pinag-uusapan natin dito: -
1:42 - 1:45isang paraan para i-cycle
ang mahahalagang metal, -
1:45 - 1:47polymer at alloy,
-
1:47 - 1:49upang mapanatili ang kanilang kalidad
-
1:49 - 1:50at patuloy na magamit
-
1:50 - 1:54nang lampas pa sa shelf life
ng kanya-kanyang produkto. -
1:54 - 1:59Ano kaya kung ang mga produkto ngayon
ay maging yaman ng hinaharap? -
1:59 - 2:01Mayroon itong commercial sense.
-
2:01 - 2:05Sa halip ng nakaugalian nating
kultura ng pagtapon at pagpalit, -
2:05 - 2:08paiiralin natin ang pagbalik at pagpatuloy
-
2:08 - 2:13kung saan dinisenyo ang mga produkto
at piyesa para makalas at mabuong muli. -
2:14 - 2:19Isang solusyon marahil ang muling pag-aral
sa pananaw natin sa pagmamay-ari. -
2:19 - 2:22Ano kaya kung di natin aktuwal
na ariin ang ating teknolohiya? -
2:22 - 2:26Lilisensiyahan lang natin ito
mula sa mga manufacturer. -
2:26 - 2:29Ngayon, pagsamahin natin
ang dalawang cycle na ito. -
2:30 - 2:34Isipin natin kung makapagdidisenyo tayo
ng mga produktong babalik sa gumawa nito, -
2:34 - 2:36muling magagamit
ang teknikal na materyales nito, -
2:36 - 2:41at nagpapataas sa agrikultural na halaga
ang biological parts nito. -
2:41 - 2:45At isipin natin na ginawa at ibiniyahe
ang mga produktong ito -
2:45 - 2:47gamit ang renewable energy.
-
2:47 - 2:51Dito may modelo tayong
bumubuo ng kasaganaan na pangmatagalan. -
2:51 - 2:52At ang magandang balita ay
-
2:52 - 2:55may mga kompanya nang
-
2:55 - 2:57nagsisimulang pairalin
ang ganitong pamamaraan. -
2:58 - 2:59Pero ang sirkular na ekonomiya
-
2:59 - 3:03ay hindi tungkol sa pagbago
ng isang produkto ng isang manufacturer. -
3:04 - 3:06Ito ay tungkol
sa lahat ng magkakaugnay na kompanya -
3:06 - 3:08na bumubuo sa ating impraestruktura
-
3:08 - 3:09at ekonomiya
-
3:09 - 3:11na nagsasama-sama.
-
3:11 - 3:13Ito ay tungkol sa enerhiya.
-
3:13 - 3:17Ito ay tungkol sa muling pag-aaral
ng mismong sistema ng paggawa. -
3:18 - 3:22Mayroon tayong napakagandang oportunidad
para magbukas ng mga bagong perspektiba -
3:22 - 3:24at mga bagong simulain.
-
3:24 - 3:28Sa halip na manatiling bitag
sa mga kabiguan ng kasalukuyan, -
3:28 - 3:31gamit ang pagkamalikhain at innovation,
-
3:31 - 3:34totoong muling mapag-aaralan
at muling madidisenyo natin -
3:34 - 3:36ang ating kinabukasan.
- Title:
- Explaining the circular economy, and how society can rethink progress | Animated video essay
- Description:
-
- Video Language:
- English
- Team:
- Amplifying Voices
- Project:
- Environment and Climate Change
- Duration:
- 03:49
Show all