-
Sugar.
-
Sugar.
-
Sugar.
-
Nandiyan 'yan sa mga paborito nating snacks.
-
Kasama 'yan sa mga late-night cravings natin.
-
at parang ang hirap talagang tumigil.
-
I mean, lahat tayo dumaan na dyan.
-
Ang isang kagat ay nagiging sampu,
-
nagiging dalawampu,
-
at bago mo pa mapansin, ubos na ang laman ng plato mo
-
at puno ka na ng pagsisisi.
-
Kailangan mong magpigil.
-
Kailangan mong mas kontrolin.
-
Pero paano kung sabihin ko sa'yo
-
na yung pakiramdam na parang wala kang kontrol pagdating sa sugar
-
ay hindi dahil kulang ka sa lakas ng loob,
-
kundi baka may ibang gustong iparating ang katawan mo?
-
Ako si Jo. Isa akong dietitian
-
at matagal na akong nahirapan sa binge-eating.
-
Sinubukan ko na lahat ng diet at solusyon,
-
pero parang wala talagang gumagana dahil paulit-ulit na lang ako bumabalik sa parehong sitwasyon.
-
Matagal akong nakarating sa puntong kaya ko nang tumanggi.
-
Don't get me wrong.
-
Kumakain pa rin ako ng mga paborito kong sweets.
-
Pero di ako tumatanggi dahil sa takot, at nakakapagsabi din ako ng 'oo'
-
dahil sa kung ano ang gusto ko
-
at hindi lang dahil sa pakiramdam na parang kailangan ko ito.
-
Ngayon, kung ganito rin ang nararamdaman mo,
-
nasa tamang lugar ka
-
kasi sa video na ito, pag-uusapan natin ang mga estratehiyang ginawa ko
-
para sa wakas ay matalo ko ang aking sugar cravings.
-
Pero sandali.
-
Bago tayo mag-usap tungkol sa mga estratehiyang ito, sa tingin ko, mahalaga munang pag-usapan natin
-
kung bakit tayo nagkakaroon ng cravings sa sugar.
-
Isang 'food for thought'.
-
Ang totoo, ang cravings ay madalas na senyales na may gustong iparating sayo ang katawan mo.
-
Pero imbis na makinig, isinasantabi natin ito
-
at nagagalit na lang tayo sa sarili natin.
-
Ugh! Naubos ko na naman itong buong kahon ng cereal?
-
Ang palpak ko talaga. Wala akong kontrol.
-
Ngayon, ano kayang ibig sabihin kung nagkakaroon ka ng cravings sa sugar?
-
Dahil ba mahina ka? Dahil ba wala kang disiplina?
-
O baka may iba pang dahilan?
-
Ngayon, maraming posibleng dahilan pero narito ang ilan na gusto kong ibahagi.
-
Hindi tayo kumakain ng sapat.
-
"Ano?"
-
"Sigurado akong sobra ako kung kumain kaya lagi akong may cravings sa sugar."
-
Pero maaaring kabaligtaran ito.
-
Kapag may cravings ka, madalas na ito ay senyales ng katawan mo na kailangan mo ng pagkain.
-
Dahil hindi ka kumakain ng sapat, susubukan ng katawan mong ipaalam sa'yo na kumain ka ng tama
-
sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga senyales na kumain ka ng pagkaing mataas ang calories
-
o mga pagkain na mayaman sa sugar
-
dahil ang mga ito ay madadaling pagmulan ng enerhiya.
-
Isa pang posibleng dahilan ay baka hindi ka kumakain ng sapat na carbohydrates.
-
Karaniwan tayong sinasabihan na kung nagkakaroon ka ng cravings sa carbs, ibig sabihin ay sobra ka nang kumakain ng carbs.
-
Pero sa totoo lang, maaaring senyales ito na hindi ka kumakain ng sapat na carbohydrates,
-
at katulad ng sinabi natin kanina tungkol sa hindi pagkain ng sapat,
-
kung hindi mo kinakain ang pangunahing pinagkukunan mo ng enerhiya
-
hahanapin ito ng katawan mo,
-
na madalas nagiging dahilan ng cravings mo sa mga masasarap na pagkain na mataas sa sugar.
-
Kaugnay niyan,
-
maaaring may kinalaman din ito sa blood sugar.
-
Meron tayong hormone na tinatawag na 'insulin'
-
na siyang nagdadala ng sugars na kinokonsumo natin sa mga cells
-
para magamit ito.
-
Parang susi ito sa pinto ng cells.
-
Kadalasan, ang problema sa blood sugar ay insulin resistance,
-
ibig sabihin, kahit gaano pa karaming insulin na ginagawa ng katawan mo,
-
hindi pa rin nito nagagawa ang trabaho nito.
-
Ibig sabihin, ang sugar na kinokonsumo mo ay hindi talaga napupunta sa mga cells na nangangailangan nito,
-
at iniisip ng katawan mo na hindi ka nakakakain ng carbs o sugar
-
kaya patuloy itong nagpapadala ng mga signal para gustuhin mo pa ito.
-
Kaya kung meron kang PCOS o diabetes at lagi kang nagkakaroon ng cravings sa carbs,
-
kadalasan ito ang dahilan.
-
Isa pa ay ang dami ng mga mahigpit na patakaran.
-
Kapag mas marami kang inilalagay na patakaran patungkol sa pagkain,
-
mas lalo mo itong naiisip
-
at mas lalo mo itong gustong kainin.
-
Tulad nung ako at mga kapatid ko, sinubukan namin ang 30-day no-sugar challenge
-
pero pagkatapos ng ika-31 na araw, kinain namin lahat ng sugar na hindi namin nakain,
-
at higit pa.
-
Kaya kahit iniisip mo na ang paggawa ng bagong diet ay ang pinakamagandang paraan,
-
baka bumaliktad lang ang epekto nito.
-
[musika]
-
Isa sa pinakamalaking dahilan ng walang katapusang sugar cravings
-
ay ang hindi pagkain ng sapat.
-
Kaya kailangan mong ihanda ang sarili mo para magtagumpay
-
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pare-parehong oras ng pagkain.
-
[musika]
-
[Magkaroon ng pare-parehong oras ng pagkain]
-
[musika]
-
Dati sobrang takot akong kumain kaya pinipigilan ko ang gutom ko hangga’t kaya ko,
-
o kaya'y kumakain lang ako kapag sobrang gutom na ako.
-
Pero maiisip mo na kapag mas gutom ka,
-
mas napaparami rin ang kain mo
-
dahil mas mahirap punan ang gutom
-
kapag nasa sobrang tindi na ito.
-
Nabanggit ko na ito sa mga nakaraang videos pero dati, sobrang takot akong kumain ng almusal
-
sa puntong pinapalampas ko ito,
-
tapos napansin ko na pagkatapos ng tanghalian, parang gusto kong kumain ng snacks, parang gusto kong tikman lahat ng pagkain,
-
at nung nagsimula akong magkaroon ng mas regular na oras ng pagkain,
-
nawala na ‘yun.
-
Ang pare-parehong oras ng pagkain ay nakakatulong din sa paglaan ng calories natin sa simula ng araw,
-
na nakakatulong sa pag-regulate ng ating blood sugar at gana sa pagkain.
-
Madalas itinuturo sa atin na ang gutom ay masama at dapat itong pigilan hangga't maaari,
-
o ang gutom ay mabuti
-
kasi kung nakakaramdan ka ng gutom, ibig sabihin hindi ka kumakain.
-
Diet culture, di ba?
-
At isa sa mga natutunan kong tanggapin ay ang gutom ay hindi masama,
-
kundi ito ay paraan ng katawan mo para makipag-usap sa'yo.
-
Hindi natin layunin na hindi na maramdaman ang mga senyales ng gutom at kabusugan
-
at talagang maganda na makontrol ang cravings
-
sa paraang hindi mo na nararamdaman ang mga matinding cravings na iyon.
-
Magkaiba ang 'hindi nararamdaman ang cravings'
-
at "talagang hindi na maramdaman ang gutom",
-
at kadalasang senyales ito na kailangan nating suriin muli
-
at muling kumonekta sa mga senyales ng katawan natin.
-
Pwede kong i-rekomenda na kumain sa loob ng unang dalawang oras mula sa paggising
-
at pagkatapos, tuwing tatlo hanggang apat na oras mula noon.
-
Pero isang batayan lamang iyon hanggang sa makabuo ka ng sarili mong mga pattern.
-
Napakasarap.
-
May mga pag-aaral na nagpapakita na ang pag-laan ng calories sa simula ng araw
-
o ang pagkain mo ng mas marami para sa pangangailangan mo sa enerhiya sa unang bahagi ng araw
-
ay talagang nakabubuti sa antas ng blood sugar at sa pag-regulate ng ganang kumain.
-
Personal kong napapansin na kapag mas maaga ang mga pagkain ko sa araw,
-
nakakapag-isip ako nang mas maayos
-
at mas masigla din ako para sa mga kailangan kong gawin.
-
Kaya bago ka magsimulang magtanggal ng mga pagkain,
-
simulan natin sa pag-aayos ng ating mga oras ng pagkain.
-
Ngayon, bago tayo magpatuloy sa mga susunod,
-
huwag kalimutang mag-subscribe.
-
Ipares ang carbs sa protina at fiber.
-
Paalala na hindi ko pagsasawaang ulitin—
-
hindi masama ang carbs.
-
[I-pares ang carbs sa protina at fiber.]
Ito'y pinagkukunan ng enerhiya.
-
[I-pares ang carbs sa protina at fiber.]
Masarap ito.
-
[I-pares ang carbs sa protina at fiber.]
Ito ang nagbibigay ng lakas sa atin.
-
Hindi ito isang bagay na dapat katakutan.
-
Pero ang isang bagay na alam natin ay
-
lahat ng carbs ay nagiging sugar.
-
"Ano?"
-
Pero hindi naman ganon kasama ang sugar.
-
Ang lahat ng carbohydrates, kapag naproseso na ng katawan mo,
-
ay nagiging 'glucose',
-
na sa teknikal na aspeto ay isang 'saccharide', na isang uri ng sugar.
-
Pero ito rin mismo ang gustong-gusto ng cells mo para gawing enerhiya.
-
Ang hinahanap natin ay mas stable na antas ng blood sugar,
-
mas maraming energy, at nakakabusog na pagkain.
-
Imbis na matakot sa carbohydrates,
-
mas mainam na ipares ito sa protina at fiber.
-
Isa sa mga pinakamalaking maling akala tungkol sa pagkontrol ng blood sugar
-
ay kailangan mong itigil ang pagkain ng carbs.
-
Pero ang basta lamang na pag-aalis ng carbs ay pansamantalang solusyon sa pangunahing problema,
-
na kung saan hindi alam ng iyong katawan kung paano ito iproseso.
-
Kaya kailangan nating ibigay ang tamang kondisyon
-
at solusyon para magawa ng katawan mo 'yun.
-
Kung basta mo lamang aalisin ang carbs,
-
oo, hindi tataas ang blood sugar mo.
-
Pero kapag kumain ka na ng carbs balang araw,
-
hindi na alam ng katawan mo kung anong gagawin nito.
-
Pero kung susundan natin ang isang estratehiyang magtuturo sa katawan natin
-
kung paano gamitin nang tama ang carbs,
-
at bibigyan ito ng tamang dami ng carbohydrates,
-
makikipagtulungan na ang katawan natin.
-
Pwede pa tayong gumawa ng isang buong video
-
na tumatalakay sa pag-balanse ang blood sugars mo kung gusto niyo.
-
Pansinin mo kapag kumain ka ng tinapay lang.
-
Kahit na ito ay magandang pagmulan ng enerhiya at maaaring ito'y masarap,
-
malamang na magugutom ka ulit pagkatapos ng mga 30 minuto hanggang isang oras.
-
At ito ay dahil habang nagbibigay ito sa atin ng enerhiya na kailangan natin,
-
ito ay mabilis pagkunan ng enerhiya.
-
Paano natin ito mapapabagal?
-
Sa pamamagitan ng pagpapares nito sa protina
-
at fiber.
-
Ang protina ay isa sa mga pinaka-nakakabusog na macronutrients
-
dahil ito ang pinakamahirap tunawin,
-
o pinaka-mabagal matunaw.
-
Ang ibig sabihin nito ay ang gastric emptying,
-
na siyang proseso ng pag-alis ng laman mula sa tiyan patungo sa bituka,
-
ay pinabagal.
-
Kaya mas matagal kang nakakaramdam ng kabusugan,
-
at bumabagal din ang paglabas ng carbohydrates sa iyong daluyan ng dugo.
-
Ang mga pinagmumulan ng protina ay ang manok,
-
baka,
-
baboy, pero mayroon ding mga plant-based sources
-
tulad ng tokwa,
-
legumes, lentils,
-
mani, at seeds,
-
at mayroon ding dairy at itlog.
-
Ngayon, ang fiber ay isang uri ng carbohydrate
-
na hindi kayang tunawin ng katawan mo,
-
kaya't ang kadalasang pinagmumulan ng fiber
-
ay pagmumulan rin ng carbohydrates.
-
Pero dahil hindi mo ito matutunaw,
-
mapapabagal din ang paglabas nito sa iyong daluyan ng dugo,
-
at makakatulong din ito para mas matagal kang busog.
-
Ang mga pinagmumulan ng fiber ay, siyempre, mga high-fiber carbohydrates,
-
prutas at gulay,
-
legumes at lentils,
-
at pati na rin mga mani at seeds.
-
Kaya ang pagpapares ng carbohydrates sa parehong protina
-
at fiber
-
ay talagang ang perpektong combination trio
-
para gawing mas nakakabusog ang mga pagkaing iyon,
-
pero nakakatulong pa rin sa mas mabuting pamamahala ng antas ng blood sugar,
-
na makakatulong sa atin na kontrolin ang pagtaas ng blood sugar at mga cravings.
-
May pagkain tayo dito;
-
kanin at creamy chicken
-
na may bell pepper at zucchini.
-
Hangga't maaari, sa mga meals at snacks,
-
sinisikap ko talaga na ipares ang mga carbohydrates
-
sa protina at fiber.
-
By the way, ayos lang naman na kumain ng carbs lamang,
-
pero hangga't maaari,
-
balansehin natin ito.
-
Kung may gusto kang kainin,
-
kainin mo na.
-
[Regular na kainin ang mga gusto mong kainin.]
-
Gagawa tayo ng s'mores. Matagal ko nang gusto nito
-
pero wala kami ng mga ingredients noon. Pero ngayon, meron na.
-
Tsokolate.
-
Marshmallow.
-
Graham.
-
Nilagay ko sa foil. Sana gumana ito.
-
Ito yung isa sa mga pahayag na nagbago ng relasyon ko sa pagkain:
-
"Lagi naman itong nandiyan bukas.
-
Gaano karami ba talaga ang gusto ko ngayon?"
-
Alam mo yung kapag matagal mo nang tinatanggihan ang isang pagkain na gusto mo,
-
tapos kapag bumigay ka na,
-
sobra-sobra ang nakakain mo.
-
Yan yung kadalasang nangyayari sa scarcity mindset,
-
kapag sinasabi natin sa sarili natin na hindi tayo puwedeng magkaroon ng isang bagay,
-
pero pag pinayagan mo na ang sarili mo,
-
parang all or nothing na.
-
Itong chocolate bar, halimbawa.
-
Iniisip mo siguro na hindi ka dapat kumain ng tsokolate buong linggo kasi masama ito.
-
Tapos pagdating ng weekend, mauuwi ka na lang sa pag-ubos ng buong bar
-
kasi gusto mo lang ng konti, o naging sobrang lala ng cravings mo
-
tapos, papasok na yung 'bahala na' mentality, yung tipong, 'Nakakain na rin ako ng isa,
-
edi ubusin ko na lang lahat!'
-
Ganon na ganon ako dati
-
sa lahat ng cravings ko.
-
Habang mas pinipigilan ko,
-
mas lalo lang nagiging matindi
-
at mas mahirap itong tigilan, kaya para akong naaadik o nahuhumaling.
-
Dati, sobrang naniniwala ako sa 'out of sight, out of mind.'
-
Kung hindi ko ito nakikita,
-
kaya ko siyang kontrolin
-
at wala namang magiging problema.
-
Pero bakit tuwing andyan na yung pagkain na yun,
-
mauuwi ako sa sobrang pagkain nito
-
hanggang sa di na ako komportable?
-
'Out of sight, out of mind' ay gumagana para sa iba,
-
pero kung andyan na ito sa paningin mo at parang nawawala ka sa isip mo,
-
ibig sabihin, hindi na ito gumagana.
-
Tapos, sinimulan kong kumain ng tsokolate,
-
isa o dalawang piraso araw-araw
-
para mapunan ang hilig ko sa matamis,
-
hanggang sa unti-unti ko nang hindi naiisip yung sweets.
-
Pwede kong kainin itong tsokolate ngayon,
-
pero pwede ko rin itong kainin mamaya,
-
bukas,
-
o kahit anong araw.
-
Walang mga patakaran. Walang mga paghihigpit.
-
Pwede kong matugunan ang craving ko.
-
At kahit nakakatakot at parang mawawalan ka ng kontrol,
-
malamang mangyayari yun sa simula,
-
pero sa katagalan,
-
matututo kang makinig sa katawan mo
-
kasi hindi na ito isang bagay na kailangan mong kainin agad-agad.
-
Isang bagay na ito na pwede mong namnamin at i-enjoy.
-
Ngayon, don't get me wrong.
-
Meron talaga tayong mga impulsive cravings,
-
kung saan nagso-scroll ka online at
-
bigla kang bumili ng isang buong kahon ng pizza, at saka mo lang naisip na hindi mo naman talaga gusto ng isang kahon ng pizza.
-
Pero bago tayo dumating sa puntong yun—
-
na kung kailan impulsive
-
at kung kailan talaga tunay na cravings ito—
-
kailangan muna nating payagan ang mga sarili natin
-
na matugunan yung mga cravings na yun.
-
Isang bagay na madalas nating hinahanap pagdating sa pagkain
-
ay ang pagpipilian,
-
at kung pakiramdam mo ay napipilitan kang tumanggi dahil sinasabi ng lahat na masama ang pagkain na ito
-
at hindi mo ito pwedeng kainin,
-
kadalasan, mas gugustuhin mo ito.
-
Pero kung may pagpipilian ka na sabihin ang 'hindi' dahil hindi mo naman ito gusto ngayon,
-
at puwede mo rin sabihin ang 'oo' kasi yun talaga ang gusto mo,
-
mas nagiging posible tanungin ang sarili mo
-
yung rason kung bakit mo gustong kunin ang pagkain na yun,
-
at nabibigyan mo ang sarili mo ng permiso na kainin ito
-
kung talagang gusto mo.
-
Ang paksa ng sugar addiction ay matagal nang pinag-uusapan sa scientific community.
-
at ang hirap talagang sukatin nito.
-
Kapag pinag-uusapan natin ang pagiging adik sa pagkain,
-
madalas ay tinutukoy natin ang mga sensasyon na nararamdaman natin—
-
yung mga neural pathways na nagliliwanag kapag kumakain tayo ng pagkaing malutong o matamis.
-
At oo, may dopamine effect talaga na nilalabas ang pagkain kapag kinakain natin ito.
-
Pero napakaraming bagay lang na kailangan nating isaalang-alang
-
pagdating sa sugar addiction;
-
mga impluwensyang sikolohikal, social, at environmental
-
na may malaking papel dito.
-
Kadalasan, ang pakiramdam na parang adik ka sa pagkain
-
ay konektado sa "food fixation"
-
o "food preoccupation".
-
Ito ay yung parang palagi mong naiisip ang pagkain
-
at hanggang sa wala ka nang ibang maisip.
-
At oo,
-
sa unang mga araw ng pagbibigay mo ng permiso sa sarili mo,
-
medyo mararamdaman mo na parang sumusobra ka.
-
Pero kailangan mong bigyan ang sarili mo ng oras para mahanap ulit ang balanse mo.
-
Ngayon, hindi ko sinasabing walang halaga ang nararamdaman mo
-
kung pakiramdam mo ay kinokontrol ka ng sugar.
-
Pero ang tawagin ang sugar na nakakaadik
-
ay madalas pinapasimple lang ang isang mas kumplikadong paksa
-
na may kinalaman sa likas na katangian ng pagpili ng pagkain
-
at mga emosyonal na koneksyon natin bilang tao sa pagkain.
-
Unawain kung ano nga ba ang ibig sabihin ng iyong cravings.
-
Nasaan na ba ito?
-
Ah, ayun pala!
-
[musika]
-
[Unawain kung bakit ka nagkakaroon ng cravings.]
-
[musika]
-
Ngayon na meron na akong matcha, puwede na tayong magpatuloy.
-
Isang bagay na gusto ko talagang bigyang diin ay madalas tayong sinasabihan na ang ating cravings
-
ay dapat nating katakutan,
-
na ito ay ating kahinaan.
-
Pero paano kung gawin natin itong lakas
-
upang mas makilala natin ng mabuti ang ating katawan?
-
Kaya't isang bagay na nakatulong sa akin ay ang masusing pagtingin
-
sa mga pagkakataon o pangunahing sandali
-
kung kailan ko madalas gustong kumain ng sugar.
-
Ilan sa mga natutunan ko ay madalas akong umaabot ng sugar kapag ako'y naiinip,
-
kapag ako'y pagod,
-
kapag ako'y emosyonal,
-
kapag ako'y malapit nang magka-regla,
-
kapag ako'y stressed,
-
kapag ako'y sobrang gutom,
-
kapag ang kinain kong pagkain ay hindi masarap,
-
kapag nagpalipas ako ng pagkain o meryenda sa araw na iyon,
-
o minsan naghahanap lang ako ng bago
-
o kapanapanabik sa araw na iyon.
-
Nalaman ko na hindi ito tungkol sa pag-iwas sa mga cravings mo
-
kundi higit sa pagtanggap sa mga ito.
-
Isang bagay na pwede nating pagtuunan ng pansin
-
ay kung kailan tayo madalas naghahanap ng sugar.
-
Ito ba ay kapag naiinip tayo?
-
Ito ba ay tuwing mga emosyonal na sandali?
-
Ito ba ay kapag nagpo-procrastinate tayo?
-
Kapag pagod tayo?
-
Kapag stressed tayo?
-
Kapag gutom tayo?
-
Kapag nakalimutan nating kumain o mag-snack?
-
Sobrang daming posibilidad, at iba-iba rin ito sa araw-araw.
-
Pero ang paraan para makahanap ng solusyon
-
ay una munang alamin kung ano talaga ang problema,
-
kapag ang pag-control sa sarili ay maaaring hindi talaga ang solusyon na kailangan mo.
-
Pero sa tingin ko, ang matcha talaga ang solusyon.
-
At sa huli,
-
maaaring napapagod ka nang marinig ito
-
pero hindi ako mapapagod na sabihin:
-
'Kailangan mong maging mahinahon sa sarili mo.'
-
Muli, ito ang pinakamahirap gawin kapag pinag-uusapan
-
ang kahit anong estratehiya upang maayos ang relasyon mo sa pagkain o sa katawan mo
-
dahil hindi tayo tinuruan na maging mabait sa ating sarili.
-
Kaya talagang nakalimutan na natin ang halaga ng pakikipagusap sa ating mga sarili.
-
Hindi lang ito tungkol sa disiplina at lakas ng loob.
-
Ito rin ay tungkol sa pag-unpack ng iyong relasyon sa pagkain
-
para maunawaan natin kung ano ang nangyayari.
-
Kasama na rin dito ang pagkilala sa iba pang pisyolohikal na bagay na nangyayari
-
na sinusubukan ng iyong katawan na ipahayag
-
na kailangan mong maunawaan.
-
Inabot ako ng taon para makarating sa puntong kapag may kaharap akong kahon ng mga donut,
-
hindi ko nararamdaman na parang kailangan kong kainin lahat ng dosena agad.
-
Ang pagtalo sa sugar cravings
-
ay hindi tungkol sa hindi pagkakaroon ng cravings.
-
Ito ay tungkol sa pag-alam kung saan ito nanggagaling
-
at kung paano ito matutugunan.
-
At ganyan natin matatalo ang ating sugar cravings,
-
hindi sa pamamagitan ng isa pang detox o paglinis,
-
kundi sa pag-unawa sa ating katawan
-
at pagbibigay dito ng regularidad.
-
Sana nakatulong sa'yo ang video na ito.
-
Kung oo, huwag kalimutang mag-subscribe
-
at bigyan ng thumbs up
-
dahil sobrang nakakatulong talaga 'yon.
-
Mag-comment ka rin sa baba kung ano pang mga gusto mong makita.
-
Hanggang sa susunod na video!
-
Lagi mong deserve kumain.
-
♪ Tapos na ang video ♪
-
♪ pero hindi ibig sabihin na kailangan mo nang umalis. ♪
-
♪ Pwede ka pa ring mag-subscribe ♪
-
♪ o manood ng isa pang video. ♪
-
Salamat sa panonood!