< Return to Video

How I Finally BEAT My SUGAR CRAVINGS

  • 0:00 - 0:01
    Sugar.
  • 0:01 - 0:02
    Sugar.
  • 0:02 - 0:03
    Sugar.
  • 0:03 - 0:04
    Nandiyan 'yan sa mga paborito nating snacks.
  • 0:04 - 0:06
    Kasama 'yan sa mga late-night cravings natin.
  • 0:06 - 0:09
    at parang ang hirap talagang tumigil.
  • 0:09 - 0:10
    I mean, lahat tayo dumaan na dyan.
  • 0:10 - 0:12
    Ang isang kagat ay nagiging sampu,
  • 0:12 - 0:13
    nagiging dalawampu,
  • 0:13 - 0:16
    at bago mo pa mapansin, ubos na ang laman ng plato mo
  • 0:16 - 0:17
    at puno ka na ng pagsisisi.
  • 0:17 - 0:18
    Kailangan mong magpigil.
  • 0:18 - 0:19
    Kailangan mong mas kontrolin.
  • 0:19 - 0:21
    Pero paano kung sabihin ko sa'yo
  • 0:21 - 0:24
    na yung pakiramdam na parang wala kang kotrol pagdating sa sugar
  • 0:24 - 0:26
    ay hindi dahil kulang ka sa lakas ng loob,
  • 0:26 - 0:30
    kundi baka may ibang gustong iparating ang katawan mo?
  • 0:30 - 0:32
    Ako si Jo. Isa akong dietitian
  • 0:32 - 0:35
    at matagal na akong nahirapan sa binge-eating.
  • 0:35 - 0:37
    Sinubukan ko na lahat ng diet at solusyon,
  • 0:37 - 0:41
    pero parang wala talagang gumagana dahil paulit-ulit na lang ako bumabalik sa parehong sitwasyon.
  • 0:41 - 0:47
    Matagal akong nakarating sa puntong kaya ko nang tumanggi.
  • 0:47 - 0:48
    Don't get me wrong.
  • 0:48 - 0:50
    Kumakain pa rin ako ng mga paborito kong sweets.
  • 0:50 - 0:54
    Pero di ako tumatanggi dahil sa takot, at nakakapagsabi din ako ng 'oo'
  • 0:54 - 0:56
    dahil sa kung ano ang gusto ko
  • 0:56 - 0:59
    at hindi lang dahil sa pakiramdam na parang kailangan ko ito.
  • 0:59 - 1:01
    Ngayon, kung ganito rin ang nararamdaman mo,
  • 1:01 - 1:02
    nasa tamang lugar ka
  • 1:02 - 1:06
    kasi sa video na ito, pag-uusapan natin ang mga estratehiya na ginawa ko
  • 1:06 - 1:10
    para sa wakas ay matalo ko ang aking sugar cravings.
  • 1:11 - 1:12
    Pero sandali.
  • 1:12 - 1:15
    Bago tayo mag-usap tungkol sa mga estratehiya na ito, sa tingin ko, mahalaga munang pag-usapan
  • 1:15 - 1:18
    kung bakit tayo nagkakaroon ng cravings sa sugar.
  • 1:18 - 1:20
    Isang 'food for thought'.
  • 1:20 - 1:25
    Ang totoo, ang cravings ay madalas na senyales na may gustong iparating sayo ang katawan mo.
  • 1:25 - 1:28
    Pero imbis na makinig, isinasantabi natin ito
  • 1:28 - 1:31
    at nagagalit na lang tayo sa sarili natin.
  • 1:32 - 1:35
    Ugh! Naubos ko na naman itong buong kahon ng cereal?
  • 1:35 - 1:38
    Ang palpak ko talaga. Wala akong kontrol.
  • 1:38 - 1:42
    Ngayon, ano kayang ibig sabihin kung nagkakaroon ka ng cravings sa sugar?
  • 1:42 - 1:45
    Dahil ba mahina ka? Dahil ba wala kang disiplina?
  • 1:45 - 1:47
    O baka may iba pang dahilan?
  • 1:47 - 1:50
    Ngayon, maraming posibleng dahilan pero narito ang ilan na gusto kong ibahagi.
  • 1:50 - 1:52
    Hindi tayo kumakain ng sapat.
  • 1:52 - 1:53
    "Ano?"
  • 1:53 - 1:57
    "Sigurado akong sobra akong kumain kaya naman lagi akong may cravings sa sugar."
  • 1:57 - 1:59
    Pero maaaring kabaligtaran ito.
  • 1:59 - 2:04
    Kapag may cravings ka, madalas na ito ay senyales ng katawan mo na kailangan mo ng pagkain.
  • 2:04 - 2:09
    Dahil hindi ka kumakain ng sapat, susubukan ng katawan mong ipaalam sa'yo na kumain ka ng tama
  • 2:09 - 2:13
    sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga signal na kumain ka ng mataas ang calories
  • 2:13 - 2:15
    o mga pagkain na mayaman sa sugar
  • 2:15 - 2:18
    dahil ang mga ito ay madadaling pagmulan ng enerhiya.
  • 2:18 - 2:22
    Isa pang posibleng dahilan ay baka hindi ka kumakain ng sapat na carbohydrates.
  • 2:22 - 2:26
    Karaniwan tayong sinasabihan na kung nagkakaroon ka ng cravings sa carbs, ibig sabihin ay sobra ka nang kumakain ng carbs.
  • 2:26 - 2:30
    Pero sa totoo lang, maaaring senyales ito na hindi ka kumakain ng sapat na carbohydrates,
  • 2:30 - 2:32
    at katulad ng sinabi natin kanina tungkol sa hindi pagkain ng sapat,
  • 2:32 - 2:36
    kung hindi mo kinakain ang pangunahing pinagkukunan mo ng enerhiya
  • 2:36 - 2:37
    hahanapin ito ng katawan mo,
  • 2:37 - 2:43
    na madalas nagiging dahilan ng cravings mo sa mga masasarap na pagkain na mataas sa sugar.
  • 2:43 - 2:44
    Kaugnay niyan,
  • 2:44 - 2:47
    maaaring may kinalaman din ito sa blood sugar.
  • 2:47 - 2:49
    Meron tayong hormone na tinatawag na 'insulin'
  • 2:49 - 2:54
    na siyang nagdadala ng sugars na kinokonsumo natin sa mga cells
  • 2:54 - 2:56
    para magamit ito.
  • 2:56 - 2:59
    Parang susi ito sa pinto ng cells.
  • 2:59 - 3:04
    Kadalasan, ang problema sa blood sugar ay insulin resistance,
  • 3:04 - 3:07
    ibig sabihin, kahit gaano pa karaming insulin na ginagawa ng katawan mo,
  • 3:07 - 3:10
    hindi pa rin nito nagagawa ang trabaho nito.
  • 3:10 - 3:15
    Ibig sabihin, ang sugar na kinokonsumo mo ay hindi talaga napupunta sa mga cells na nangangailangan nito,
  • 3:15 - 3:20
    at iniisip ng katawan mo na hindi ka nakakakain ng carbs o sugar
  • 3:20 - 3:24
    kaya patuloy itong nagpapadala ng mga signal para gustuhin mo pa ito.
  • 3:24 - 3:28
    Kaya kung meron kang PCOS o diabetes at lagi kang nagkakaroon ng cravings sa carbs,
  • 3:28 - 3:29
    kadalasan ito ang dahilan.
  • 3:29 - 3:34
    Isa pa ay ang dami ng mga mahigpit na patakaran.
  • 3:34 - 3:36
    Kapag mas marami kang inilalagay na patakaran patungkol sa pagkain,
  • 3:36 - 3:39
    mas lalo mo itong naiisip
  • 3:39 - 3:41
    at mas lalo mo itong gustong kainin.
  • 3:41 - 3:45
    Tulad nung ako at mga kapatid ko, sinubukan namin ang 30-day no-sugar challenge
  • 3:45 - 3:49
    pero pagkatapos ng ika-31 na araw, kinain namin lahat ng sugar na hindi namin nakain,
  • 3:49 - 3:50
    at higit pa.
  • 3:50 - 3:54
    Kaya kahit iniisip mo na ang paggawa ng bagong diet ay ang pinakamagandang paraan,
  • 3:54 - 3:56
    baka bumaliktad lang ang epekto nito.
  • 3:56 - 4:00
    [music]
  • 4:00 - 4:04
    Isa sa pinakamalaking dahilan ng walang katapusang sugar cravings
  • 4:04 - 4:06
    ay ang hindi pagkain ng sapat.
  • 4:06 - 4:08
    Kaya kailangan mong ihanda ang sarili mo para magtagumpay
  • 4:08 - 4:11
    sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pare-parehong oras ng pagkain.
  • 4:11 - 4:16
    [music]
  • 4:16 - 4:21
    Dati sobrang takot akong kumain kaya pinipigilan ko ang gutom ko hangga’t kaya ko,
  • 4:21 - 4:24
    o kaya'y kumakain lang ako kapag sobrang gutom na ako.
  • 4:24 - 4:27
    Pero maiisip mo na kapag mas gutom ka,
  • 4:27 - 4:29
    mas napaparami rin ang kain mo
  • 4:29 - 4:32
    dahil mas mahirap punan ang gutom
  • 4:32 - 4:34
    kapag nasa sobrang tindi na ito.
  • 4:34 - 4:38
    Nabanggit ko na ito sa mga nakaraang videos pero dati, sobrang takot akong kumain ng almusal
  • 4:38 - 4:40
    sa puntong pinapalampas ko ito,
  • 4:40 - 4:45
    tapos napansin ko na pagkatapos ng tanghalian, parang gusto kong kumain ng snacks, parang gusto kong tikman lahat ng pagkain,
  • 4:45 - 4:49
    at nung nagsimula akong magkaroon ng mas regular na oras ng pagkain,
  • 4:49 - 4:50
    nawala na ‘yun.
  • 4:50 - 4:55
    Ang pare-parehong oras ng pagkain ay nakakatulong din sa paglaan ng calories natin sa simula ng araw,
  • 4:55 - 4:59
    na nakakatulong sa pag-regulate ng ating blood sugar at gana sa pagkain.
  • 4:59 - 5:05
    Madalas itinuturo sa atin na ang gutom ay masama at dapat itong pigilan hangga't maaari,
  • 5:05 - 5:08
    o ang gutom ay mabuti
  • 5:08 - 5:11
    kasi kung nakakaramdan ka ng gutom, ibig sabihin hindi ka kumakain.
  • 5:11 - 5:13
    Diet culture, di ba?
  • 5:13 - 5:18
    At isa sa mga natutunan kong tanggapin ay ang gutom ay hindi masama,
  • 5:18 - 5:21
    kundi ito ay paraan ng katawan mo para makipag-usap sa'yo.
  • 5:21 - 5:25
    Hindi natin layunin na hindi na maramdaman ang mga senyales ng gutom at kabusugan
  • 5:25 - 5:28
    at talagang maganda na makontrol ang cravings
  • 5:28 - 5:32
    sa paraang hindi mo na nararamdaman ang mga matinding cravings na iyon.
  • 5:32 - 5:34
    Magkaiba ang 'hindi nararamdaman ang cravings'
  • 5:34 - 5:37
    at "talagang hindi na maramdaman ang gutom",
  • 5:37 - 5:40
    at kadalasang senyales ito na kailangan nating suriin muli
  • 5:40 - 5:43
    at muling kumonekta sa mga senyales ng katawan natin.
  • 5:43 - 5:46
    Pwede kong i-rekomenda na kumain sa loob ng unang dalawang oras mula sa paggising
  • 5:46 - 5:49
    at pagkatapos, tuwing tatlo hanggang apat na oras mula noon.
  • 5:49 - 5:53
    Pero isang batayan lamang iyon hanggang sa makabuo ka ng sarili mong mga pattern.
  • 5:54 - 5:55
    Napakasarap.
  • 5:55 - 5:59
    May mga pag-aaral na nagpapakita na ang pag-laan ng calories sa simula ng araw
  • 5:59 - 6:03
    o ang pagkain mo ng mas marami para sa pangangailangan mo sa enerhiya sa unang bahagi ng araw
  • 6:03 - 6:07
    ay talagang nakabubuti sa antas ng blood sugar at sa pag-regulate ng ganang kumain.
  • 6:07 - 6:11
    Personal kong napapansin na kapag mas maaga ang mga pagkain ko sa araw,
  • 6:11 - 6:13
    nakakapag-isip ako nang mas maayos
  • 6:13 - 6:16
    at mas masigla din ako para sa mga kailangan kong gawin.
  • 6:16 - 6:19
    Kaya bago ka magsimulang magtanggal ng mga pagkain,
  • 6:19 - 6:22
    simulan natin sa pag-aayos ng ating mga oras ng pagkain.
  • 6:22 - 6:24
    Ngayon, bago tayo magpatuloy sa mga susunod,
  • 6:24 - 6:25
    huwag kalimutang mag-subscribe.
  • 6:25 - 6:27
    Ipares ang carbs sa protina at fiber.
  • 6:27 - 6:30
    Paalala na hindi ko pagsasawaang ulitin—
  • 6:30 - 6:32
    hindi masama ang carbs.
  • 6:32 - 6:33
    Ito'y pinagkukunan ng enerhiya.
  • 6:33 - 6:34
    Masarap ito.
  • 6:34 - 6:36
    Ito ang nagbibigay ng lakas sa atin.
  • 6:36 - 6:38
    Hindi ito isang bagay na dapat katakutan.
  • 6:38 - 6:40
    Pero ang isang bagay na alam natin ay
  • 6:40 - 6:42
    lahat ng carbs ay nagiging sugar.
  • 6:42 - 6:43
    "Ano?"
  • 6:43 - 6:46
    Pero hindi naman masama ang sugar.
  • 6:46 - 6:49
    Ang lahat ng carbohydrates, kapag naproseso na ng katawan mo,
  • 6:49 - 6:51
    ay nagiging 'glucose',
  • 6:51 - 6:55
    na sa teknikal na aspeto ay isang 'saccharide', na isang uri ng sugar.
  • 6:55 - 6:58
    Pero ito rin mismo ang gustong-gusto ng cells mo para gawing enerhiya.
  • 6:58 - 7:00
    Ang hinahanap natin ay mas stable na antas ng blood sugar,
  • 7:00 - 7:03
    mas maraming energy, at nakakabusog na pagkain.
  • 7:03 - 7:05
    Imbis na matakot sa carbohydrates,
  • 7:05 - 7:09
    mas mainam na ipares ito sa protina at fiber.
  • 7:09 - 7:13
    Isa sa mga pinakamalaking maling akala tungkol sa pagkontrol ng blood sugar
  • 7:13 - 7:15
    ay kailangan mong itigil ang pagkain ng carbs.
  • 7:15 - 7:20
    Pero ang basta lamang na pag-aalis ng carbs ay pansamantalang solusyon sa pangunahing problema,
  • 7:20 - 7:25
    na kung saan hindi alam ng iyong katawan kung paano ito iproseso.
  • 7:25 - 7:28
    Kaya kailangan nating ibigay ang tamang kondisyon
  • 7:28 - 7:31
    at solusyon para magawa ng katawan mo 'yun.
  • 7:31 - 7:33
    Kung basta mo lamang aalisin ang carbs,
  • 7:33 - 7:34
    oo, hindi tataas ang blood sugar mo.
  • 7:34 - 7:37
    Pero kapag kumain ka na ng carbs balang araw,
  • 7:37 - 7:39
    hindi na alam ng katawan mo kung anong gagawin nito.
  • 7:39 - 7:42
    Pero kung susundan natin ang isang estratehiyang magtuturo sa katawan natin
  • 7:42 - 7:45
    kung paano gamitin nang tama ang carbs,
  • 7:45 - 7:47
    at bibigyan ito ng tamang dami ng carbohydrates,
  • 7:47 - 7:50
    makikipagtulungan na ang katawan natin.
  • 7:50 - 7:52
    Pwede pa tayong gumawa ng isang buong video
  • 7:52 - 7:55
    na tumatalakay sa pag-balanse ang blood sugars mo kung gusto niyo.
  • 7:55 - 7:58
    Pansinin mo kapag kumain ka ng tinapay lang.
  • 7:58 - 8:02
    Kahit na ito ay magandang pagmulan ng enerhiya at maaaring ito'y masarap,
  • 8:02 - 8:07
    malamang na magugutom ka ulit pagkatapos ng mga 30 minuto hanggang isang oras.
  • 8:07 - 8:10
    At ito ay dahil habang nagbibigay ito sa atin ng enerhiya na kailangan natin,
  • 8:10 - 8:12
    ito ay mabilis pagkunan ng enerhiya.
  • 8:12 - 8:14
    Paano natin ito mapapabagal?
  • 8:14 - 8:16
    Sa pamamagitan ng pagpapares nito sa protina
  • 8:16 - 8:17
    at fiber.
  • 8:17 - 8:20
    Ang protina ay isa sa mga pinaka-nakakabusog na macronutrients
  • 8:20 - 8:22
    dahil ito ang pinakamahirap tunawin,
  • 8:22 - 8:23
    o pinaka-mabagal matunaw.
  • 8:23 - 8:26
    Karaniwan, ang ibig sabihin nito ay ang gastric emptying,
  • 8:26 - 8:30
    na siyang proseso ng pag-alis ng laman mula sa tiyan patungo sa bituka,
  • 8:30 - 8:31
    ay pinabagal.
  • 8:31 - 8:35
    Kaya mas matagal kang nakakaramdam ng kabusugan,
  • 8:35 - 8:39
    at bumabagal din ang paglabas ng carbohydrates sa iyong daluyan ng dugo.
  • 8:39 - 8:41
    Ang mga pinagmumulan ng protina ay ang manok,
  • 8:41 - 8:42
    baka,
  • 8:42 - 8:45
    baboy, pero mayroon ding mga plant-based sources
  • 8:45 - 8:45
    tulad ng tokwa,
  • 8:45 - 8:47
    legumes, lentils,
  • 8:47 - 8:48
    mani, at seeds,
  • 8:48 - 8:50
    at mayroon ding dairy at itlog.
  • 8:50 - 8:52
    Ngayon, ang fiber ay isang uri ng carbohydrate
  • 8:52 - 8:54
    na hindi kayang tunawin ng katawan mo,
  • 8:54 - 8:57
    kaya't ang kadalasang pinagmumulan ng fiber
  • 8:57 - 8:59
    ay pagmumulan rin ng carbohydrates.
  • 8:59 - 9:01
    Pero dahil hindi mo ito matutunaw,
  • 9:01 - 9:04
    mapapabagal din ang paglabas nito sa iyong daluyan ng dugo,
  • 9:04 - 9:07
    at makakatulong din ito para mas matagal kang busog.
  • 9:07 - 9:10
    Ang mga pinagmumulan ng fiber ay, siyempre, mga high-fiber carbohydrates,
  • 9:10 - 9:12
    prutas at gulay,
  • 9:12 - 9:14
    legumes at lentils,
  • 9:14 - 9:15
    at pati na rin mga mani at seeds.
  • 9:15 - 9:19
    Kaya ang pagpapares ng carbohydrates sa parehong protina
  • 9:19 - 9:20
    at fiber
  • 9:20 - 9:24
    ay talagang ang perpektong combination trio
  • 9:24 - 9:26
    para gawing mas nakakabusog ang mga pagkaing iyon,
  • 9:26 - 9:30
    pero nakakatulong pa rin sa mas mabuting pamamahala ng antas ng blood sugar,
  • 9:30 - 9:33
    na makakatulong sa atin na kontrolin ang pagtaas ng blood sugar at mga cravings.
  • 9:33 - 9:35
    May pagkain tayo dito;
  • 9:35 - 9:37
    kanin at creamy chicken
  • 9:37 - 9:38
    na may bell pepper at zucchini.
  • 9:38 - 9:40
    Hangga't maaari, sa mga meals at snacks,
  • 9:40 - 9:43
    sinisikap ko talaga na ipares ang mga carbohydrates
  • 9:43 - 9:45
    sa protina at fiber.
  • 9:45 - 9:47
    By the way, ayos lang naman na kumain ng carbs lamang,
  • 9:47 - 9:49
    pero hangga't maaari,
  • 9:49 - 9:50
    balansehin natin ito.
  • 9:51 - 9:52
    Kung may gusto kang kainin,
  • 9:52 - 9:53
    kainin mo na.
  • 9:56 - 10:00
    Gagawa tayo ng s'mores. Matagal ko nang gusto nito
  • 10:00 - 10:02
    pero wala kami ng mga ingredients noon. Pero ngayon, meron na.
  • 10:02 - 10:03
    Tsokolate.
  • 10:03 - 10:04
    Marshmallow.
  • 10:04 - 10:05
    Graham.
  • 10:05 - 10:08
    Nilagay ko sa foil. Sana gumana ito.
  • 10:09 - 10:13
    Ito yung isa sa mga pahayag na nagbago ng relasyon ko sa pagkain:
  • 10:13 - 10:15
    "Lagi naman itong nandiyan bukas.
  • 10:15 - 10:19
    Gaano karami ba talaga ang gusto ko ngayon?"
  • 10:19 - 10:21
    Alam mo yung kapag matagal mo nang tinatanggihan ang isang pagkain na gusto mo,
  • 10:21 - 10:24
    tapos kapag bumigay ka na,
  • 10:24 - 10:26
    sobra-sobra ang nakakain mo.
  • 10:26 - 10:29
    Yan yung kadalasang nangyayari sa scarcity mindset,
  • 10:29 - 10:31
    kapag sinasabi natin sa sarili natin na hindi tayo puwedeng magkaroon ng isang bagay,
  • 10:31 - 10:33
    pero pag pinayagan mo na ang sarili mo,
  • 10:33 - 10:35
    parang all or nothing na.
  • 10:37 - 10:39
    Itong chocolate bar, halimbawa.
  • 10:39 - 10:44
    Iniisip mo siguro na hindi ka dapat kumain ng tsokolate buong linggo kasi masama ito.
  • 10:44 - 10:47
    Tapos pagdating ng weekend, mauuwi ka na lang sa pag-ubos ng buong bar
  • 10:47 - 10:51
    kasi gusto mo lang ng konti, o naging sobrang lakas ng cravings mo
  • 10:51 - 10:54
    tapos, papasok na yung 'bahala na' mentality, yung tipong, 'Nakakain na rin ako ng isa,
  • 10:54 - 10:56
    edi ubusin ko na lang lahat!'
  • 10:56 - 10:58
    Ganon na ganon ako dati
  • 10:58 - 11:00
    sa lahat ng cravings ko.
  • 11:00 - 11:01
    Habang mas pinipigilan ko,
  • 11:01 - 11:02
    mas lalo lang nagiging matindi
  • 11:02 - 11:07
    at mas mahirap itong tigilan, kaya para akong naaadik o nahuhumaling.
  • 11:07 - 11:11
    Dati, sobrang naniniwala ako sa 'out of sight, out of mind.'
  • 11:11 - 11:12
    Kung hindi ko ito nakikita,
  • 11:12 - 11:14
    kaya ko siyang kontrolin
  • 11:14 - 11:15
    at wala namang magiging problema.
  • 11:15 - 11:19
    Pero bakit tuwing andyan na yung pagkain na yun,
  • 11:19 - 11:23
    mauuwi ako sa sobrang pagkain nito
  • 11:23 - 11:25
    hanggang sa di na ako komportable?
  • 11:25 - 11:27
    'Out of sight, out of mind' ay gumagana para sa iba,
  • 11:27 - 11:30
    pero kung andyan na ito sa paningin mo at parang nawawala ka sa isip mo,
  • 11:30 - 11:32
    ibig sabihin, hindi na ito gumagana.
  • 11:32 - 11:35
    Tapos, sinimulan kong kumain ng tsokolate,
  • 11:35 - 11:36
    isa o dalawang piraso araw-araw
  • 11:36 - 11:38
    para mapunan ang hilig ko sa matamis,
  • 11:38 - 11:43
    hanggang sa unti-unti ko nang hindi naiisip yung sweets.
  • 11:43 - 11:44
    Pwede kong kainin itong tsokolate ngayon,
  • 11:44 - 11:46
    pero pwede ko rin itong kainin mamaya,
  • 11:46 - 11:47
    bukas,
  • 11:47 - 11:48
    o kahit anong araw.
  • 11:48 - 11:51
    Walang mga patakaran. Walang mga paghihigpit.
  • 11:51 - 11:53
    Pwede kong matugunan ang craving ko.
  • 11:53 - 11:57
    At kahit nakakatakot at parang mawawalan ka ng kontrol,
  • 11:57 - 11:59
    malamang mangyayari yun sa simula,
  • 11:59 - 12:00
    pero sa katagalan,
  • 12:00 - 12:03
    matututo kang makinig sa katawan mo
  • 12:03 - 12:06
    kasi hindi na ito isang bagay na kailangan mong kainin agad-agad.
  • 12:06 - 12:09
    Isang bagay na ito na pwede mong namnamin at i-enjoy.
  • 12:09 - 12:09
    Ngayon, don't get me wrong.
  • 12:09 - 12:11
    Meron talaga tayong mga impulsive cravings,
  • 12:11 - 12:13
    kung saan nagso-scroll ka online at
  • 12:13 - 12:17
    bigla kang bumili ng isang buong kahon ng pizza, at saka mo lang naisip na hindi mo naman talaga gusto ng isang kahon ng pizza.
  • 12:17 - 12:19
    Pero bago tayo dumating sa puntong yun—
  • 12:19 - 12:21
    na kung kailan impulsive
  • 12:21 - 12:22
    at kung kailan talaga tunay na cravings ito—
  • 12:22 - 12:24
    kailangan muna nating payagan ang mga sarili natin
  • 12:24 - 12:26
    na matugunan yung mga cravings na yun.
  • 12:26 - 12:30
Title:
How I Finally BEAT My SUGAR CRAVINGS
Description:

more » « less
Video Language:
English
Duration:
17:34

Tagalog subtitles

Revisions Compare revisions