< Return to Video

Hiwa K: "The Bell Project" | Art21 "Extended Play"

  • 0:04 - 0:06
    [tunog ng kampana]
  • 0:08 - 0:11
    [Hiwa K: "The Bell Project"]
  • 0:12 - 0:19
    [tunog ng kampana]
  • 0:19 - 0:21
    Ayoko ng mga mamahaling
    likhang sining.
  • 0:23 - 0:27
    Kesa gumastos ng walumpung libong Euros,
  • 0:27 - 0:30
    kaya mo ng matulungan ang
    maraming pamilya sa Iraq o Africa
  • 0:31 - 0:32
    o sa ibang bansa.
  • 0:33 - 0:36
    Hindi kaya ng konsensiya ko
    gumastos ng malaki sa "The Bell Project"
  • 0:38 - 0:41
    - Galing ito sa Amerika. Parte ng bahay,
    sasakyan at iba pa.
  • 0:41 - 0:44
    Ito ay parte ng kanilang mga
    sasakyan.
  • 0:44 - 0:47
    Ito naman ay mga tubo galing
    sa mga bahay.
  • 0:47 - 0:51
    Ito sa pananggalang ng sasakyan
    pang militar ng Amerika.
  • 0:51 - 0:53
    At iyon din.
  • 0:53 - 0:56
    Yung tumpok na yun ay galing din
    sa militar ng Amerika.
  • 0:57 - 1:01
    Yung mga sandata na galing sa halos lahat
    ng bansa dinadala dito.
  • 1:01 - 1:03
    Dinadala nila dito sa akin.
  • 1:03 - 1:05
    May kasamahan ako sa trabaho.
  • 1:05 - 1:06
    Ang pangalan niya ay Nazhad,
  • 1:06 - 1:09
    isang negosyante galing Iraq
    na siyang tumutunaw sa mga armas.
  • 1:09 - 1:12
    May kontrata siya sa sundalo ng Amerika.
  • 1:13 - 1:15
    Kinokolekta niya lahat ng klase
    ng mga armas.
  • 1:15 - 1:18
    [tunog ng mga bakal]
  • 1:18 - 1:21
    Tinutunaw niya tapos ginagawang
    mga bato.
  • 1:22 - 1:23
    Inaayos niya ito.
  • 1:24 - 1:25
    Sa bawat kategorya.
  • 1:25 - 1:26
    Saan galing.
  • 1:26 - 1:28
    Kailan naibenta sa Iraq.
  • 1:28 - 1:29
    At ng alin bansa.
  • 1:29 - 1:32
    - Mahigit 40 bansa ang nagbebenta
    ng armas sa Iraq at Iran.
  • 1:32 - 1:33
    Sa pagkakatanda ko
  • 1:33 - 1:34
    Amerika,
  • 1:34 - 1:35
    Italy,
  • 1:35 - 1:36
    Germany,
  • 1:36 - 1:38
    Japan,
  • 1:38 - 1:39
    China at iba pa..
  • 1:39 - 1:41
    Pati ibang mauunlad na bansa.
  • 1:41 - 1:42
    Pati ang Turkey.
  • 1:42 - 1:44
    Hindi ko na maalala ang iba pa.
  • 1:44 - 1:49
    Karamihan ay nagbebenta ng armas
    sa Iraq at Iran ng magkasabay.
  • 1:51 - 1:53
    - Lahat ng armas ay gawa sa Kanluran
  • 1:53 - 1:56
    at pinapadala dito sa bansa namin.
  • 1:56 - 2:01
    At si Nazhad ay tinutunaw ito sa iba-ibang
    hugis at itsura.
  • 2:09 - 2:13
    - Ito ang mga materyales galing
    kay Nazhad.
  • 2:13 - 2:17
    Ngayon pag-aaralan namin ito sa
    laboratoryo
  • 2:17 - 2:24
    para malaman ang kung gaano ito kapuro
    at hindi ito makakasama
  • 2:24 - 2:28
    dahil galing ito sa bansang may giyera
    at hindi natin alam kung ito'y mapanganib.
  • 2:28 - 2:35
    Lahat ay nandito na, 300 kilo,
    sakto sa kailangan natin para sa kampana.
  • 2:39 - 2:42
    - Sa Europa, tinutunaw nila ang kampana
    para gawin armas.
  • 2:43 - 2:47
    Napakaraming kampana ang tinutunaw para
    makagawa ng armas.
  • 2:47 - 2:50
    Kaya iniisip ko kung sapat na ang
    mga materyales,
  • 2:50 - 2:53
    at kung paano namin ito mababaligtad
    ng proseso
  • 2:53 - 2:55
    at magawa ito sa ibang paraan--
  • 2:55 - 2:57
    at makagawa ulit ng kampana.
  • 2:57 - 3:00
    [inaudible]
  • 3:03 - 3:05
    Ang kampana na ito ay
    napakasimple.
  • 3:08 - 3:10
    Yung pag gawa ay napakadali.
  • 3:10 - 3:12
    At iyon yung gusto ko.
  • 3:12 - 3:14
    Kung gusto ko itong
    proyekto na ito,
  • 3:14 - 3:15
    kung tinanggap ko ito,
  • 3:15 - 3:16
    iyon lang yung dahilan ko.
  • 3:17 - 3:21
    Bilang isang artist,
    palagi natin sinasabi sa sarili,
  • 3:21 - 3:23
    mahirap itong ginagawa natin
  • 3:23 - 3:25
    at hindi kaya ng mga ordinaryong tao.
  • 3:27 - 3:28
    At iyon yung problema
    sa isang obra.
  • 3:31 - 3:33
    Madalas ako magtanong sa iba
  • 3:33 - 3:34
    at ang sagot nila,
  • 3:34 - 3:36
    Sorry hndi ako pumupunta ng museo
    o mga eksibit.
  • 3:36 - 3:39
    Ako din hindi pumupunta ng mga eksibit
    o museo,
  • 3:39 - 3:42
    dahil para sa akin hindi
    ganoon obra ang bagay sa akin.
  • 3:42 - 3:43
    Medyo mahirap para sa akin.
  • 3:45 - 3:48
    Kaya nasasabi ko na may pagmamahal
    ako sa kaalaman.
  • 3:48 - 3:50
    At hindi ang relasyon sa kaalaman.
  • 3:51 - 3:55
    Dahil ayoko masobrahan ang obra ko
    sa pilosopiya.
  • 3:56 - 3:57
    Kada 1 o 2 taon umuuwi ako,
  • 3:58 - 4:01
    gumagawa ako ng isang presentasyon
    sa pamilya ko ng mga obra ko.
  • 4:01 - 4:04
    Kapag naunawaan ng nanay ko, masaya ako.
  • 4:04 - 4:06
    Alam ko kapag naunawaan ng iba.
  • 4:07 - 4:09
    Kaya gusto ko ang pagiging simple.
  • 4:10 - 4:11
    Sa tingin ko, iyon ang kailangan ko.
Title:
Hiwa K: "The Bell Project" | Art21 "Extended Play"
Description:

more » « less
Video Language:
English
Team:
Art21
Project:
"Extended Play" series
Duration:
04:23

Filipino subtitles

Revisions