Ngayong natutunan mo na
kung paano gamitin ang Sprite Lab, gugustuhin
mong mag-react ang programa mo
kapag may naglalaro nito.
Upang gawin iyon, gagamit ka ng "events".
Ang isang "event" ay nagsasabi sa programa
mo na makinig
para may mangyari
at pagkatapos ay mag-react agad agad.
Ang ilang mga halimbawa ng "events" ay
pakikinig sa pagklick ng mouse,
pagpindot sa arrow button,
o pag-tap sa screen.
Ang hitsurang mga block kapag klinik ay
tinatawag na "event blocks"
Ang code na konektado sa isang "event block"
ay gumagana
kapag natuklasan ang naaangkop na aksyon.
Halimbawa,
kung i-attach ko itong "say block" sa
"when clicked event",
magsasabi ng bagay ang sprite ko
kapag nag-click
o nag-tap ang user dito.
Pansinin na ang "event blocks" ay hindi
nagii-snap sa iyong pangunahing programa.
Sa halip, gumagawa sila ng
sarili nilang maliliit na programa.
Kung may marami kang sprites,
maaari kang gumamit ng mga karagdagang events
upang makapagkuwento ng isang interaktibong storya.
Hello, Pizza!
Abukado, ang aking kaibigan!
Matutunan mo rin
kung paano gumawa ng higit pa sa Sprite Lab,
kabilang ang pagbabago ng laki
o hitsura ng isang sprite,
pag-set ng ibang mga background, pagpapatugtog
ng mga tunog, at marami pang iba.
Ano ang gusto mong gawin ng mga sprite mo
kapag may nakipag-interact sa kanila?
Nasasaiyo yan.