1 00:00:10,920 --> 00:00:13,200 Kumusta, ako si Madison Maxey. 2 00:00:13,260 --> 00:00:15,520 May kompanya akong tinatawag na Loomia, 3 00:00:15,520 --> 00:00:20,940 at nagtutuon kami sa paggawa ng mga matalinong fabric para sa matalinong pananamit at matalinong malambot na mabuting produkto. 4 00:00:21,960 --> 00:00:24,580 Walang limitasyon pagdating sa mga textile. 5 00:00:25,160 --> 00:00:28,920 Ako si Danielle Applestone at ako ang CEO ng Othermachine Company. 6 00:00:31,540 --> 00:00:34,260 Gumagawa kami ng desktop milling machine. 7 00:00:34,260 --> 00:00:41,320 Ang isang milling machine ay gumagamit ng rotating cutting tool at pinagagalaw nito ito sa materyal upang lumikha ng 3D object. 8 00:00:42,540 --> 00:00:46,580 Sa ilalim ng hood, ginagawa ng lahat ng computer ang parehong apat na basic na bagay. 9 00:00:46,580 --> 00:00:48,160 Nag-i-input sila ng impormasyon, 10 00:00:48,160 --> 00:00:50,740 nag-iimbak at nagpoproseso ng impormasyon, 11 00:00:50,740 --> 00:00:52,880 at saka nag-a-output ng impormasyon. 12 00:00:53,399 --> 00:00:56,899 Bawat isa sa mga bagay na ito ay ginagawa ng naiibang bahagi ng computer. 13 00:00:57,440 --> 00:01:04,540 May mga input device na kinukuha ang input sa labas at kinukumberte ito sa binary na impormasyon. 14 00:01:04,860 --> 00:01:08,040 May memorya upang iimbak ang impormasyong ito. 15 00:01:08,120 --> 00:01:12,000 May central processing unit o CPU, 16 00:01:12,000 --> 00:01:14,540 kung saan lahat ng mga kalkulasyon ay ginagawa. 17 00:01:14,600 --> 00:01:21,180 At, panghuli, may mga output na device na kumukuha ng impormasyon at kinokumberte ito sa pisikal na output. 18 00:01:22,100 --> 00:01:24,100 Pag-usapan natin muna ang input. 19 00:01:24,500 --> 00:01:30,460 Gumagamit ang mga computer ng maraming iba't ibang uri ng input, tulad ng keyboard ng computer, ang touchpad ng isang telepono, 20 00:01:30,840 --> 00:01:33,400 isang camera, isang mikropono, o GPS. 21 00:01:33,930 --> 00:01:39,379 Pero kahit na ang mga sensor sa isang kotse, thermostat o drone ay iba't iba ring input device. 22 00:01:40,200 --> 00:01:45,619 Ngayon, tingnan natin ang simpleng halimbawa kung paano nagbibiyahe ang input sa isang computer at nagiging output. 23 00:01:47,100 --> 00:01:53,419 Kapag pinindot mo ang isang key sa keyboard mo - sabihin nating titik "B". Kinokumberte ng keyboard ang titik sa isang numero. 24 00:01:54,000 --> 00:01:58,430 Ipinapadala ang numerong iyan bilang binary, mga isa at sero, sa computer. 25 00:02:00,380 --> 00:02:05,460 Simula sa numerong ito, kinakalkula ng CPU kung paano ipapakita ang titik "B" sa bawat pixel. 26 00:02:06,000 --> 00:02:11,440 Humihiling ang CPU ng mga tagubilin batay sa mga hakbang mula sa memorya, na nagsasabi dito kung paano gumuhit ng titik "B". 27 00:02:12,000 --> 00:02:16,729 Pinatatakbo ng CPU ang mga tagubiling ito at iniimbak ang mga resulta bilang mga pixel sa memorya. 28 00:02:18,500 --> 00:02:22,329 Panghuli, ang impormasyon sa pixel na ito ay ipinapadala bilang binary sa screen. 29 00:02:22,640 --> 00:02:29,520 Ang screen ay isang output device na kinokumberte ang mga binary signal sa mga maliit na ilaw at kulay na bumubuo sa nakikita mo. 30 00:02:32,140 --> 00:02:36,420 Lahat ng ito ay nangyayari nang napakabilis na para bang instant, 31 00:02:36,420 --> 00:02:42,220 pero upang ipakita ang bawat titik pinatatakbo ng computer ang libu-libong tagubilin, 32 00:02:42,220 --> 00:02:45,000 na nagsisimula sa sandali na pinipindot ng daliri ang lugar ng key. 33 00:02:48,120 --> 00:02:53,260 Sa halimbawang iyan, ang output device ay ang screen, pero may maraming iba't ibang uri ng output 34 00:02:53,260 --> 00:02:57,640 na gumagamit ng binary signal mula sa computer at gumagawa ng isang bagay sa pisikal na mundo. 35 00:02:57,680 --> 00:03:02,980 Halimbawa, magpi-play ng tunog ang isang speaker, at magpi-print ng bagay ang isang 3D printer. 36 00:03:03,560 --> 00:03:09,420 Maaari ring kontrolin ng mga output device ang pisikal na paggalaw tulad ng robotikong braso, ang motor ng kotse, 37 00:03:09,420 --> 00:03:12,180 o ang kasangkapan sa pagputol ng milling machine na ginagawa ng aking kompanya. 38 00:03:13,730 --> 00:03:18,759 Hinahayaan ng mga bagong uri ng mga input at output ang mga computer na makitungo sa mundo sa mga bagong paraan. 39 00:03:19,250 --> 00:03:24,579 Natulungan ito ng mga pagpapabuti sa tulin at laki ng memorya at CPU. 40 00:03:24,889 --> 00:03:28,779 Kapag mas masalimuot ang isang gawain at kapag mas maraming impormasyon ang input o output, 41 00:03:29,299 --> 00:03:32,739 mas kakailanganin ng computer ang mas maraming processing power at memorya. 42 00:03:33,949 --> 00:03:40,689 Ang pagta-type ng mga titik sa screen ay maaaring madali ngunit upang gawin ang masalimuot na 3d graphics o mag-record ng high-definition na pelikula, 43 00:03:41,000 --> 00:03:46,440 madalas may napakaraming CPU ang mga modernong computer upang iproseso ang lahat ng impormasyong iyan 44 00:03:46,860 --> 00:03:49,600 at maraming gigabyte ng memorya upang iimbak ito. 45 00:03:51,410 --> 00:03:57,040 Anuman ang gusto mong gawin sa computer, bawat aksiyon ay tungkol sa: 46 00:03:57,710 --> 00:04:00,159 pag-i-input ng impormasyon mula sa pisikal na mundo, 47 00:04:01,460 --> 00:04:04,700 pag-iimbak at pagpoproseso ng impormasyong iyan, 48 00:04:04,700 --> 00:04:08,260 at pagkuha ng ilang output pabalik sa pisikal na mundo.