0:00:10.920,0:00:13.200 Kumusta, ako si Madison Maxey. 0:00:13.260,0:00:15.520 May kompanya akong tinatawag na Loomia, 0:00:15.520,0:00:20.940 at nagtutuon kami sa paggawa ng mga matalinong fabric para sa matalinong pananamit at matalinong malambot na mabuting produkto. 0:00:21.960,0:00:24.580 Walang limitasyon pagdating sa mga textile. 0:00:25.160,0:00:28.920 Ako si Danielle Applestone at ako ang CEO ng Othermachine Company. 0:00:31.540,0:00:34.260 Gumagawa kami ng desktop milling machine. 0:00:34.260,0:00:41.320 Ang isang milling machine ay gumagamit ng rotating cutting tool at pinagagalaw nito ito sa materyal upang lumikha ng 3D object. 0:00:42.540,0:00:46.580 Sa ilalim ng hood, ginagawa ng lahat ng computer ang parehong apat na basic na bagay. 0:00:46.580,0:00:48.160 Nag-i-input sila ng impormasyon, 0:00:48.160,0:00:50.740 nag-iimbak at nagpoproseso ng impormasyon, 0:00:50.740,0:00:52.880 at saka nag-a-output ng impormasyon. 0:00:53.399,0:00:56.899 Bawat isa sa mga bagay na ito ay ginagawa ng naiibang bahagi ng computer. 0:00:57.440,0:01:04.540 May mga input device na kinukuha ang input sa labas at kinukumberte ito sa binary na impormasyon. 0:01:04.860,0:01:08.040 May memorya upang iimbak ang impormasyong ito. 0:01:08.120,0:01:12.000 May central processing unit o CPU, 0:01:12.000,0:01:14.540 kung saan lahat ng mga kalkulasyon ay ginagawa. 0:01:14.600,0:01:21.180 At, panghuli, may mga output na device na kumukuha ng impormasyon at kinokumberte ito sa pisikal na output. 0:01:22.100,0:01:24.100 Pag-usapan natin muna ang input. 0:01:24.500,0:01:30.460 Gumagamit ang mga computer ng maraming iba't ibang uri ng input, tulad ng keyboard ng computer, ang touchpad ng isang telepono, 0:01:30.840,0:01:33.400 isang camera, isang mikropono, o GPS. 0:01:33.930,0:01:39.379 Pero kahit na ang mga sensor sa isang kotse, thermostat o drone ay iba't iba ring input device. 0:01:40.200,0:01:45.619 Ngayon, tingnan natin ang simpleng halimbawa kung paano nagbibiyahe ang input sa isang computer at nagiging output. 0:01:47.100,0:01:53.419 Kapag pinindot mo ang isang key sa keyboard mo - sabihin nating titik "B". Kinokumberte ng keyboard ang titik sa isang numero. 0:01:54.000,0:01:58.430 Ipinapadala ang numerong iyan bilang binary, mga isa at sero, sa computer. 0:02:00.380,0:02:05.460 Simula sa numerong ito, kinakalkula ng CPU kung paano ipapakita ang titik "B" sa bawat pixel. 0:02:06.000,0:02:11.440 Humihiling ang CPU ng mga tagubilin batay sa mga hakbang mula sa memorya, na nagsasabi dito kung paano gumuhit ng titik "B". 0:02:12.000,0:02:16.729 Pinatatakbo ng CPU ang mga tagubiling ito at iniimbak ang mga resulta bilang mga pixel sa memorya. 0:02:18.500,0:02:22.329 Panghuli, ang impormasyon sa pixel na ito ay ipinapadala bilang binary sa screen. 0:02:22.640,0:02:29.520 Ang screen ay isang output device na kinokumberte ang mga binary signal sa mga maliit na ilaw at kulay na bumubuo sa nakikita mo. 0:02:32.140,0:02:36.420 Lahat ng ito ay nangyayari nang napakabilis na para bang instant, 0:02:36.420,0:02:42.220 pero upang ipakita ang bawat titik pinatatakbo ng computer ang libu-libong tagubilin, 0:02:42.220,0:02:45.000 na nagsisimula sa sandali na pinipindot ng daliri ang lugar ng key. 0:02:48.120,0:02:53.260 Sa halimbawang iyan, ang output device ay ang screen, pero may maraming iba't ibang uri ng output 0:02:53.260,0:02:57.640 na gumagamit ng binary signal mula sa computer at gumagawa ng isang bagay sa pisikal na mundo. 0:02:57.680,0:03:02.980 Halimbawa, magpi-play ng tunog ang isang speaker, at magpi-print ng bagay ang isang 3D printer. 0:03:03.560,0:03:09.420 Maaari ring kontrolin ng mga output device ang pisikal na paggalaw tulad ng robotikong braso, ang motor ng kotse, 0:03:09.420,0:03:12.180 o ang kasangkapan sa pagputol ng milling machine na ginagawa ng aking kompanya. 0:03:13.730,0:03:18.759 Hinahayaan ng mga bagong uri ng mga input at output ang mga computer na makitungo sa mundo sa mga bagong paraan. 0:03:19.250,0:03:24.579 Natulungan ito ng mga pagpapabuti sa tulin at laki ng memorya at CPU. 0:03:24.889,0:03:28.779 Kapag mas masalimuot ang isang gawain at kapag mas maraming impormasyon ang input o output, 0:03:29.299,0:03:32.739 mas kakailanganin ng computer ang mas maraming processing power at memorya. 0:03:33.949,0:03:40.689 Ang pagta-type ng mga titik sa screen ay maaaring madali ngunit upang gawin ang masalimuot na 3d graphics o mag-record ng high-definition na pelikula, 0:03:41.000,0:03:46.440 madalas may napakaraming CPU ang mga modernong computer upang iproseso ang lahat ng impormasyong iyan 0:03:46.860,0:03:49.600 at maraming gigabyte ng memorya upang iimbak ito. 0:03:51.410,0:03:57.040 Anuman ang gusto mong gawin sa computer, bawat aksiyon ay tungkol sa: 0:03:57.710,0:04:00.159 pag-i-input ng impormasyon mula sa pisikal na mundo, 0:04:01.460,0:04:04.700 pag-iimbak at pagpoproseso ng impormasyong iyan, 0:04:04.700,0:04:08.260 at pagkuha ng ilang output pabalik sa pisikal na mundo.