Nalalaman ng bawat atleta na gumagaling ka sa pagsasanay
sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga parehong galaw hanggang sa maging napakagaling mo o hanggang sa maabot mo ang tunguhin mo.
Noong nasa mataas na paaralan ako,
hindi ko iiwan ang pagsasanay hanggang magawa ko ang 10 free throw nang sunod-sunod.
Sa katulad na paraan, kapag gumamit ka ng computer program at inulit ang isang command
maaari mong ipagawa dito ang eksaktong bilang ng beses na uulitin,
o maaari mong ibigay ang isang tunguhin,
at sabihin dito na ulitin ang command hanggang sa maabot nito ang ilang tunguhin.
Sa susunod na halimbawa, ang "repeat" na block ay nabago,
sa halip na tukuyin kung ilang beses na gusto mong ulitin nito
maaari mong gamitin ang "repeat until" na block
upang sabihin sa galit na ibon na gawin ang parehong bagay
hanggang sa maabot nito ang baboy o hanggang tumama ito sa isang pader.
At muli, maaari nating ilagay ang maraming block sa loob ng loop at ulitin ang isang serye ng mga aksiyon.