Alam ng bawat atleta na
gagaling ka sa pagsasanay,
inuulit ang galaw hanggang humusay,
o sa maabot mo ang iyong layunin.
Noong nasa high school ako,
Di ako hihinto hangga't di nakakagawa ng
10 sunod-sunod na free throw.
Gayundin, pagdating sa computer program
at inuulit ang command
maaari mong bigyan ng
eksaktong bilang ng beses upang ulitin,
o maaaring tukuyin ang layunin,
at hayaan itong ulitin ang command
hanggang umabot sa layunin.
Sa susunod na halimbawa,
binago ang "ulitin" na block,
sa halip na tukuyin kung
ilang beses mo itong gustong ulitin
gamitin ang "ulitin hanggang" na block
para gawin ng ibon ang parehong bagay
hanggang sa makuha nito ang baboy
o hanggang bumagsak sa pader.
Maaaring ilagay ang maraming mga block
sa loop at ulitin ang serye ng aksiyon.