Karamihan sa mga 3D at character-driven video games ay madaling mailagay sa isa sa dalawang mga uri: maaaring first person o third person. Sa first-person, makikita mo ang mundo mula sa mata ng nilalaro mong karakter na parang ikaw ang karakter na iyon. sa larong third-person naman makikita mula sa labas - kadalasan sa likuran nila o mula sa nakaayos na isometric perspective. Pero ang dalawang perspektibang ito ay nagbibigay-daan sa isang tanong: Kung ganito ang itsura ng larong pang-first-person at ganito naman ang sa third-person... ano ang itsura ng pang-second-person? Hindi ako ang unang tao na nagtaka tungkol dito - ang tanong na kung maaari ba magkaroon ng isang second-person shooter. ay laganap sa mga video game message boards, halos kasingtagal na ng Internet. Nagbigay rin sa atin nito ito ng mga medyo magandang komedya sa mga dumaang taon tulad nitong isa mula sa Mega64: - [Announcer] Inihahatid sa inyo ang kauna-unahang second-person shooter. (musika) (musika) - 'Wag, 'wag, 'wag', 'wag! - Ito pa'ng isa galing sa The Onion. - Para mapasok ang second-person shooter mode, ilipat mo lang ang narrative slider mula sa first papunta sa second. - Ikaw ay naglalakad sa isang mahabang pasilyo. Biglaan, sumulpot ang isang Nazi mula sa pintuan at pinaputukan ka mula sa kanyang machine gun. - Para tulungan kang malaman kung ano ang itsura ng larong pang-second-person Marahil ay makatulong kung titignan natin ang grammar nito, Sa pagusulat, ang terminong "first person" ay tumutukoy sa pananaw na ginagamitan ng mga pariralang "ako" o "akin" upang ilahad ang kuwento mula sa mata ng bida. Ang pagsulat sa third-person naman ay ginanamitan ng mga panghalip - tulad ng sa "pumunta siya rito", "pumunta siya riyan", etc. para sa mga karakter sa pananaw ng nasa labas. Pwede namang sumulat sa second-person, kakaiba nga lang ito. Sa second person, ang gamit na panghalip ay "ikaw"/"mo"/"ka". "Gawin mo ito", "pumunta ka riyan", etc. Hindi pangkaraniwan ang second-person sa pagsulat ng kwento, at mas madalas itong makikita sa, sabihin natin, sa mga tagubilin o sa isang choose-your-own-adventure book. Madaling makikita sa ang mga nabanggit na perspektong pang-first-person at second-person, paano naman ang sa second-person? Alam natin ang larong pang-"ako", gayundin ang larong pang-"sila", paano naman ang para sa "ikaw"? Nahanap ko na pala ang sagot para rito bago ko pa naisip ang tanong na ito, at, maniwala ka man o hindi, galing ito sa laro na marahil ay napag-usapan na natin dati - at ang larong iyon ay Driver: San Fransisco. Sa mga kawili-wiling mga misyon sa Driver: San Fransisco - at marami ang mga iyon may isang misyon talaga na lagi kong nasasa-isip. Ang misyon na ito ay ang "The Target". at ito ang huling misyon sa Chapter 6 ng laro.