Tinatawag ang araling ito na mga conditiona sa mga kard. Araw-araw gumagawa ka ng mga pasiya batay sa nakikita at naririnig mo. Gusto kong maglakad sa parke ngunit kailangan ko munang magpasya kung dapat magdala ng payong o hindi. Kaya dudungaw ako sa bintana. Kung maulap, dadalhin ko ang payong ko. Kung hindi, magdadala ako ng sunglasses. Sa palagay ko mas mabuting dalhin ko ang payong. Ang nakikita at naririnig ko ang tumutukoy kung anong dadalhin ko sa parke. Ginagamit din ang mga conditional sa mga laro. Ngayon tayo'y magsasanay sa paggamit ng mga conditional sa card game. Sa larong ito, ang card na na iginuhit ko ay tumutukoy kung ano ang gagawin ng aking mga kaibigan. Kung gumuhit ako ng pito, lahat ay papalakpak. Ang iba pa, magsasabi ang lahat ng "awww". Subukan natin! Tingin ko makagagawa ka ng mga laro na mas masaya sa mga conditional. Subukan mo! Ginagawa ng mga conditional na tila matalino ang mga computer. Ang computer program na may kasamang mga conditionnal ay maaaring tumugon sa user at baguhin ang pagkilos. Isipin ang paborito mong video game. Mas marami ka bang puntos sa ilang mga aksiyon kaysa sa iba? Nangyayari ito kasi gumagamit ang computer ng mga kondisyonal. Ito ang paraan ng computer upang gumawa ng desisyon. Paano kung, tinamaan mo ang target, mayroonn kang sampung puntos. Kung hindi, talo ka ng tatlo. Kapag alam mo kung paano gumagana ang mga conditional, magagawa mong lumikha ng lahat ng uri ng kapana-panabik na mga laro.