Tinatawag ang araling ito na mga conditiona sa mga kard.
Araw-araw gumagawa ka ng mga pasiya batay sa
nakikita at naririnig mo. Gusto kong maglakad sa parke
ngunit kailangan ko munang magpasya kung dapat
magdala ng payong o hindi. Kaya dudungaw
ako sa bintana. Kung maulap, dadalhin ko
ang payong ko. Kung hindi, magdadala ako ng sunglasses.
Sa palagay ko mas mabuting dalhin ko ang payong. Ang
nakikita at naririnig ko ang tumutukoy kung anong
dadalhin ko sa parke. Ginagamit din ang mga conditional sa mga laro.
Ngayon tayo'y magsasanay sa paggamit ng mga
conditional sa card game. Sa larong ito, ang card na
na iginuhit ko ay tumutukoy kung ano ang gagawin ng
aking mga kaibigan. Kung gumuhit ako ng pito, lahat ay papalakpak.
Ang iba pa, magsasabi ang lahat ng "awww".
Subukan natin! Tingin ko makagagawa ka ng mga laro
na mas masaya sa mga conditional.
Subukan mo! Ginagawa ng mga conditional na
tila matalino ang mga computer. Ang computer program na
may kasamang mga conditionnal ay maaaring tumugon sa user
at baguhin ang pagkilos. Isipin ang paborito
mong video game. Mas marami ka bang
puntos sa ilang mga aksiyon kaysa sa iba?
Nangyayari ito kasi gumagamit ang computer
ng mga kondisyonal. Ito ang paraan ng computer
upang gumawa ng desisyon. Paano kung, tinamaan mo ang target,
mayroonn kang sampung puntos. Kung hindi, talo ka ng tatlo.
Kapag alam mo kung paano gumagana ang mga conditional, magagawa mong
lumikha ng lahat ng uri ng kapana-panabik na mga laro.