1 00:00:00,000 --> 00:00:08,163 And aming kompanya ay may bagong estratehiya upang tumaas ang pagkakilanlan, dumami ang mga konsumer, at paunlarin ang mga intangible assets. 2 00:00:08,197 --> 00:00:11,714 Sa pagtugis sa mga layunin na ito, nag-simula kami ng bagong proyekto -- 3 00:00:11,715 --> 00:00:14,103 kung saan kinakailangan ang pitong pulang linya. 4 00:00:14,103 --> 00:00:16,533 Nauunawaan ko na ang kompanya niyo'y makatutulong sa bagay na ito. 5 00:00:16,534 --> 00:00:17,534 Oo naman! 6 00:00:17,719 --> 00:00:22,610 Si Walter ang magiging Project Manager. Walter, magagawa natin ito, hindi ba? 7 00:00:22,611 --> 00:00:23,611 Oo, siyempre. 8 00:00:23,685 --> 00:00:26,942 Itong si Anderson ay ang aming dalubhasa sa lahat ng bagay na nauugnay sa pag-guguhit ng mga pulang linya. 9 00:00:26,943 --> 00:00:29,757 Dinala namin siya ngayon para maibahagi ang kanyang propesyonal na opinion. 10 00:00:30,117 --> 00:00:32,070 Natutuwa akong makilala ka! Ah, lahat kayo'y kilala ako. 11 00:00:32,070 --> 00:00:35,091 Ito si Justine, ang aming design specialist. 12 00:00:35,450 --> 00:00:36,043 Hello... 13 00:00:36,044 --> 00:00:39,138 Kailangan namin ikaw gumuhit ng pitong pulang linya. 14 00:00:39,139 --> 00:00:44,675 Lahat ng mga ito'y mahigpit na perpendikular; ang iba'y nakaguhit ng berdeng tinta, at ang iba nama'y malinaw. Kaya mo bang gawin ito? 15 00:00:46,249 --> 00:00:47,719 Hindi. Sa tingin ko -- 16 00:00:47,720 --> 00:00:51,663 Huwag naman tayong sumagot ng agad-agad, Anderson! Ang gawain ay nakahanda na, at kailangan natin itong gawin. 17 00:00:51,664 --> 00:00:53,158 Sa kahulihulian, ikaw ay isang dalubhasa. 18 00:00:53,623 --> 00:00:58,384 Ang "pulang linya" ay nagsasabi na ang kulay ng linya ay kailangang maging pula. Ang pag-guhit ng pulang linya gamit ang berdeng tinta -- 19 00:00:58,385 --> 00:01:02,435 kung hindi imposible, eh di malapit sa pagiging imposible. 20 00:01:02,436 --> 00:01:04,187 Ano bang ibang sabihin nun, "imposible"? 21 00:01:04,667 --> 00:01:08,450 Ibig kong sabihin, posibleng mayroong mga tao na may sakit na color blindness, 22 00:01:08,451 --> 00:01:10,956 kung saan hindi mahalaga sa kanila kung ano man ang kulay ng mga linya. 23 00:01:10,957 --> 00:01:15,756 Pero ako'y sigurado na ang takdang konsumer ng iyong proyekto ay hindi lamang naglalaman ng mga taong ganoon. 24 00:01:15,757 --> 00:01:17,730 Kaya sa ganitong prinsipyo ito ay posible. 25 00:01:19,789 --> 00:01:21,090 Padadaliin ko. 26 00:01:21,091 --> 00:01:24,015 Ang isang linya ay pwedeng iguhit gamit ang kahit anong tinta. 27 00:01:24,015 --> 00:01:27,541 Pero kung gusto mo ng pulang linya, kailangan mong gumamit ng pulang tinta. 28 00:01:28,200 --> 00:01:30,037 Paano kung iguhit natin ito gamit and asul na tinta? 29 00:01:30,252 --> 00:01:34,623 Hindi pa rin siya pwede. Kung gumamit ka ng asul na tinta, ang makukuha mo ay asul na linya. 30 00:01:37,107 --> 00:01:40,076 At ano pala ang ibig sabihin mo, nung binanggit mo ang malinaw na tinta? 31 00:01:40,077 --> 00:01:42,770 Paano ko kaya padadaliin? 32 00:01:42,771 --> 00:01:44,576 Sigurado naman akong alam mo ang ibig sabihin ng "malinaw", hindi ba? 33 00:01:44,577 --> 00:01:45,984 Oo, alam ko. 34 00:01:45,985 --> 00:01:49,492 At kung ano ang "pulang linya". Sana'y hindi ko na kailangang ipaliwanag sayo? 35 00:01:49,493 --> 00:01:50,457 Siyempre nama'y hindi na. 36 00:01:50,457 --> 00:01:55,457 Uh... Kailangan mong gumuhit ng mga pulang linya gamit ang malinaw na tinta. 37 00:01:55,873 --> 00:01:58,858 Pwede mo bang ilarawan ang naiisip mong kalalabasan ng ito? 38 00:01:58,859 --> 00:02:01,036 Ikaw naman, Anderson! Ano ka ba, kindergarten? 39 00:02:01,495 --> 00:02:05,365 Huwag tayo magsayang ng oras sa walang pagtutunguhang pag-aaway. 40 00:02:05,366 --> 00:02:07,762 Ang gawain ay nakahanda na; ang gawain ay simpleng-simple. 41 00:02:07,763 --> 00:02:11,474 Ngayon, kung mayroon kang tiyak na mga tanong, itanong mo na! 42 00:02:11,475 --> 00:02:13,168 Ikaw ang eksperto dito! 43 00:02:13,583 --> 00:02:16,814 O sige, itabi muna natin ang kulay sa kasalukuyan. 44 00:02:16,815 --> 00:02:20,376 Mayroon kang sinabi tungkol sa perpendicularity? 45 00:02:20,377 --> 00:02:22,614 Pitong linya, lahat ay mahigpit na perpendikular. 46 00:02:23,101 --> 00:02:24,399 Saan? 47 00:02:26,597 --> 00:02:30,586 Erm, sa lahat. Sa sarili nila. 48 00:02:30,587 --> 00:02:32,806 Ipinalagay ko na alam mo kung ano ang mga "perpendicular lines"! 49 00:02:32,807 --> 00:02:34,293 Siyempre alam niya. Siya'y dalubhasa! 50 00:02:35,039 --> 00:02:36,801 Ang dalawang linya'y pwede maging perpendicular. 51 00:02:36,802 --> 00:02:40,219 And pito, sabay-sabay, ay hindi pwede maging perpendicular sa isa't-isa. 52 00:02:41,550 --> 00:02:42,950 Ipapakita ko sa inyo. 53 00:02:45,712 --> 00:02:48,412 Ito'y isang linya, hindi ba? 54 00:02:48,755 --> 00:02:49,413 Oo. 55 00:02:49,414 --> 00:02:54,408 Ito'y isa pa. Ito ba'y perpendicular sa unang linya? 56 00:02:55,534 --> 00:02:57,321 Uh... 57 00:02:57,928 --> 00:02:59,251 Oo, ito'y perpendicular. 58 00:02:59,252 --> 00:03:00,252 Tama! 59 00:03:00,253 --> 00:03:05,062 Teka, teka, hindi pa 'ko tapos. At pangatlo: ito ba'y perpendicular sa unang linya? 60 00:03:06,232 --> 00:03:11,353 Oo! Pero hindi niya tinawid ang pangalawang linya. Sila'y magka-pantay. 61 00:03:12,532 --> 00:03:13,647 Hindi magka-salungat! 62 00:03:16,359 --> 00:03:17,605 Oo nga. 63 00:03:17,606 --> 00:03:21,137 Ayan na nga. Ang dalawang linya ay pwedeng maging perpendicular -- 64 00:03:21,138 --> 00:03:22,397 Maari ko bang hiramin ang panulat? 65 00:03:42,418 --> 00:03:43,629 Paano kung ganito? 66 00:03:48,044 --> 00:03:49,563 Ayan ay isang tatsulok. 67 00:03:49,564 --> 00:03:53,306 Tiyak na hindi perpendicular lines ang mga ito. 68 00:03:53,307 --> 00:03:56,013 At iyan ay tatlong linya, hindi pito. 69 00:03:57,853 --> 00:03:58,735 Bakit asul ang mga ito? 70 00:03:58,736 --> 00:04:00,454 Oo nga. Gusto ko nga rin tanungin ito. 71 00:04:01,387 --> 00:04:04,026 Meron akong asul na panulat. Ito ay isang demonstrasyon lamang -- 72 00:04:04,027 --> 00:04:07,459 Ayan ang problema, ang mga linya mo ay asul. Iguhit mo sila gamit ang pulang tinta! 73 00:04:07,460 --> 00:04:09,012 Hindi niyan malulutas ang problema. 74 00:04:09,013 --> 00:04:10,946 Paano mo malalaman kung hindi mo pa sinusubukan? 75 00:04:10,946 --> 00:04:12,965 Iguhit natin ang mga ito gamit ang pulang tinta, tapos tingnan natin. 76 00:04:12,966 --> 00:04:13,966 Wala akong pulang panulat, -- 77 00:04:13,967 --> 00:04:19,099 pero ako'y nakasisiguro na kahit pulang tinta ang ginamit, pareho pa rin ang kalalabasan. 78 00:04:19,100 --> 00:04:22,345 Hindi ba sinabi mo kanina na pwede lang gumuhit nang pulang linya gamit ang pulang tinta? 79 00:04:22,346 --> 00:04:24,334 Sa katunayan, oo, sinulat ko nga dito! 80 00:04:24,335 --> 00:04:28,914 At ngayon gusto mo nang iguhit ang mga ito gamit ang asul na tinta. Gusto mo bang tawagin ang mga itong pulang linya? 81 00:04:29,440 --> 00:04:33,050 Sa tingin ko'y naiintindihan ko na. Hindi ang kulay ang tinutukoy mo, hindi ba? 82 00:04:33,051 --> 00:04:37,472 Ang sinasabi mo ay ang tungkol sa, anong tawag doon: per-per, dick-dick -- 83 00:04:37,473 --> 00:04:38,966 Perpendicularity, oo! 84 00:04:38,967 --> 00:04:41,459 Ayan na, nalito mo na ang lahat. 85 00:04:41,459 --> 00:04:44,742 Ano nga ba ang pumipigil sa atin sa pag-tanto nito? 86 00:04:44,943 --> 00:04:46,242 Heometriya. 87 00:04:46,243 --> 00:04:47,398 Ibaliwala mo na lamang ito! 88 00:04:47,399 --> 00:04:52,856 Mayroon tayong gawain. Pitong pulang linya. Hindi ito labindalawa; pito lamang. 89 00:04:52,857 --> 00:04:58,024 Anderson, naiintindihan ko; ika'y isang specialist, hindi mo nakikita ang kabuuan nito. 90 00:04:58,025 --> 00:05:01,661 Ngunit tiyak na hindi mahirap na gawain ang pag-guhit ng pitong linya! 91 00:05:01,662 --> 00:05:03,578 Oo nga. Magbigay ka ng solusyon! 92 00:05:03,579 --> 00:05:09,596 Kahit sinong tanga ay pwedeng pumuna, walang pagkukutya, pero ikaw ay isang eksperto, dapat may mas alam ka! 93 00:05:10,186 --> 00:05:15,124 OK. Guguhit ako ng dalawang perpendicular na pulang linya, -- 94 00:05:15,125 --> 00:05:18,583 at ang mga iba'y gagamitan ko ng malinaw na tinta. 95 00:05:18,584 --> 00:05:21,834 Hindi mo sila makikita, pero iguguhit ko sila. 96 00:05:21,835 --> 00:05:23,095 Pwede na ba ito? 97 00:05:24,186 --> 00:05:25,623 Oo, pwede na. 98 00:05:26,383 --> 00:05:28,670 Oo, pero dapat mayroon rin konting berdeng tinta. 99 00:05:28,671 --> 00:05:31,048 Ah, at mayroon pa akong tanong, kung maaari. 100 00:05:31,049 --> 00:05:34,078 Pwede bang iguhit mo ang isa sa mga linya na parang kuting? 101 00:05:34,631 --> 00:05:35,320 Ano? 102 00:05:35,321 --> 00:05:36,617 Isang linya na parang kuting. 103 00:05:36,618 --> 00:05:40,710 Sa pananalinsik sa merkado, nalaman namin na ang mga konsumer ma mahilig sa "cute" na mga hayop. Magiging maganda talaga kung -- 104 00:05:40,711 --> 00:05:41,711 Hin-di... 105 00:05:42,462 --> 00:05:42,996 Bakit? 106 00:05:42,997 --> 00:05:45,059 Sige, siyempre'y kaya kong gumuhit ng isang pusa para sa'yo. 107 00:05:45,060 --> 00:05:47,015 Hindi ako pintor, pero pwede kong subukan. 108 00:05:47,016 --> 00:05:49,095 Pero hindi na ito magiging guhit. Ito'y magiging pusa. 109 00:05:49,096 --> 00:05:51,451 Isang linya at isang pusa: sila'y dalawang magkaibang bagay. 110 00:05:51,452 --> 00:05:53,997 Isang kuting. Hindi pusa, pero isang kuting. 111 00:05:53,998 --> 00:05:58,674 Ito'y maliit, nakatutuwa, masarap yakapin. Ang mga pusa naman -- 112 00:05:58,675 --> 00:05:59,689 Wala pa ring pagkakaiba. 113 00:05:59,690 --> 00:06:01,354 Anderson, pakinggan mo naman siya! 114 00:06:01,355 --> 00:06:04,117 Hindi pa nga siya tapos magsalita, at hindi ka na agad pumapayag! 115 00:06:04,118 --> 00:06:09,681 Alam ko na ang ideya, ngunit imposibleng gumuhit ng isang linya sa pormang p-kus... ting. 116 00:06:10,097 --> 00:06:12,053 Paano naman kung parang ibon? 117 00:06:15,274 --> 00:06:17,306 Okay, saan tayo tumigil? Anong ginagawa natin? 118 00:06:17,307 --> 00:06:21,875 Pitong pulang linya, dalawa'y pulang tinta, dalawa'y berdeng tinta, at and natitira - malinaw. 119 00:06:21,876 --> 00:06:23,280 Tama ba? -- -- Oo. 120 00:06:23,281 --> 00:06:26,100 Ayan! At sa gayon, yaan na ang lahat, hindi ba? 121 00:06:26,101 --> 00:06:28,951 Ah, ah, muntikan ko nang makalimutan, meron rin kaming pulang lobo. 122 00:06:28,952 --> 00:06:30,911 Sa tingin mo ba'y kaya mo itong palubohin? 123 00:06:34,882 --> 00:06:37,020 Anong kinalaman ko sa mga lobo...? 124 00:06:37,021 --> 00:06:38,021 Ito'y pula. 125 00:06:38,022 --> 00:06:41,654 Anderson, kaya mo ba o hindi? Simpleng tanong lamang. 126 00:06:42,119 --> 00:06:43,502 Siyempre naman, kaya ko, pero -- 127 00:06:43,503 --> 00:06:47,923 Ayan. Mag-ayos kayo ng business trip, at kami nang bahala sa mga bayarin -- 128 00:06:47,924 --> 00:06:52,121 punta tayo sa kanilang lokasyon, palubohin ang lobo. 129 00:06:52,122 --> 00:06:55,411 Ito'y sobrang produktibo, salamat sa inyong lahat! 130 00:07:08,303 --> 00:07:10,210 Pwede pa ba akong magtanong? 131 00:07:10,937 --> 00:07:14,543 Kapag papalobohin mo na ang lobo, pwede bang gawin mo ito sa pamamaraang kuting? 132 00:07:16,005 --> 00:07:17,407 Siyempre, kaya ko! 133 00:07:17,408 --> 00:07:21,739 Kaya ko gawin ang lahat-lahat. 134 00:07:23,326 --> 00:07:25,396 Ako'y eksperto!