And aming kompanya ay may bagong estratehiya upang tumaas ang pagkakilanlan, dumami ang mga konsumer, at paunlarin ang mga intangible assets.
Sa pagtugis sa mga layunin na ito, nag-simula kami ng bagong proyekto --
kung saan kinakailangan ang pitong pulang linya.
Nauunawaan ko na ang kompanya niyo'y makatutulong sa bagay na ito.
Oo naman!
Si Walter ang magiging Project Manager. Walter, magagawa natin ito, hindi ba?
Oo, siyempre.
Itong si Anderson ay ang aming dalubhasa sa lahat ng bagay na nauugnay sa pag-guguhit ng mga pulang linya.
Dinala namin siya ngayon para maibahagi ang kanyang propesyonal na opinion.
Natutuwa akong makilala ka! Ah, lahat kayo'y kilala ako.
Ito si Justine, ang aming design specialist.
Hello...
Kailangan namin ikaw gumuhit ng pitong pulang linya.
Lahat ng mga ito'y mahigpit na perpendikular; ang iba'y nakaguhit ng berdeng tinta, at ang iba nama'y malinaw. Kaya mo bang gawin ito?
Hindi. Sa tingin ko --
Huwag naman tayong sumagot ng agad-agad, Anderson! Ang gawain ay nakahanda na, at kailangan natin itong gawin.
Sa kahulihulian, ikaw ay isang dalubhasa.
Ang "pulang linya" ay nagsasabi na ang kulay ng linya ay kailangang maging pula. Ang pag-guhit ng pulang linya gamit ang berdeng tinta --
kung hindi imposible, eh di malapit sa pagiging imposible.
Ano bang ibang sabihin nun, "imposible"?
Ibig kong sabihin, posibleng mayroong mga tao na may sakit na color blindness,
kung saan hindi mahalaga sa kanila kung ano man ang kulay ng mga linya.
Pero ako'y sigurado na ang takdang konsumer ng iyong proyekto ay hindi lamang naglalaman ng mga taong ganoon.
Kaya sa ganitong prinsipyo ito ay posible.
Padadaliin ko.
Ang isang linya ay pwedeng iguhit gamit ang kahit anong tinta.
Pero kung gusto mo ng pulang linya, kailangan mong gumamit ng pulang tinta.
Paano kung iguhit natin ito gamit and asul na tinta?
Hindi pa rin siya pwede. Kung gumamit ka ng asul na tinta, ang makukuha mo ay asul na linya.
At ano pala ang ibig sabihin mo, nung binanggit mo ang malinaw na tinta?
Paano ko kaya padadaliin?
Sigurado naman akong alam mo ang ibig sabihin ng "malinaw", hindi ba?
Oo, alam ko.
At kung ano ang "pulang linya". Sana'y hindi ko na kailangang ipaliwanag sayo?
Siyempre nama'y hindi na.
Uh... Kailangan mong gumuhit ng mga pulang linya gamit ang malinaw na tinta.
Pwede mo bang ilarawan ang naiisip mong kalalabasan ng ito?
Ikaw naman, Anderson! Ano ka ba, kindergarten?
Huwag tayo magsayang ng oras sa walang pagtutunguhang pag-aaway.
Ang gawain ay nakahanda na; ang gawain ay simpleng-simple.
Ngayon, kung mayroon kang tiyak na mga tanong, itanong mo na!
Ikaw ang eksperto dito!
O sige, itabi muna natin ang kulay sa kasalukuyan.
Mayroon kang sinabi tungkol sa perpendicularity?
Pitong linya, lahat ay mahigpit na perpendikular.
Saan?
Erm, sa lahat. Sa sarili nila.
Ipinalagay ko na alam mo kung ano ang mga "perpendicular lines"!
Siyempre alam niya. Siya'y dalubhasa!
Ang dalawang linya'y pwede maging perpendicular.
And pito, sabay-sabay, ay hindi pwede maging perpendicular sa isa't-isa.
Ipapakita ko sa inyo.
Ito'y isang linya, hindi ba?
Oo.
Ito'y isa pa. Ito ba'y perpendicular sa unang linya?
Uh...
Oo, ito'y perpendicular.
Tama!
Teka, teka, hindi pa 'ko tapos. At pangatlo: ito ba'y perpendicular sa unang linya?
Oo! Pero hindi niya tinawid ang pangalawang linya. Sila'y magka-pantay.
Hindi magka-salungat!
Oo nga.
Ayan na nga. Ang dalawang linya ay pwedeng maging perpendicular --
Maari ko bang hiramin ang panulat?
Paano kung ganito?
Ayan ay isang tatsulok.
Tiyak na hindi perpendicular lines ang mga ito.
At iyan ay tatlong linya, hindi pito.
Bakit asul ang mga ito?
Oo nga. Gusto ko nga rin tanungin ito.
Meron akong asul na panulat. Ito ay isang demonstrasyon lamang --
Ayan ang problema, ang mga linya mo ay asul. Iguhit mo sila gamit ang pulang tinta!
Hindi niyan malulutas ang problema.
Paano mo malalaman kung hindi mo pa sinusubukan?
Iguhit natin ang mga ito gamit ang pulang tinta, tapos tingnan natin.
Wala akong pulang panulat, --
pero ako'y nakasisiguro na kahit pulang tinta ang ginamit, pareho pa rin ang kalalabasan.
Hindi ba sinabi mo kanina na pwede lang gumuhit nang pulang linya gamit ang pulang tinta?
Sa katunayan, oo, sinulat ko nga dito!
At ngayon gusto mo nang iguhit ang mga ito gamit ang asul na tinta. Gusto mo bang tawagin ang mga itong pulang linya?
Sa tingin ko'y naiintindihan ko na. Hindi ang kulay ang tinutukoy mo, hindi ba?
Ang sinasabi mo ay ang tungkol sa, anong tawag doon: per-per, dick-dick --
Perpendicularity, oo!
Ayan na, nalito mo na ang lahat.
Ano nga ba ang pumipigil sa atin sa pag-tanto nito?
Heometriya.
Ibaliwala mo na lamang ito!
Mayroon tayong gawain. Pitong pulang linya. Hindi ito labindalawa; pito lamang.
Anderson, naiintindihan ko; ika'y isang specialist, hindi mo nakikita ang kabuuan nito.
Ngunit tiyak na hindi mahirap na gawain ang pag-guhit ng pitong linya!
Oo nga. Magbigay ka ng solusyon!
Kahit sinong tanga ay pwedeng pumuna, walang pagkukutya, pero ikaw ay isang eksperto, dapat may mas alam ka!
OK. Guguhit ako ng dalawang perpendicular na pulang linya, --
at ang mga iba'y gagamitan ko ng malinaw na tinta.
Hindi mo sila makikita, pero iguguhit ko sila.
Pwede na ba ito?
Oo, pwede na.
Oo, pero dapat mayroon rin konting berdeng tinta.
Ah, at mayroon pa akong tanong, kung maaari.
Pwede bang iguhit mo ang isa sa mga linya na parang kuting?
Ano?
Isang linya na parang kuting.
Sa pananalinsik sa merkado, nalaman namin na ang mga konsumer ma mahilig sa "cute" na mga hayop. Magiging maganda talaga kung --
Hin-di...
Bakit?
Sige, siyempre'y kaya kong gumuhit ng isang pusa para sa'yo.
Hindi ako pintor, pero pwede kong subukan.
Pero hindi na ito magiging guhit. Ito'y magiging pusa.
Isang linya at isang pusa: sila'y dalawang magkaibang bagay.
Isang kuting. Hindi pusa, pero isang kuting.
Ito'y maliit, nakatutuwa, masarap yakapin. Ang mga pusa naman --
Wala pa ring pagkakaiba.
Anderson, pakinggan mo naman siya!
Hindi pa nga siya tapos magsalita, at hindi ka na agad pumapayag!
Alam ko na ang ideya, ngunit imposibleng gumuhit ng isang linya sa pormang p-kus... ting.
Paano naman kung parang ibon?
Okay, saan tayo tumigil? Anong ginagawa natin?
Pitong pulang linya, dalawa'y pulang tinta, dalawa'y berdeng tinta, at and natitira - malinaw.
Tama ba? --
-- Oo.
Ayan! At sa gayon, yaan na ang lahat, hindi ba?
Ah, ah, muntikan ko nang makalimutan, meron rin kaming pulang lobo.
Sa tingin mo ba'y kaya mo itong palubohin?
Anong kinalaman ko sa mga lobo...?
Ito'y pula.
Anderson, kaya mo ba o hindi? Simpleng tanong lamang.
Siyempre naman, kaya ko, pero --
Ayan. Mag-ayos kayo ng business trip, at kami nang bahala sa mga bayarin --
punta tayo sa kanilang lokasyon, palubohin ang lobo.
Ito'y sobrang produktibo, salamat sa inyong lahat!
Pwede pa ba akong magtanong?
Kapag papalobohin mo na ang lobo, pwede bang gawin mo ito sa pamamaraang kuting?
Siyempre, kaya ko!
Kaya ko gawin ang lahat-lahat.
Ako'y eksperto!