Isang bagay na talagang magaling ang mga computer ang pag-uulit ng mga command.
Bilang isang tao, talagang nababagot ka kung paulit-ulit mong ginagawa ang parehong bagay.
Pero maaaring gawin ng isang computer ang parehong bagay milyong o kahit bilyong beses,
at hindi mababagot at magagawa nito iyan nang walang palya.
Halimbawa kung gusto mong batiin
ang lahat sa Facebook ng maligayang kaarawan sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng email,
maaaring aabutin ito mahigit isang siglo upang totoong isulat ang lahat ng mga email na iyon sa lahat.
Pero gamit lang ang ilang linya ng code, maaari akong magkaroon ng sistema
na magpapadala ng email sa lahat sa Facebook na binabati sila ng maligayang kaarawan.
Iyan ang ginagawa ng mga loop at iyan ang dahilan kung bakit mahalaga sila,
at isang bagay na magaling na ginagawa ng mga computer.
Sa halimbawang ito ang tunguhin mo ay
pagalawin ang ibon
upang habulin ang baboy. Ngayon magagamit natin ang "repeat" na block
para madaling gawin ito.
Maaari mong gawin alinman sa
pagbibigay sa computer ng "move forward"
na command
limang beses para umabante ang ibon
ng isang hakbang sa bawat pagkakataon sa baboy.
O maaari mong sabihin lang sa computer na
mag-"move forward" isang beses,
at saka sabihin dito na i"repeat" iyan 5
beses, at gagawin nito ang parehong bagay.
Para gawin ito i-drag mo ang iyong
"move forward" na command,
at saka ilagay ito sa loob ng
"repeat" na block.
At maaari mo itong pindutin at sabihin dito ang ilang
beses na gusto mong ulitin ang block
upang sabihin dito ang ilang hakbang na gusto mo na
gawin nito upang umabante. Ngayon isa pang bagay ay
maaari mong ilagay ang maraming command na gusto
mo sa loob ng "repeat" na block.
Kaya sa halimbawang ito sinasabi mo dito na
umabante at lumiko,
na gagawin nito ng limang beses. Magaling, magaling at maglibang :-)