Sa Syria, ang pangulo doon ay nagpangakong ikonsidera ang mga reporma matapos ang isang linggong protesta sa lungsod ng Daraa Ngunit di ito napigilan ang mga nagproprotesta na nanawagan ng malawakang kilos-protesta noong Biyernes Isanglibong katao ay nasa mga kalye noong Huwebes upang ipagluksa ang mga taong sabi nila na ipinabaril sa paghihigpit ng gobyerno May mga ulat na magsasalita si Bashar al-Assad para sa bansa sa loob ng ilang oras para subukang pakalmahin ang sitwasyon Sinasamahan ako ni Rula Amin mula sa Damasko Rula, inuulat namin na inaasahang kausapin ng pangulo ang madla. Nagalok siya ng medyo katanggap-tanggap ng mga kompromiso, ngunit tila hindi sila— o di pa natin batid —kung may epekto ito sa mga protesta ngayong araw. Oo, makikita pa lamang ito. Ngunit nagsalita kami sa maraming taga-Sirya, kasama na ang mga taga-Daraa at halo ang reaksiyon sa mga galaw na ito Ngayon, ang mga aktibista, at mga aktibista sa oposisyon ay nagdududa at sinasabi nila na hanggang pangako lamang ito at di makakabago masyado. Ang iba ay nabibigay ng tsansa sa pangulo, at sinasabi nila na maganda itong simula, bigyan natin siya ng oras Baka ito ay makakasakatuparan At baka makaroon ng pagbabago sa Sirya na hindi mapipilitang magprotesta ang madla sa mga kalye Kailangan nating alaalahin, na ang mga protesta ay nasa Daraa lamang sa kabila ng pitong araw ng malubhang sagupahan, kung saan mga dose ang namatay Tahimik ang kabisera at ang ibang mga bayan ng Sirya Ngayon, ito ay magiging isang pagsubok at hamon, parehas sa mga aktibista, ang oposisyon at ang gobyerno. Kung kumilos ang mga tao sa ibang mga bayan, baka ang mga konsesyon ay huli na. At kung hind, ibig sabihin nagawa ng pangulo na limitahan ang gulo sa Daraa. at sa ibang tao, nagawa ng ilang taga-Sirya ay naniwala sa kanya, at nagbigay ng oras at pinaniniwalahan ang mga bagong galaw. Ngunit ang pagalok sa mga galaw na ito, Rula ay nagbibigay ng konteksto para sa atin, na nakakagulat, na ang rehime na ito na may kasaysayan ng brutal at kamay na bakal na paghihigpit sa kahit anong paghihimagsik? Oo, noong nakaraang anim na buwan, walang nangarap na ang mga konsesyon na ito ay magagawa dito sa Siryam ngunit noong nakaraang buwan tila ito ay napakalohikal. Ngayon, nandito ako sa Linggo, at sa minuto ng pagdating ko, nakikita na parehas ang tao ang taga-Sirya at ang gobyerno ay napagtanto na ang pagbabago ay dadating sa Sirya at alam ng gobyerno na di ito pwede ipagpatuloy ay mga dating gawi nito At nilinaw ng pangulo na naiintidihan niya na kailangan ang reporma at gagawin niya ito Gusto ng madla ito ngayon, at seryoso sila Dapat ito ay makabuluhunan at ayaw nila maghintay. Nauubusan na sila ng oras At naniniwala ang ilan na ang pangulo mismo ay gusto ng pagbabgo, ngunit siya ay napapalibutan ng isa pangkat, o ng sistema mismo na pumipigil sa kanya na gawin ang kanyang nais Ito ang klase ng pagbibigay sa kanya ng tsansa Ang mga protesta sa Daraa, sa Sirya ay nagpipilit sa gobyerno, at ito ay nagudyok dito na kailangan ito gumalaw bago pa ito maging huli. Ngayon, ang pangulo ay nais limitahan ang krisis sa Sirya at determinado siya. Ang madla ay nais na siguraduhin na determinado rin siya ng magudyok ng pagbabago sa Sirya. At siyempre susundan namin ang mga pangyayari diyan kasama mo Rula. Salamat talaga, Rulla, mula sa Damasko.