Hi! ako si Hari Sreenivasan, at welcome sa isa na naming edisyon ng Take on Fake Sa episode na ito, ating tingnan ang pagtaas ng xenophobia. At ang pagdami ng pang-aabuso laban sa mga Asyano. dahil lamang sa maling impormasyon sa coronavirus Bumalik tayo sa panahon hanggang sa katapusan ng Enero 2020. nung nagsimula pa lamang ang lahat na maunawaan ang COVID-19. May lumitaw ulit na bidyo sa YouTube Ang pamagat nito ay: Nagkakasakit ka ba sa pagkain ng laman at sabaw ng paniki? Ito ay kumakalat dito at dito, at kahit dito. Hindi lang nila binatikos ang babae na nasa video. Binatikos nila lahat ng mga Tsino: sa gawai sa pagkain, sa kultura. Ang video na ito ay hindi pa nga kuha sa China. Ito'y hindi pa nga kuha noong panahon ng coronavirus. Ito'y kuha tatlong taon na ang nakararaan sa Pacific Island ng Palau. Sino ang nakakaalam niyan? Ang gumawa nito ay ang vlogger na si Wang Meng Yun Ito'y halimbawa ng mas malaking padron ng maling impormasyon. Kung saan itoy wala na sa konteksto Bakit ito gagawin ng isang tao? Dahil ito'y isang malaking reaksyon online Sila'y mas emosyonal at puno ng galit sa sinumang nagbabasa nito Mas maraming komento Mas maraming nagki-click Na minsa'y nagkakaroon ng maraming pamamahayag Sa kasamaang palad, para kay Wang Meng Yun, ang travel vlogger ito ay naging paraan ng pag-atake laban sa kanya at sa mga Asyano Patawad pero yan ay napaka rasista ng komento mo oh? Buti nga! Ano'ng sabi mo? Sabi ko nalaglag mo yang corona virurs mo! Sa nakaraang dalawang buwan, ang mga Asyano ay nagbabahagi ng kanilang mga kwento sa social media kung paano sila tinataboy. Sila ay pinapatamaan. Sila ay hinaharas at kinukondina. Nakipag-usap kami kay Dr. Russell Jeung, siya ang tumulong gumawa ng website Kung saan ang mga Asyanong Americano ay maaring magsumbong ng ano mang uri ng pagkondina at panghaharas at pisikal na pananakit na maari nilang naranasan. Sa Enero at Pebrero, nakitaan namin ng xenophobic na At napagtanto namin na ito ay regular na nangyayari Kaya't ang aking kabalikat na organisasyon, Chinese for Affirmative Action at A3PCON, gumawa kami ng website para kolektahin ang mga reklamo At mula nung nagsimula kami, binaha kami ng naparaming tugon. Nasa 100 kaso kada araw Tumatawid ba ito sa heograpiya? Tumatawid ba ito sa edad, kasarian? Isa sa pinakamalaking ang babae ay tatlong beses na higit na nahaharas kaysa sa lalaki. At hindi lamang mga Tsino ang inaatake pati na rin ang lahat na mukhang Tsino Ito ay diskriminasyon batay sa lahi. Sa nkikita ko, tulad ng kung ang Asyano Amerikano ay nakararanas ng kapootang panglahi o sino mang tao sa ano mang kulay na nakararanas ng kapootang panglahi, ay laging magkaroon ng pagtutol Gusto ko para sa lahat ng Asyano Amerikano na magpatuloy sa pag-alsa Labanan ang mga xenophobic na pahayag at makipagtulungan sa pamahalaan para magkaroon ng palisiya at makatulong sa kumunidad. Gamitin natin ang social media upang magkaisa hindi upang makawatak-watak Hanggang sa muli, huwag magkalat ng maling balita. Katotohanan lamang! Ako si Hari Sreenivasan at ito ang Take on Fake. Kung ikaw ay saksi o biktima ng diskriminasyon na sa tingin mo ay dahil sa coronavirus, tingnan ang link sa ibaba.. At kung mayron kang nakita sa iyong social feeds, na hindi tama, at gusto mong matingnan namin. Mangyaring mag-iwan ng komento sa ibaba. Maraming salamat. Hanggang sa muli.