Ako po si Aloe Blacc.
Isa po akong singer/songwriter at entertainer.
Sa palagay ko ang computer science ay talagang
mahalagang matutunan
dahil ang computer science ang kinabukasan.
at sa palagay ko, mahalaga para sa mga taong maging
nasa kontrol ng teknolohiya
na literal na kumukontrol sa kanilang mga buhay.
Para makagawa ng iba’t ibang galaw sa sayaw ay
nagaganap sa tamang panahon sa musika,
maaari mong gamitin ang isang bagay na tinatawag na
mga event.
Sinasabi ng isang event sa iyong program na makinig
para magaganap ang isang bagay,
at mag-react kaagad.
Ang ilang halimbawa ng mga event ay pakikinig sa
klik ng mouse,
arrow button, o pag-tap sa screen.
Ang event na gagamitin natin ngayon ay makikinig sa
pagbabago sa awit.
Ang pagbabago ay magpapasimula sa iyong dancer na
gumawa ng bagong sayaw.
Ini-ensayo ng mga propesyonal na dancer ang kanilang
choreography sa pamamagitan ng pagbilang sa mga
kumpas ng awit.
Sa musika, ang isang measure ay tumutukoy sa ilang
numero ng mga kumpas.
Sa karamihan sa sikat na mga awit, ang measure ay
4 na kumpas ang haba.
Para mapagawa ng anuman ang iyong mga dancer,
kakailangnain mo ang berdeng event block.
Ang event block na ito ay magsasabi makalipas ang
apat na measure.
Kung hihilahin mo palabas ang lila na ‘do forever’
block, makakapili ka ng sayaw na gagawin ng iyong
dancer.
Dahil ito ay kulang sa makalipas na apat na measure
na event block,
Maghihintay ang iyong dancer para sa apat na measure
ng awit bago umpisahan ang kanilang sayaw.
Magbantay sa measure counter sa ibabaw ng display
area.
Tingnan at makinig para sa event na magpapasimula
sa code ng sayaw.
At tama sa cue magsisimula ang ating dancer!