Ako ay isang pantas,
o sa tuwirang salita,
isang may kakayanang mabuhay ng normal
na pantas na may ibang pananaw sa mundo.
Ito ay isang bihirang kalagayan.
At mas bihira kung sasamahan,
tulad ng kalagayan ko,
sa pamamagitan ng sariling-kamalayan,
at masusing kaalaman ng salita.
Madalas, kapag ako ay may nakikilala
at nalaman nila ito tungkol sa akin,
may tiyak na uri ng pagka-asiwa.
Nakikita ko ito sa kanilang mga mata.
May gusto silang itanong sa akin.
At sa huli, madalas,
ang udyok ay mas malakas kaysa kanila
at kanilang isinasambulat:
“Kung ibibigay ko sa iyo ang araw ng aking kapanganakan,
maibibigay mo ba kung anong linggo ako ipinanganak?”
(Tawanan)
O magbabangggit sila ng ‘cube roots’
o ako ay pabibigkasin ng mahabang numero o mahabang teksto.
Ako sana ay inyong patawarin,
kung hindi ko gawin
ang isang uri ng palabas ng ‘isang taong pantas’ para sa inyo ngayon.
Sa halip, ako ay magsasalita
tungkol sa isang bagay
na mas nakaka-aliw
kaysa sa petsa ng kapanganakan o ‘cube roots’.
mas malalim ng kaunti
At mas malapit sa aking isipan, kaysa gawa.
Nais kong saglit na ipahayag sa inyo
ang tungkol sa pananaw.
Nang sya ay nagsusulat ng mga dula at mga maikling kwento,
na gagawa ng kanyang pangalan,
si Anton Chekhov ay nagtabi ng kwaderno
kung saan nya isinulat
ang kanyang mga obserbasyon
sa mundong nakapaligid sa kanya --
mga maliliit na detalye
na tila hindi pansin ng ibang mga tao.
Tuwing binabasa ko si Chekhov
at ang kanyang natatatanging pananaw sa buhay ng tao,
naaalala ko kung bakit ako rin
ay naging manunulat.
Sa aking mga libro,
tinutuklas ko ang pinagmulan ng pananaw
at kung paanong ang ibat-ibang pananaw
ay lumilikha ng ibat-ibang uri ng kaalaman
at pang-unawa.
Narito ang tatlong katanungan
mula sa aking gawa.
Sa halip na alamin ang mga ito,
hinihiling ko sa inyo na isaalang-alang sandali
ang sariling-wisyo
at sariling pakiramdam
sa inyong mga isipan at sa inyong mga puso
habang tinitingnan ang mga ito.
Halimbawa, ang pagkalkula:
Nararamdaman mo ba kung saan sa linya ng numero
malamang na mahulog ang solusyon?
O tingnan ang banyagang salita at tunog:
Nakukuha mo ba ang ramdam at uri ng mga kahulugan
na itinuturo nito?
At sa tuntunin ng tula,
bakit ang makata ay gumamit ng salitang liyebre
kaysa sa kuneho?
Hinihiling kong gawin nyo ito
dahil naniniwala akong ang ating personal na pananaw, tingnan mo,
ay nasa puso
ng kung paano tayo kumukuha ng kaalaman.
Kabuoang paghatol,
kaysa sa sariling pangangatwiran,
ang gumagabay at humuhugis sa proseso
kung saan tayo ay natututo
ng ating kaalaman.
Ako ay isang matinding halimbawa nito.
Ang aking mundo ng mga salita at numero
ay hinarangan ng kulay, emosyon
at anyo.
Tulad ng sabi,
ito ay kondisyon na tinatawag ng mga siyentipiko na synesthesia,
isang hindi pangakaraniwang tawiran
sa pagitan ng mga mga kabuluhan.
Narito ang mga numero mula isa hanggang labing dalawa
sa aking paningin --
ang bawat numero na may sariling hugis at anyo.
Ang isa ay isang sinag ng puting liwanag.
Ang anim ay isang napakaliit at napakalunggkot na itim na butas.
Ang mga guhit dito ay nasa itim at puti,
ngunit sa aking isipan ito ay may mga kulay.
Ang tatlo ay berde.
Apat ay asul.
Lima ay dilaw.
Nagdidibuho rin ako.
at narito ang isa sa aking mga dibuho.
Ito ay pagpaparami ng dalawang malakas na numero.
Tatlong may-sukat na hugis
at ang puwang na nilikha sa gitna
ay lumikha ng bagong hugis,
ang kasagutan sa kabuuan.
Paano ang malalaking bilang?
Kunsabagay, hindi mo na kayang lumaki pa sa Pi
ang walang tigil na numero.
Ito ay walang katapusang numero --
tuwirang patungo sa magpakaylanman.
Sa dibuhong ito na aking ginawa
na mga unang dalawampu ng ng ikapuu ng Pi,
kinuha ko ang mga kulay
at mga emosyon at mga habi
at sama-sama ko itong hinila
upang maging isang uri ng tanawin na gumugulong na mga numero.
Subalit hindi lamang mga numero ang nakikita ko sa mga kulay.
Ang mga salita rin, para sa akin,
ay may mga kulay at emosyon
at mga habi.
At ito ay isang pambungad na salita
mula sa nobelang "Lolita".
at si Nabokov mismo ay isang synthesthetic.
At iyong makikita dito
kung paanong ang aking pandama sa tunog na L
ay tumulong sa sa pag-ulit
upang ito ay umangat.
Isa pang halimbawa:
medyo matematikal.
At iniisip ko kung ang iba sa inyo ay mapansin
ang paggawa ng pangungusap
mula sa "Magiting na Gatsby"
May prusisyon ng mga pantig ng salita --
Trigo, isa;
parang, dalawa;
nawalang bayan ng Sweko, tatlo --
isa, dalawa, tatlo.
At ang epekto nito ay kaaya-aya sa isipan,
at ito at tumutulong sa pangungusap
para maging mabuti sa pakiramdam.
Bumalik tayo sa katanungan
na aking binigay sa inyo kanina.
animnaput-apat padamihin ng pitumput-lima.
Kung ang ilan sa inyo ang naglalaro ng chess,
malalaman nyo na ang animnaput-apat
ay isang parisukat na numero,
kaya ang chessboards,
na may sukat na walo- pagitan -walo,
ay may animnaput-apat na parisukat.
Kaya ito ay nagbibigay sa atin ng hugis
na ating maisasalarawan na ating maiisip.
Paano ang pitumput-lima?
Sabagay, kung sa tingin mo ang isang-daan,
ay maraming parisukat na,
Ang aninnaput-lima ay ganito ang hitsura.
Kung ganun, ang kailangan nating gawin ngayon
ay pagsamahin ang dalawang larawang ito
sa ating isip --
tulad nito.
animnaput-apat magiging anim na libo at apat na daan.
At sa kanang bahagi,
hindi mo na kailangang magkalkula ng anuman.
Apat pahalang, apat pataas at pababa --
ito ay labing-anim.
Kaya ang hinihiling ng kabuuan na gawin mo
ay labing-anim,
labing-anim labing-anim, labing-anim.
Yan ay mas madali
kaysa paraang tinuro sa iyo ng paaralan para gawin ang Matematika, sigurado ako.
ito ay labing-anim, labing-anim, labing-anim, apatnaput-walo,
Apat na libo at walong daan --
Apat na libo at walong daan,
ang sagot na kabuuan.
Madali kapag alam mo na.
(Tawanan)
Ang ikalawang katanungan ay isang Icelandic na salita.
Ipinapalagay kong hindi maraming tao dito
ang nagsasalita ng Icelandic.
Kaya liitan natin ang mga pagpipilian sa dalawa.
Hnugginn:
ito ba ay isang masayang salita,
o isang malungkot na salita?
Ano ang iyong masasabi?
Okay.
Ang sabi ng iba ito ay masaya.
Karamihan ng mga tao, maraming tao,
sabi ay malungkot.
At ang tunay na ibig sabihin nito ay malungkot.
(Tawanan)
Bakit, sa istatistika,
ang karamihan ng mga tao
ang sabi nila ito ay salitang malungkot, sa kasong ito,
mabigat sa iba?
Sa aking teorya, ang wika ay nabubuo sa isang paraan
na ang mga tugmang-tunog,
ay tumutugon sa personal,
kasama ng personal,
na pag-intindi mula sa karanasan
ng nakikinig.
Tingnan natin ang ikatlong katanungan.
Ito ay isang linya mula sa isang tula ni John Keats
Ang mga salita, tulad ng numero
ay nagpapahayag ng mga pangunahing relasyon
sa pagitan ng mga bagay
at mga kaganapan at mga pwersa
na bumubuo ng ating mundo.
Nangangahulugan ito na tayo, na nabubuhay sa mundong ito,
sa ating tanang-buhay,
ay dapat na intindihin ang mga relasyong ito.
At ang mga manunula tulad ng iba pang mga lakandula,
ay naglalaro nang may ganitong pang-unawang kaisipan.
Sa kaso ng liyebre,
ito ng isang malabong tunog sa Ingles.
Nangangahulugan din ito ng, mga hibla na tumutubo sa ulo.
At kung iisipin natin yan --
hayaan mo akong ilagay ang larawan sa taas --
Ang mga hibla ay kumakatawan sa kahinaan.
Ito ay maselang matatanggal sa kaunting galaw
o kilos o emosyon.
Kaya ang mayroon ka ay isang kapaligiran
ng kahinaan at tensyon.
Ang liyebre mismo, ang hayop --
hindi isang pusa, hindi isang aso, isang liyebre --
bakit isang liyebre?
Dahil isipin mo ang larawan --
hindi ang salita, ang larawan.
Ang sobrang-laking tainga,
Ang sobrang-laking paa,
ay tumutulong sa atin na maisalarawan, na maramdaman sa isipan,
kung ano ang ibig sabihin ng paglakad ng hindi normal
at pagewang-gewang.
Kaya sa kaunting minuto,
umaasa ako na naibahagi ko sa inyo
ang kaunti kong pananaw sa ibang bagay
at ipakita ko sa inyo
kung paanong ang mga salita ay pwedeng magkaroon mga kulay at emosyon,
numero, hugis at anyo.
Ang mundo ay masagana,
malawak
higit pa sa inakala mong anyo nito.
Umaasa ako na nabigyan ko kayo ng pagnanasa
na matutong makita ang mundo nang may bagong pananaw.
Salamat sa inyo.
(Palakpakan)