Stacy: Stampy, Lizzy, Preston - salamat sa pagsama sa akin.
Ang gusto kong ipakita sa inyo ay lampas lang ng talampas na mesang ito.
Sa tingin ko magugustuhan ninyo ito!
Sandali lang - may butas sa riles!
(sumisigaw) Okey ba ang lahat?
Stampy: Ah, nakita ko ang problema.
Tingnan ninyo!
May butas sa riles.
Stacy: Talaga, Stampy?
Lizzy: Dapat siguro nating mangalap ng mga block upang ayusin ito.
Preston: Magkarerahan tayo.
Ang una na nakabalik sa tuktok ang mananalo.
Stacy: Okey, sa simula, handa, TAKBO!
Okey, mangangalap na lang ako ng ilan sa terracotta.
Sandali.
Mga igan, hindi ako makapagmina!
Preston: Ako rin,
Lizzy: Gayundin ako.
Stacy: Okey, nakapagtataka talaga ito.
Stampy, nakapagmimina ka ba?
Stampy: Hindi ako makapagmina!
Stacy: Okey, kalma lang.
Stampy: Sira ba ang laro?
Stacy: Kung sira, paano natin aayusin ito?
Lizzy: Hindi ko alam.
Stampy: May nakakaalam ba kung paano isulat ang code ng Minecraft?
(hay) Preston: Ano iyon?
Stampy: Hindi ko pa kailanman nakita ang isa sa mga ito.
Lizzy: Kaibig-ibig!
Stacy: Mapapaamo ba ito?
Preston: Okey, ano ang nangyayari?
May dapat bumalik sa totoong mundo at ayusin ito.
Lahat: Hindi ito!
Stacy: Hindi i- (Bumuntong hininga.)
Okey, ako ang gagawa.
Hoy!
Oh, okey, hoy, ako ay nasa totoong mundo na.
Susubukan kong hanapin ang mga opisina ng Minecraft.
Pero, kakailanganin ko ang tulong ninyo.
Simulang gawin ang tutorial, simulang matutunan kung paano mag-code at hahabol ako sa inyo mga igan pagkatapos
ng ilang lebel, okey ba?
Buwenasin sana ako!
Sa tingin ko dito ang daan.
Aray!
Cactus!
Okey ako.
Para kumpletuhin ang hamon ng Oras ng Code, kailangan mong isulat ang code upang i-program ang agent.
Makikipagtulungan ka sa Ang Agent upang lampasan ang mga harang sa iyong daan para makuha mo
ang mga item na kailangan mo sa paglalakbay mo.
Ang Agent lang ang maaaring maglagay at alisin ang mga block at ikaw lang ang maaaring mangolekta ng mga item.
Nahahati ang screen mo sa tatlong pangunahing bahagi.
Sa kaliwa ang Minecraft.
Ang panggitnang area ang toolbox na may mga command na nauunawaan ng Agent.
At sa kanan ang workspace.
Doon mo ii-stack ang mga command upang gawin ang program mo upang kontrolin ang Agent.
Makakalakad, makaliliko at maa-activate ng Agent ang mga pressure plate.
Maaari rin nitong sirain ang mga block at ilagay ang mga block.
Kung ilalagay nito ang block tulad ng mga riles ng Minecraft na ito, inilalagay nito sa ilalim nito mismo.
Kung nakalimutan mo kung ano ang gagawin, ang mga tagubilin sa bawat lebel ay nasa itaas.
Kung gusto mong subukan muli, maaari mong tamaan ang asul na "reset" na buton upang simulan ang lahat
kung saan ito nagsimula.
At kung kailangan mong tanggalin ang isang block ng code, i-drag ito mula sa iyong workspace papunta sa toolbox.
Tandaan na tamaan ang "run" upang pagalawin ang Agent.
Okey, magpatuloy at subukan ang mga unang ilang lebel.
Suwertehin ka sana!