Ang galing! Nalutas ang tatlo pang palaisipan! At nakabingwit tayo ng...isang salmon. Hindi gaanong ka-exciting tulad ng patong-patong na ginto ngunit kukunin natin kung ano ang makukuha natin. At pakiramdam ko na ang kabibeng nautilus ay magagamit mamaya. Ano kaya ang nagtatago sa mga guhong ito? Baka isa pang palatandaan! Tingnan natin kung ano ang nasa loob. Ako si Netty at maligayang pagdating sa aking mga guho. Ginagawa natin ang mga desisyon palagi base sa mga kondisyon. Kung mukhang uulan, kukuha tayo ng payong. Kung nagugutom tayo, magmemeryenda tayo. Kung nakakita tayo ng gumagapang, tatakbo tayo sa ibang direksiyon. Ginagawa ng mga computer ang mga ganitong uri rin ng mga desisyon. Maaari silang totoong tumugon sa mga kondisyon gamit ang code. Upang mag-program ng isang pagtugon tulad nito gamit ang mga code command, piliin ang isang if path na block. Piliin ang dropdown upang lumikha ng command. Halimbawa, kung sinulat mo ang command na "if path to the right" at ilagay ang turn right sa loob ng conditional, kaya kapag dumating si Steve sa isang bukas na landas sa kanan palaging siyang liliko sa kanan. Kung walang dadaanan sa kanan, hindi siya liliko sa kanan. Ang mga conditional na if command ay malaking tulong kapag pinaandar mo ang code sa mga hindi mahuhulaang sitwasyon tulad ng mga misteryosong guho sa mga kuweba sa ilalim ng dagat. Subukang gamitin ang mga if block at mag-eksperimento sa iyong code. Ang galing! Nakagigilalas ang mga guho ni Netty. Talagang kailangan kong umalis sa bahay ng mga magulang ko. Ano ang naiisip mo? Ang mga kondisyon ba ay tama para sa atin na kumpletuhin ang mga panghuling palaisipan? Halika't subukan natin. Subtitles by the Amara.org community