Maligayang pagdating sa Pagdadagdag
at Pagbabawas ng Praksiyon
Tayo'y magsimula.
Simulan natin sa hindi
ka malilito masyado.
Sana ito ay madali lang para sa iyo.
Ang katumbas ng kapat (1/4)
dagdagan ng kapat ay ano
Pag-isipang kung paano.
Halimbawa may isang pie na nahati sa apat
Itong kapat(1/4) dito,
ibahin natin ang kulay
Ang kapat (1/4) dito,
sabihin natin ito yung kapat ng pie, tama?
At idagdag natin sa isapang kapat.
Gawin natin itong kulay pink.
Itong kulay pink ay siyang kapat ng pie
Kung kakainin ko silang parehas na kapat,
o kaya kapat at kainin ko
pa ang isang kapat,
ga'no karaming nakain ko?
Maaari mong makita sa naiguhit,
Nakain ko na ang dalawa sa apat na piraso
Pag nakain ko ang kapat na piraso ng pie,
at nakain ko ang isa pang kapat ng pie,
bale nakain ko ang dalawang kapat ng pie.
Mula sa modyul ng
katumbas na praksiyon
alam natin na magkatulad ang nakain
kong kalahating pie
may kabuluhan