Ang Internet: Ang mga IP Address at DNS Magandang araw! Ako si Paola, at ako ang software engineer sa Microsoft. Pag-usapan natin kung paano gumagana ang internet. Umaasa ang trabaho ko sa mga network na nakikipag-usap sa isa't isa, pero noong 1970s walang standard na paraan para gawin ito. Umabot sa trabaho nina Vint Cerf at Bob Kahn na imbentuhin ang internetworking protocol, upang gawing posible ang komunikasyon. Ang imbensiyong ito ang naglatag sa kung ano ang matatawag ngayon na internet. Ang internet ay isang network ng mga network. Pinag-uugnay nito ang bilyong device nang sama-sama sa buong mundo. Kaya baka nakakonekta ka sa isang laptop o telepono sa pamamagitan ng wifi, saka ang koneksiyong wifi na iyan ang kumokonekta sa internet service provider (o ISP), at na ikonokonekta ka ng ISP sa bilyong bilyong device sa buong mundo sa pamamagitan ng daan-daang libo ng mga network na lahat ay interkonektado. Isang bagay na hindi pinahahalagahan ng karamihan sa mga tao ay na ang internet ay talagang isang pilosopiya ng disenyo at isang arkitektura na inihayag sa isang hanay ng mga protocol. Ang isang protocol ay kilalang hanay ng mga alituntunin at standard, na kung sumang-ayon ang lahat ng panig hinahayaan nito sila na makipag-usap na walang hirap. Paano totoong pisikal na gumagana ang internet ay hindi gaanong mahalaga kaysa ang katotohanan na ang pilosopiya ng disenyo na ito ay hinayaan ang internet na makiangkop at gamitin ang mga teknolohiya ng bagong komunikasyon. Ito ay dahil para magamit ng isang bagong teknolohiya ang internet sa ilang paraan, kailangan lang nitong malaman kung aling mga protocol ang gagamitin. Lahat ng iba't ibang device sa internet ay may mga katangi-tanging address. Ang isang address sa internet ay isa lang numero, katulad ng numero ng telepono o isang uri ng address sa kalye, na katangi-tangi sa bawat computer o device sa gilid ng network. Katulad nito ang kung paano nagkakaroon ang mga tahanan at negosyo ng address sa koreo. Hindi mo kailangang alamin ang tao upang magpadala sa kanila ng liham sa koreo, pero kailangan mong malaman ang kanilang address at paano isulat ang address nang tama para maihatid ang liham sa pamamagitan ng sistema ng koreo sa patutunguhan nito. Ang sistema ng pag-address ng mga computer sa internet ay magkatulad at bumubuo ito bilang bahagi ng isa sa mga pinakamahalagang protocol na ginamit sa komunikasyon ng internet na simpleng tinatawag na internet protocol o IP. Ang address ng isang computer kung gayon ay tinatawag na IP address nito. Ang pagbisita sa isang website ay paghingi lang talaga ng computer mo sa isa pang computer ng impormasyon. Ipinapadala ng computer mo ang isang mensahe sa IP address ng ibang computer at nagpapadala rin ito kasama ang address ng pinagmulan nito, para malaman ng ibang computer kung saan ipapadala ang tugon nito. Maaaring nakakita ka na ng IP address. Isa lang itong bungkos ng mga numero! Ang mga numerong ito ay inorganisa sa isang hirarkiya. Tulad lang ng address sa bahay na may bansa, lungsod, kalye at numero ng bahay, ang isang IP address ay may maraming bahagi. Tulad lang ng lahat ng digital na datos, bawat isa sa mga numerong ito ay kinatawan sa mga bit. Ang mga tradisyonal na IP address ay 32 bit ang haba na may 8 bit sa bawat bahagi ng address. Ang mga naunang numero ay madalas na kumikilala sa bansa at rehiyonal na network ng device. Saka sunod ang mga subnetwork at saka panghuli ang address ng espesipikong device. Ang bersiyong ito ng pag- address ng IP ay tinatawag na IPv4. Idinisenyo ito noong 1973 at malawak na ginamit sa maagang 80s at nagbibigay ng mahigit 4 bilyong katangi-tanging address para sa mga device na kumokonekta sa internet. Pero naging mas sikat ang internet kaysa sa naisip ni Vint Cerf at ang 4 bilyong katangi-tanging address ay hindi sasapat. Nasa gitna tayo ng maraming taong transisyon sa mas mahabang IP address format na tinatawag na IPv6 na gumagamit ng 128 bit kada address at nagbibigay ng mahigit 340 undecillion na katangi-tanging address. Iyan ay higit pa sa sapat para sa bawat butil ng buhangin sa Daigdig na magkaroon ng sarili nitong IP address. Karamihan sa mga gumagamit ay hindi kailanman nakakita o nag-aalala sa mga internet address. Ang isang sistema na tinatawag na domain name system o DNS ay nag-uugnay sa mga pangalan tulad ng www.example.com sa mga naaayong address. Gumagamit ang computer mo ng DNS upang tingnan ang mga pangalan ng domain at kumuha ng kaugnay na IP address na dating kumokonekta sa computer mo papunta sa patutunguhan sa internet. At makikita ito sa ganitong paraan: (boses 1) "Hoy, kumusta ka diyan, gusto kong pumunta sa www.code.org." (boses 2) "hm...oo hindi ko alam ang IP address ng domain na iyan magtatanong ako. Oy alam ninyo ba kung paano pumunta sa code.org?" (boses 3) "Oo, nakuha ko ito mismo dito ito ay 174.129.14.120." (boses 2)"Oh okey, magaling, salamat Isusulat ko iyan at itabi ito para sa kinalaunan sa pagkakataong kailangan ko ulit ito. Kumusta, narito ang address na iyan na gusto mo." (boses 1) "Ang galing! Salamat." Kaya paano tayo magdidisenyo para sa bilyon-bilyong device upang humanap ng anuman sa bilyon-bilyong iba't ibang website? Hindi makakaya ng isang DNS server na pangasiwaan ang lahat ng mga hiling sa lahat ng mga device. Ang sagot ay na ang mga DNS server ay konektado sa isang naipamahaging hirarkiya at hinahati sa mga sona, hinahati ang responsabilidad para sa mga pangunahing domain tulad ng .org, .com, .net, atbp. Orihinal na nilikha ang DNS upang maging protocol sa komunikasyong bukas at pampubliko para sa mga institusyon sa pamahalaan at edukasyon. Dahil sa pagiging bukas nito, madaling gawin ang mga cyber na atake sa DNS. Isang halimbawang atake ang DNS spoofing. Iyan ay nangyayari kapag gumagamit ang hacker ng DNS server at binabago nito upang tumugma sa pangalan ng domain sa maling IP address. Hinahayaan nito ang umaatake na maihatid ang mga tao sa isang pekeng website. Kung nangyayari ito, bulnerable ka para sa mas maraming programa dahil gumagamit ka ng pekeng website na iyan para ba itong totoo. Ang internet ay malaki at lumalaki pa sa araw-araw. Pero ang sistema ng pangalan ng domain at internet protocol ay idinisenyo ayon sa laki, na hindi inaalintana kung gaano ang paglaki ng internet.