Ang Internet: Ang mga IP Address at DNS
Magandang araw! Ako si Paola,
at ako ang software engineer
sa Microsoft. Pag-usapan natin kung paano
gumagana ang internet. Umaasa ang trabaho ko sa mga network
na nakikipag-usap sa isa't isa, pero noong 1970s walang
standard na paraan para gawin ito.
Umabot sa trabaho nina Vint Cerf at Bob Kahn
na imbentuhin ang internetworking protocol, upang
gawing posible ang komunikasyon. Ang imbensiyong ito
ang naglatag sa kung ano ang matatawag ngayon na
internet. Ang internet ay isang network ng mga network.
Pinag-uugnay nito ang bilyong device nang sama-sama
sa buong mundo. Kaya baka nakakonekta ka
sa isang laptop o telepono sa pamamagitan ng wifi, saka
ang koneksiyong wifi na iyan ang kumokonekta sa internet
service provider (o ISP), at na ikonokonekta ka ng ISP
sa bilyong bilyong device sa buong mundo sa
pamamagitan ng daan-daang libo ng
mga network na lahat ay interkonektado. Isang
bagay na hindi pinahahalagahan ng karamihan sa mga tao ay
na ang internet ay talagang isang pilosopiya ng disenyo
at isang arkitektura na inihayag sa isang hanay ng
mga protocol. Ang isang protocol ay kilalang hanay
ng mga alituntunin at standard, na kung sumang-ayon
ang lahat ng panig hinahayaan nito sila na makipag-usap
na walang hirap. Paano totoong pisikal na gumagana
ang internet ay hindi gaanong mahalaga kaysa ang
katotohanan na ang pilosopiya ng disenyo na ito ay hinayaan
ang internet na makiangkop at gamitin ang mga teknolohiya
ng bagong komunikasyon. Ito ay dahil para
magamit ng isang bagong teknolohiya ang internet sa ilang
paraan, kailangan lang nitong malaman kung aling mga protocol
ang gagamitin. Lahat ng iba't ibang device sa
internet ay may mga katangi-tanging address. Ang isang address
sa internet ay isa lang numero, katulad
ng numero ng telepono o isang uri ng address sa kalye,
na katangi-tangi sa bawat computer o device sa
gilid ng network. Katulad nito ang
kung paano nagkakaroon ang mga tahanan at negosyo ng
address sa koreo. Hindi mo kailangang alamin ang tao upang
magpadala sa kanila ng liham sa koreo, pero kailangan mong
malaman ang kanilang address at paano isulat
ang address nang tama para maihatid ang
liham sa pamamagitan ng sistema ng koreo sa patutunguhan nito.
Ang sistema ng pag-address ng mga computer sa
internet ay magkatulad at bumubuo ito bilang bahagi ng isa
sa mga pinakamahalagang protocol na ginamit sa komunikasyon
ng internet na simpleng tinatawag na internet protocol
o IP. Ang address ng isang computer kung gayon ay tinatawag
na IP address nito. Ang pagbisita sa isang website ay paghingi
lang talaga ng computer mo sa isa pang computer ng
impormasyon. Ipinapadala ng computer mo ang isang mensahe
sa IP address ng ibang computer at nagpapadala
rin ito kasama ang address ng pinagmulan nito, para
malaman ng ibang computer kung saan ipapadala ang tugon nito. Maaaring nakakita ka na ng IP address. Isa lang itong
bungkos ng mga numero! Ang mga numerong ito ay inorganisa
sa isang hirarkiya. Tulad lang ng address sa bahay na may
bansa, lungsod, kalye at numero ng bahay, ang isang IP address
ay may maraming bahagi. Tulad lang ng lahat
ng digital na datos, bawat isa sa mga numerong ito ay kinatawan
sa mga bit. Ang mga tradisyonal na IP address ay 32 bit
ang haba na may 8 bit sa bawat bahagi ng address.
Ang mga naunang numero ay madalas na kumikilala sa bansa
at rehiyonal na network ng device. Saka sunod ang
mga subnetwork at saka panghuli ang address
ng espesipikong device. Ang bersiyong ito ng pag-
address ng IP ay tinatawag na IPv4. Idinisenyo ito
noong 1973 at malawak na ginamit sa maagang
80s at nagbibigay ng mahigit 4 bilyong
katangi-tanging address para sa mga device na kumokonekta sa
internet. Pero naging mas sikat ang internet
kaysa sa naisip ni Vint Cerf at ang 4 bilyong
katangi-tanging address
ay hindi sasapat. Nasa gitna tayo ng
maraming taong transisyon sa mas mahabang IP address
format na tinatawag na IPv6 na gumagamit ng 128 bit kada
address at nagbibigay ng mahigit 340 undecillion na
katangi-tanging address. Iyan ay higit pa sa sapat
para sa bawat butil ng buhangin sa Daigdig na magkaroon
ng sarili nitong IP address. Karamihan sa mga gumagamit ay
hindi kailanman nakakita o nag-aalala sa mga internet address. Ang isang sistema na tinatawag
na domain name system o DNS ay nag-uugnay sa mga pangalan tulad ng www.example.com sa mga naaayong
address. Gumagamit ang computer mo ng DNS upang tingnan
ang mga pangalan ng domain at kumuha ng kaugnay na IP
address na dating kumokonekta sa computer mo papunta sa patutunguhan sa internet. At makikita ito
sa ganitong paraan: (boses
1) "Hoy, kumusta ka diyan, gusto kong pumunta sa www.code.org."
(boses 2) "hm...oo hindi ko alam ang IP address
ng domain na iyan magtatanong ako. Oy alam ninyo ba
kung paano pumunta sa code.org?" (boses 3)
"Oo, nakuha ko ito mismo dito ito ay 174.129.14.120."
(boses 2)"Oh okey, magaling, salamat Isusulat ko
iyan at itabi ito para sa kinalaunan sa pagkakataong
kailangan ko ulit ito. Kumusta, narito ang address na iyan na gusto mo." (boses 1) "Ang galing! Salamat." Kaya
paano tayo magdidisenyo para sa bilyon-bilyong
device upang humanap ng anuman sa bilyon-bilyong iba't ibang
website? Hindi makakaya ng isang DNS server na
pangasiwaan ang lahat ng mga hiling sa lahat ng mga device.
Ang sagot ay na ang mga DNS server ay konektado sa isang naipamahaging hirarkiya at hinahati
sa mga sona, hinahati ang responsabilidad para
sa mga pangunahing domain tulad ng .org, .com, .net,
atbp. Orihinal na nilikha ang DNS upang maging protocol sa komunikasyong bukas at pampubliko para sa mga institusyon
sa pamahalaan at edukasyon. Dahil sa pagiging bukas nito,
madaling gawin ang mga cyber na atake sa DNS.
Isang halimbawang atake ang DNS spoofing. Iyan ay nangyayari
kapag gumagamit ang hacker ng DNS server at binabago nito
upang tumugma sa pangalan ng domain sa maling IP
address. Hinahayaan nito ang umaatake na maihatid ang mga tao
sa isang pekeng website. Kung nangyayari ito, bulnerable ka para sa mas maraming programa
dahil gumagamit ka ng pekeng website na iyan para ba
itong totoo. Ang internet ay malaki at
lumalaki pa sa araw-araw. Pero ang sistema ng pangalan ng domain at internet protocol ay idinisenyo ayon sa laki,
na hindi inaalintana kung gaano ang paglaki ng internet.