Di naka-plug na Aktibidad | Graph Paper Programming Tinatawag ang araling ito "Graph Paper Programming" at tungkol ito sa mga algorithm. Ngayon matututunan natin kung paano magsulat ng mga program na ipinapakita kung paano muling likhain ang simpleng itim at puting larawan, gamit lang ang mga arrow na iginuhit. Ang algorithm ay listahan ng mga tagubilin para makumpleto ang task. Sundin natin ang set na ito ng mga tagubilin sa paggawa ng mangkok. Ang mga algorithm ay talagang kapaki-pakinabang kapag kailangan mong maunawaan ng iba kung paano gumawa ng isang bagay. Kung sumusulat ka ng algorithm para sa computer, kailangan mong hatiin ito sa maliliit na hakbang. Kaya tapusin ang row na ito at pumunta sa susunod, pagkatapos ang susunod, tapos ka na. Gumagamit ako ng mga algorithm sa trabaho ko. Kung isusulat ko ang lahat ng mga hakbang malilikha ko muli ang parehong piraso, o tuturuan ko ang iba na gawin ito. Ilagay ang baso sa hurno, pagsamahin ito, sundin ang natitirang mga tagubilin upang gawin ang mangkok. Ang mga algorithm ay nagbibigay sa iyo ng road map para makagawa ng isang bagay.