Di naka-plug na Aktibidad |
Graph Paper Programming
Tinatawag ang araling ito
"Graph Paper Programming"
at tungkol ito sa mga algorithm. Ngayon matututunan
natin kung paano magsulat ng mga program na
ipinapakita kung paano muling likhain ang
simpleng itim at puting larawan, gamit lang ang mga arrow na iginuhit.
Ang algorithm ay listahan ng mga tagubilin para
makumpleto ang task. Sundin natin ang set na ito ng
mga tagubilin sa paggawa ng mangkok. Ang mga algorithm
ay talagang kapaki-pakinabang kapag kailangan mong
maunawaan ng iba kung paano gumawa ng isang bagay.
Kung sumusulat ka ng algorithm para sa computer, kailangan mong
hatiin ito sa maliliit na hakbang. Kaya tapusin ang row
na ito at pumunta sa susunod, pagkatapos ang
susunod, tapos ka na. Gumagamit ako ng mga algorithm
sa trabaho ko. Kung isusulat ko ang lahat ng mga hakbang
malilikha ko muli ang parehong piraso, o
tuturuan ko ang iba na gawin ito. Ilagay ang baso
sa hurno, pagsamahin ito, sundin ang
natitirang mga tagubilin upang gawin ang mangkok.
Ang mga algorithm ay nagbibigay sa iyo
ng road map para makagawa ng isang bagay.