Sulat ng Pag-ibig para sa Sundalo
Mahal kong Samsul
Samsul, sinulatan kita ng dalawang beses pero hindi ka sumagot.
Sa tulong ng video letter na ito, sana makita mo ang iyong anak at mahimuk kang sumagot.
Dinala ko ang video letter na ito galing pa sa Bupul papuntang Merauke para mapanood mo.
Samsul, nakatira pa rin ako sa Bupul kasama sa Nanay at Tatay.
Walang nagbago sa Bupul. Sariwa pa rin ang hangin
Hanggang ngayon wala pa ring kuryente at telepono.
Papunta ng Merauke, marami kaming dinaanan na mga border security posts.
Yung poste ng TNI na dating malapit sa Maro River tulay
nilapat na malapit sa opisina ng Eligobel District.
Alam mo naman na mahirap ang biyahe galing Bupul papuntang Merauke,
tumatagal ng 4 hanggang 5 na oras.
Samsul, nangungulila ako sa iyo.
Pagkatapos mo akong iwanan -- nung ikalimang buwan ng pagbubuntis ko
- humirap ang buhay ko.
Maraming nagtatanong kung sino ang ama ng anak ko.
Yung nakakaalam na sundalo ng TNI ang ama nya tinatawag siyang 'army brat'.
Minsan kapag nagaalboroto si Yani,
sumisumiklab sina Nanay at Tatay at sinasabi sa kanya
"Yung Tatay mo alam lang gumawa ng bata pero di ka naman pinanagutan!"
Madalas tahimik ko na lang tinatanggap yung mga masakit na pananalita ng nila.
Samsul, naalala mo pa ba nung nagkakila tayo nung 2008?
Napakabait at magalang mo.
Bumibisita ka sa bahay namin, parating may dalang biskwit, Energen at gatas.
Bumisita araw-araw hanggang sinagot kita.
Nasa high school pa lang ako nun.
Akala ko magpapakasal tayo.
Pero umalis ka papuntang Bandung nung Nobyembre 2008 nung ikalimang buwan ng pagbubuntis ko.
Sumumpa ka na lilipat ka ng Merauke at nakiusap ka ng alaagan ko muna ang ating anak.
Pinanganak si Anita Mariani nung 17 Marso 2009 sa Bupul.
Tinatawag ko syang Yani.
Malaki na si Yani. Tatlong taong gulang na sya.
Gusto nyang mag-aral para maging kapaki-pakinabang sa ating bansa.
Samsul, tumatanda na sila Nanay at Tatay.
Hindi na nila kayang magtrabaho para suportahan ang anak natin.
Nahihirapan akong maghanap ng trabaho dahil kailangan kong alagaan si Yani.
Pero nagsisikap pa rin ako para masuportahan ang anak natin.
Kung bumalik ka, syempre tatanggapin kita ng buo sa loob ko.
Iintayin pa rin kita, Samsul.
Wala akong pakialam kung anong sinasabi ng iba.
Pag-ibig galing Bupul at Merauke, 21 Nobyembre 2011.
Maria Goreti Mekiw