Nung ako'y siyam na taong gulang Sumama ako sa isang summer camp. At inimpake ng aking ina ang isang maletang punong-puno ng libro, na para sa akin ay pawang natural lamang na gawin. Dahil sa aming pamilya, ang pagbabasa ay isang pangunahing gawain. Siguro ay sa tingin n'yo na kami'y mapag-isa ngunit para sa amin, iba lang itong paraan sa pakikipagkapwa. May mainit na awra ng iyong pamilya nasa tabi mo, pero ikaw rin ay malayang malakbay sa mga adventureland ng iyong utak mo. At sa tingin ko na maging ganito ang aking karanasan sa camp, pero mas maganda pala. (Tawanan) Ini-imagine ko na mayroong sampung babaing umu-upo sa loob ng kabina na komportabling nagbabasa ng mga libro sa kanilang damit pantulog. (Tawanan) Ang isang camp ay para na ring inuman na walang alak. At sa unang araw kami ay tinipon ng aming counselor at tinuruan niya kami ng isang cheer na gawin daw namin bawat nalalabing araw ng summer para makintal ang diwa ng camp. Ganito yun nangyari: "R-O-W-D-I-E, ganyan namin binaybay and rowdie. Rowdie, rowdie, tara na mag-rowdie." Yeah. Hindi ko matanto sa aking buhay at kung bakit dapat o bakit ibahin pagkabaybay ang salita. (Tawanan) Pero ni-recite ko pa rin ang cheer. Sabay akong bumigkas sa lahat. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. At hinintay ko lang ang tamang oras na ako'y lumiban at magbasa ng aking mga libro. Ngunit nang una kung kumuha ng aklat sa aking maleta, ang pinaka-cool na babae ay tumungo sa akin at nagtanong, "Bakit ka napaka-malungkutin?" -- malungkot, ay talagang pagiging kasalungat ng R-O-W-D-I-E. At sa pangalawang pagkataong ako'y sumubok, ang counselor ay dumating na may pagkakabahala sa kanyang mukha at pinaaalahanan niya ako sa diwa ng camp at dapat kaming magsikap ng maiigi para makihalubilo sa iba. At inilayo ko na lang ang mga aklat, balik sa maleta, at inilagay ko sa ilalim ng higaan, at doon na sila hanggang sa huli ng summer. At nakonsyensya ako sa ginawa kong ito. Sa tingin ko'y kinailangan ako ng aking libro, nagtatawag sila sa akin ngunit sila'y aking tinalikdan. Tinalikdan ko nga sila at di ko na binuksan and maleta hanggang sa akoy nakabalik sa amin sa katapusan ng summer. At ngayong aking sinalaysay itong estorya hinggil sa isang summer camp. May limampung kwento pa akong maaring ikwento -- lahat ng panahong makatanggap ako ng mensahe na kahit papaano, ang aking tahimik at pagiging introvert ay hindi ang ang talagang pinakatama at dapat ipag-paigi ko na maging mas extrovert. At palaging kong inisisip na ito'y mali at ang mga introverts ay napakahusay sa pagiging sila. Pero sa mga nakalipas na panahon ay tinanggihan ko itong intuwisyon, at ako nga ay naging abogada ng Wall Street, sa lahat ng bagay, sa halip ng pagiging manunulat na siyang aking pinangarap -- siguro ay dahil gusto kong patunayan sa aking sarili na ako ay maaring maging matapang at asertib rin. At palagi na akong lumalabas sa mga nagsisiksikang bar kahit na mas gusto ko talagang magkaroon na lamang ng dinner sa mga kaibigan. At ginawa ko itong mga self-negating choices na napaka-refexive, na hindi ko namalayang ginagawa ko sila. Ngayon ito ang ginagawa ng mga introverts, at ito ay para bang ang aming kalugian, pero ito rin ay kalugian ng aming mga kasama at kalugian nating komunidad. At sa risgo ng matunog na kadakilaan, ito ay kawalan ng ating daigdig. Dahil kung ang pag-uusapan natin ay pagiging malikhain at pamumuno, kinakailangan natin ang mga introverts gumawa kung ano sila pinakamahusay. Isa sa tatlo o hanggang sa kalahati ng ating populasyon ay mga introverts -- isa sa tatlo o hanggang kalahati. Lumalabas na merong isa sa bawat dalawa o tatlo kataong kilala mo. Kung ikaw ay isang extrovert, ako ay nangungusap hinggil sa inyong mga katrabaho, at inyong mga asawa at mga anak. at ang taong naka-upo katabi mo -- lahat sila ay saklaw sa bias na ito iyan ay napakatotoo sa ating lipunan. Nasa sarili na natin ito sa murang edad nang walang pangalang maitawag kung ano ang ginagawa natin. Ngayon, para makita natin ang bias nang maigi ating alamin kung ano ba talaga ang introbersiyon. Iba ito sa pagiging mahiyain. Ang pagkamahiyain ay hingil sa takot ng puna sa lipunan. Ang introbersiyon ay higit pa tungkol sa paano ka tumugon sa estimyolasyon, kasama na ang sa panlipunang paksa. Sinasabik ng mga extroverts ang maraming estimolasyon, samantalang ang mga introverts ay pinaka-buhay at pinaka-gising at pinaka-mahusay kung sila ay nasa mas tahimik na lugar. Hindi sa lahat ng panahon --ang mga bagay na ito'y hindi lubos -- pero sa halos lahat ng panahon. Kung gayon, ang sagot para mapalawak natin ang ating mga talento ay para tayong ipagka-isa sa estimulasyong bagay sa ating lahat. Pero dito na lumalabas ang bia. Sa ating mga pinaka-importanting institusyon, ang ating mga paaralan at pinagtatrabahuan, sila ay dinesenyo sa halos ng lahat ng bagay para sa mga extrovert at tugon para sa estimulasyong hinahangad ng mga extrovert. At nariyan din ang ating paniniwala na tinatawag kong "groupthink", na nagsasabong ang pagkamalikhain at pagkaproduktibo ay manggagaling sa kakaibang lugar na naglalayong sayo na makisama. Kung iisipin mo ang tipikal na silid-aralan ngayon: Nung ako'y nag-aaral, umupo kami nang nakahanay. Nakaupo kami sa hanay ng upuno nang ganito, at ginagawa namin ang bagay-bagay nang mag-isa. Pero, ngayon, ang tipikal na silid ay may lupon ng mga mesa -- apat o lima o anim o pitong mga bata ay naghaharap sa isa't isa. At gumagawa ang mga bata ng walang hanggang group assignments. Kahit na sa asignaturang math at pagsusulat, na kung iisipin mo ay nagdepende talaga sa sariling pag-iisip, ang mga bata ngayon ay inaasahang maging miyembro ng komite. At sa mga batang mas gusto na magtungo sa sarili nila o gumawa ng mag-isa, yung mga bata na parang hindi kasali o, mas malala pa. Halos lahat ng mga guro ay naniniwala na ang pinaka-ulirang estudyante ay isang extrovert at hindi ang introvert, gayong ang mga introvert naman talaga ang nakakakuha ng mas mataas na marka at mas may alam, ayon sa isang pagsaliksik. (Tawanan) Okay, iyan ay pareho sa ating pinagtatrabahuan. Ngayon, halos lahat natin ay nagtatrabaho sa lantarang opisina, walang dingding, tayong lahat ay nakasaklaw sa mga ingay at titig ng ating mga katrabaho. At pagdating sa pamumuno, ang mga introverts ay regular na napapabayaan sa mga namumunong posisyon, kahit na ang mga introvert ay napakamaingat, at mas nag-iingat sa mga risgo -- na isang bagay na maaring pabor tayong lahat sa kasalukuyan. Isang interesanting pananaliksik ni Adam Grant sa Wharton School ang nakatukoy na ang mga pinunong introvert ay madalas nakakagawa ng mas mabuti kaysa mga extrovert. dahil kung sila'y nangungulo ng mga proactib na empleyado, madalas ay hinahayaan nila ang mga ito na ipatuloy ang kanilang mga ideya, samantalng ang mga extrovert ay, nang hindi sinasadya, nagiging mas na-eeksayt sa mga bagay na sila na lang ang gumagawa sa lahat ng bagay, at mga ideya ng ilan ay mahihirapang umusbong. Sa katunayan, ilan sa mga lider na nagpabago ng ating daigdig ay introvert. Magbibigay ako ng mga halimbawa. Eleonor Roosevelt, Rosa Parks, Gandhi -- lahat sila ay nagsasabing mga introvert na napakatahimik at mahinang magsalita at maging mahiyain. At silang lahat ay naging tanyag, kahit na bawat buto sa kanilang katawan ay pumipigil nito. At ito ay nagpapahiwatig nang pagiging pagkakaroon ng kapangyarihan sa panarili, dahil ang mga tao ay nakaramdam na sila ang nasa timon, hindi dahil gusto nila ang ang mangulo sa iba at hindi dahil sa kagustuhan nilang mapansin; nadun sila dahil wala silang ibang mapilian, dahil sila ay ginagabayang gawin ang sa tingin nila ay tamang gawin. Nagyon, naisip kong importanting masabi sa inyo na gusto ko talaga ang mga extrovert. Gusto ko talagang sa isang taong na ang pinakamatalik niyang kaibigan ay isang extrovert, pati na ang pinakamahal kong asawa. At tayo ay sakop ng iba't ibang saklaw, sa espektro ng pagiging introvert/extrovert. Kahit na si Carl Jung, na nagpasikat sa mga terminong yaun, ay nagsasabi na wala naman talang puro na introvert o puro na ectrovert. Sabi pa niya na ang taong iyan ay maaring nasa asilo ng mga baliw, kung nabubuhay man siya. At may mga taong nasasaklaw sa gitna ng pagiging introvert/extrovert, at tinanawag natin silang ambiverts. At madals kong iniisip na nasa kanila ang pinakamabuti sa mundo. Pero maarami sa atin ay kinikilala ang sarili sa isang tipo laban sa isa. At ang gusto kong sabihin ay kinakailangan natin na mas angkop na balanse. Kinakailangan natin ng yin at yang sa dalawang tipo. Ito ay napaka-importante lalo na sa pagiging pagkamalikhain at pagiging produktibo, dahil sa tingin ng mga sikologo sa mga buhay ng mga pinakamalikhaing tao, nakita nila na ang mga taong magaling sa pakikipagpalitan ng mga ideya at pagsulong ng mga ito, pero sila din yun may malaking bahagi ng introbersyon sa kanila. At ito ay dahil ang pag-iisa ay madalas importanteng sangkap sa pagiging malikhain. Kaya si Darwin, naglakad siya nang mag-isa sa gubat at mariing tinanggihan ang imbitasyon sa salu-salo, Theodor Geisel, mas kilala sa bansag na Dr. Seuss, naisip niya ang karamihan sa kanyang mga nakakamanghang ginawa sa isang malungkot na silid sa isang tore ng kampana sa likod ng kanyang bahay sa La Jolla, California. At siya ay talagang takot na makatagpo ang mga bata na nagbabasa ng kanyang libro dahil sa takot na silay umaasa sa kanya na isang masayahing anyo na Santa Claus at maari pa silang mabigo sa kanyang mas tahimik na persona. Si Steve Wozniak na siyang nakaimbento sa kauna-unahang Apple computer na nakaupong mag-isa sa kanyang kubiko sa Hewlett-Packard kung saan siya nagtrabaho noon. At sinabi niya na hindi sana siya maging eksperto sa unang pagkakataon kung hindi siya naging introvert para lisanin ang bahay nila nung siya ay lumalaki. Siyempre ngayon, hindi naman ito nangangahulugang titigil tayo sa pakikipagtulungan -- at sa puntong iyan, ay si Steve Wozniak ay kilalang nakikipagtambal kay Steve Jobs para umpisahan ang Apple Computer -- pero nangangahulugan lamang iyan na ang pagiging mapag-isa ay mahalaga at para sa ibang tao ito ay ang hangin na ating hinihinga. At sa katunayan, alam natin sa nakalipas na siglo hinggil sa transedenting kapangyarihan ng pag-iisa. Ngayon lang tila natin nalilimutan ito. Kung papansinin ninyo sa karamihan ng malalaking relihiyon sa daigdig, sa mga naghahanap -- Moses, Hesus, Buddha, Muhammad -- sila ay nagtungong mag-isa sa kaparangan na kung saan masiwalat nila ang mga malalim na epipanya at rebelasyon at tutungo na sila pabalik sa komunidad. Gayong walang kaparangan, walang rebelasyon. Ngunit hindi na rin nakakagulat ang mga pananaw ng kontemporaryong sikologo. Nangyari na hindi tayo naroon sa isang grupo nang walang pangungopya sa kanilang pananaw. Kahat sa mga bagay na personal at pansarili gaya ng kanino ka nagkagusto, natutunan mong gumaya sa mga kuro-kuro ng mga tao sa paligid mo kahit na hindi mo namalayan na ginagawa mo pala ito. At sa grupo kinikilala ang opinyon ng pinaka-dominate o karimateko sa lahat, kahit na wala naman talagang kaugnayan sa pagitan ng pagiging pinakamabuting mananalita at sa taong mayroong pinakamagandang ideya -- Ang ibig kong sabihin ay walang wala. Kaya ... (Tawanan) Maaring ika'y taga-sunod ng taong may pinakamagandang ideya, o maaring hindi. And mas gugustuhin mo ba talagang iiwan na lang ito sa kapalaran? Mas maganda sa lahat na tumungo sa kanilang sarili, maglikha ng sariling ideya lumiban sa mga distorsyon ng dinamiko sa loob ng grupo at pagkatapos ay magsamasama bilang isang pangkat para pag-usapan ito sa mas maayos na paligid at magsimula diyan. Kung gayong ito ay totoo, bakit tayo nagkakamali? Bakit ginagawa natin ang mga paaralan at pinagtatrabahuan ng ganito? At bakit pinakonsyensya natin ang mga introvert sa kanilang pag-iisa sa ilang panahon? Ang kasagutan ay nariyan sa kasaysayan ng ating kultura. Ang mga kanlurang lipunan, lalo na sa U.S., ay mas kinilala ang man of action kaysa man of contemplation at "man" of contemplation. Pero sa unang araw ng America, tayo ay nabubuhay sa tinatawag ng mga mananalaysay na culture of character, na kung saan, sa puntong iyon, ay pinahahalagahan pa natin ang tao sa kanilang kalooban at moralidad. At kung titingnan mo sa mga self-books ngayon, nariyan ang mga pamagat na "Karakter, ang Pinakadakilang Bagay sa Daigdig." At pinakilala ang mga bantog tulad ni Abraham Lincoln na pinuri sa kanyang mababang-loob at hindi hambog. Si Ralph Waldo Emerson ay kinilala siyang "Ang taong hindi naka-offend ng pagiging mataas na uri." Pero bumaling tayo sa ika-dalawampung siglo at pumasok tayo sa bagong kultura na tinawag ng mga mananalaysay bilang culture of personality. Ang nangyari ay umunlad mula sa pagiging agrikultural sa mundo ng kalakalan. At biglang nagtungo ang mga tao mula sa maliliit na pueblo sa siyudad. At sa halip na mgatrabaho kasama ang mga taong kilala nila sa buong buhay ngayon ay pinapatunayan nila ang sarili sa mga estranghero. Kaya, medyo maliwanag, na ang mga katangian tulad ng magnetism at karesma ay biglang naging napaka-importante. At tiyak, na ang mga self-help books ay nagbago para matugugan itong bagong pangangailangan at nagsimula sila ng mga pangalang tulad ng "Paano Makakuha ng mga Kaibigan at Makaimpluwensya ng mga Tao." At ipinakilala nila ang mga modelo na mga magagaling na salesman. At iyan ang mundong kinalalagyan natin ngayon. Iyan ang iting bilin sa ating kultura. Walang sinuman ang makakapagsabi na ang mga social skill ay hindi importante, at hindi rin ako nagtatawag para itigil ang teamwork. Ang mga perihong relihiyon na ipinadala ang kanilang mga pantas sa tuktok ng bundok ay nagtuturo din sa atin ng pagmamahal at pagtitiwala. At ang problemang hinaharap natin ngayon sa agham at ekonomiya ay napakalawak at masalimuot at kinakailangan natin ng mga hukbo ng taong nagkaisang para solbahin ang problema. Pero ako'y nagsasabi na mas bigyan natin ng kalayaan ang mga intovert sa pagiging sila, mas makakabuo sila ng kanilang natatanging solusyon sa mga problema. Kaya ngayon gusto kong maibatid sa inyo kung ano meron sa aking mga maleta ngayon. Hulaan ninyo? Mga libro. Punong puno ang maleta ko ng libro. Ito ang kay Margaret Atwood na "Cat's Eye." Ito naman ang nobeka ni Milan Kundera. At ito ang "The Guide fot the Perplexed" ni Maimonides. Pero hindi ko talaga mga libro ito. Dinala ko lang ito ngayon dahil sinulat sila ng mga manunulat na paborito ng aking lola. Ang aking lolo ay isang rabbi at isang biyodo na nanirahan sa isang maliit na apartmnet sa Brooklyn na yun ang pinakapaborito kong lugar nung akoy lumalaki, bahagya dahil puno iyon ng kanyang mayumi at magalang na presensya at bahagya dahil punong puno ito ng mga libro. Literal ang pagkakasabi ko na bawat mesa at bawat upuan sa apartment ay nadaig ang orihinal nitong selbi at nagiging patungan na lang ng mga imbak ng libro. Tulad din sa amin, ang pinakapaboritong gawin ng aking lolo ay ang pagbabasa. Pero mahal rin nya ang kanyang kongregisyon, at maramdaman mo itong pagmamahal sa kanyang mga sermon sa bawat linggo sa loob ng 62 na taon niya na pagiging rabbi. Iipunin niya ang bunga ng bawat linggong pagbabasa at ang mga tepiserya ng maka-antigo at humistikong isipan. Ang mga tao ay dumarating mula sa iba dako para marinig siyang magsalita. Pero may isang bagay meron sa aking lolo. Sa loob ng kanyang pansiremonyang tungkulin, isa siyang tunay nga na kung magbigay siya ng sermon, naging mahirap sa kanya ang pagkaroon ng eye contact sa mismong kongregisyon na pinagsasalitaan sa loob ng 62 taon. At kahit malayo sa pulpito, kung babatiin mo siya, ay susubukin niyang matapos ang pakikipag-usap ng mas maaga dahil sa takot na kinukuha niya ang oras mo. Pero namatay siya sa gulang na 94, ang polisya ay sinara ang mga kalsada sa kanyang distrito para matanggap ang mga tao na dumarating para pagluksaan ang kanyang pagpanaw. At sa ngyon gusto kong matutuo sa mga ihemplo ng aking lolo sa aking paraan. Kaya isinulat ko ang isang libro hinggil sa introbersiyon, at umabot ng pitong taon para ito masulat.. At par sa akin, yun pitong taon na iyon ay lubos na kaligayahan, dahil ako ay nagbasa, nagsulat nag-isip, nagsaliksik. Iyon ang aking bersyon ng pag-iisa ng aking lolo sa kanyang aklatan. Pero ngayon ay biglang nabago ang aking trabaho, at ang aking trabaho ay pumarito at magsalita hinggil duon, magsalita tungkol sa introbersiyon. (Tawanan) At yan ay bagay na mahirap sa akin, dahil karangalangan ko ang pumarito sa inyong lahat ngayon, ito ay hindi ang kinagisnan kong kapaligiran. Kaya inihanda ko ang aking sarili para sa pagkakataong ganito sa abot ng aking makakaya. Ginugol ko ang aking sarili sa nakaraang taon para sa public speaking sa bawat pagkakataong makuha ko. At tinawag ko itong aking "taon ng peligrosong pagsasalita." (Tawanan) At talagang nakatulong iyon sa akin. Pero ito aysabihin ko sa inyo, kung ano ang mas nakatulong sa akin ay ang aking diwa, ang aking paniniwala, ang aking pag-asa na sa pagdating ng ating saloobin sa introbersiyon at sa katahimikan at sa pag-iisa tayo ay nariyan sa gilid ng pagbabago. Ibig sabihin na tayo. At ibig kong iwan kayo nitong tatlong tawag sa pagkilos para sa naka-ugnay nitong pananaw. Una: Ipigil ang kalokohan ng walang hangang group work. Itigil lang yan. (Tawanan) Salamat. (Palakpakan) At gusto kung maging malinaw sa aking sasabihin, dahil naniniwala ako na ang ating mga opisina ay dapat naghihikayat ng kaswal, yung tulad sa kapehan na interaksiyon -- alam mo na, yung tipong nagsama-sama ang mga tao at di-sinasadyang nagpalitan ng mga ideya. Yun ay mahusay. Iyon ay mabuti para sa mga introvert at mabuti para sa mga extrovert. Pero kailangan natin ng mas magiging pribado at mas maging malaya at mas may otonomidad sa trabaho. Sa eskwelahan ay ganun din. Kailangan nating ituto sa mga bata ang pagtutulungan, siyempre, pero kailangan din natin silang turuang magtrabaho sa sariling paraan. Importante ito lalo na sa mga batang extrovert. Kailangan nilang magtrabaho nang mag-isa dahil diyan nagmumula ang malalim na kaisipan. Okay, pangalawa: Tumungo sa kaparangan. Maging kapareho ni Buddha, gumawa ka ng iyong rebelasyon. Hindi ko sinasabing tumungo tayong lahat ngayon sa bundok at mag-yari ng ating dampa at di na mag-uusap sa isa't isa, pero ang gusto kong sabihin ay ating hukayin ang meron sa ating utak nang mas madalas pa. Pangatlo: Tingnang mabuti kung anong meron sa loob ng iyong maleta at bakit mo inilagay yun. Kaya mga extrovert, marahil ang inyong maleta ay puno din ng mga libro. O marahil ay ng mga champagne glasses o kagamitan sa skydiving. Kung ano man ang meron, ako'y umaas na sana ang mga ito nailabas mo sa bawat pagkakataon at bigyan kami ng biyaya ng iyong enerhiya at kaligayahan. Pero sa mga introvert, ikaw bilang ikaw, marahil ay mayroon kang paghihimok para bantayan nang maigi kung ano man meron sa loob ng iyong maleta. At yun ay okay lang. Pero paminsan-minsan, paminsan-minsan lang, nais ko sanang buksan mo ang iyong maleta para makita ang loob nito sa iba, dahil ang daigdig ay kailangan ka at kailangan nito ang mga bagay na iyong dinadala. Kaya, ninanais ko ang pinakamabuti sa lahat ng mga paglalakbay at ang kagitingan para magsalita ng mahina. Maraming salamat. (Palakpakan) Salamat. Salamat. (Palakpakan)