Mayroon tayong bagong block na tinatawag na kung/kung hindi na block. Ito ay kondisyonal na pahayag tulad ng kung na block na ginamit mo dati sa mga palaisipan. Ngunit ngayon may bagong bahagi sa ibaba na nagsasabing kung hindi. Pinapayagan ng kung/kung hindi na block ang bubuyog na magdesisyon sa pagitan ng dalawang hanay ng mga pagkilos. Kung nasa bulaklak ang bubuyog, gagawin ng bubuyog ang hanay ng mga pagkilos na inilagay mo sa unang bahagi kung saan sinasabing gawin. Kung wala sa bulaklak ang bubuyog, gagawin ng bubuyog ang hanay ng mga pagkilos na inilagay mo sa puwang na kung saan nagsasabi ito ng kung hindi. Ang kung na mga pahayag ay paraan na nagagawa ng mga computer ang mga desisyon. Nagtatakda ang mga tao ng mga kondisyon sa computer na nagsasabi kung ang computer ay iniharap sa tiyak na sitwasyon gawin ito. Kung hindi, na nangangahulugang iba pang paraan, gawin mo iyon. Ang itaas ng ating kung/kung hindi na block ay nagsasabi kung nasa bulaklak. Ngunit ang itaas ng block natin maaaring sabihin ang iba pang mga bagay, tulad ng kung ang nectar ay katumbas ng 2 o kung may landas sa unahan, ang block natin kikilos sa parehong paraan. Na kung ang pahayag sa itaas ay totoo gagawin nito ang unang hanay ng mga pagkilos. Ngunit kung ang pahayag sa itaas ay hindi totoo, gagawin nito ang ikalawang hanay ng mga pagkilos.