Oras ng Code Minecraft | Mga Event Sa susunod na lebel na ito, maaari mong piliin na maging si Steve o si Alex. Pindutin ang mga palasong buton sa iyong keyboard upang gumalaw pataas, pababa, pakaliwa at pakanan. Ngayon maaari ka ng gumalaw sa isang lebel saan man mo gusto. Upang gumamit ng isang nilikha, lumakad lang patungo dito, harapin ito at pindutin ang spacebar. Kung gumagamit ka ng touch screen, i-swipe pataas, pababa, pakaliwa at pakanan upang gumalaw. Saka i-tap ang laro upang gamitin ang item na nasa harap mo. Ngunit ano ang nangyayari kapag ginamit mo ito? Sa Minecraft, maghuhulog ng lana ang tupa kapag ginupit mo sila, tatakbo ang mga baka kung hinampas mo sila at sasabog ang mga gumagapang kapag lumapit ka sa kanila. Ang mga pagtugong ito ay nangyayari salamat sa isang bagay na tinatawag na mga event. Sinasabi ng mga event sa iyong program na makinig o maghintay sa isang bagay na nangyayari. At kapag ginawa ito, kikilos. Hanggang ngayon, ginamit mo na ang isang event. Ang code na inilagay mo sa "when spawned" na slot ay umaandar kapag ang nilikha mo ay nalikha o kapag nagsimula ang laro. Sa susunod na ilang lebel magkakaroon ka ng mga bagong slot para sa mga event tulad ng "when touched" na aandar kapag hinawakan mo ang nilikha, o "when used" kapag ginagamit mo ang nilikha. O, kung gusto mong ang zombie mo ay mawala kapag sumisikat na ang araw, ilagay iyan sa "when day" slot.