Nakikinikinita mo ba kung kailangan mong ulit-ulitin ang isang bagay nang walang katapusan? Sana hindi mo kailangang gawin ito dahil napakagaling ng mga computer sa pag-uulit-ulit ng mga bagay. Ito ang "repeat forever" na block. Anumang nasa loob ng block na ito ay mangyayari magpakailanman sa laro. Kung gusto nating gawin ng aktor ang isang bagay nang paulit-ulit nang walang ginagawa kahit ano ang manlalaro, ilalagay natin ang mga block na iyon sa loob ng "repeat forever" na block. Sa susunod na palaisipang ito, ang ating tunguhin ay tulungan si Anna na maglakad pataas at pababa nang tuloy-tuloy. Ang pagkatuto kung paano gumagana ang mga repeat command ang magsasalba iyo ng maraming oras kapag ginawa mo ang sarili mong laro. Subtitles by the Amara.org community