Magandang araw sa inyo! Ako si Dr. Kirk Leifso Ako ay Dosktor para sa mg bata at isang espesyalista sa mga nakakahawang sakit. at Ako'y nandito upang tulungan kayo ng inyong pamilyang maging malusog. Ikaw ay pumupunta sa mga doktor at iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pagkalusugan dahil ginagamit namin ang pinaka-pinagkakatiwalaan sa kasalukuyang kaalamang medikal para alagaan ang ating mga pasyente Ito ang pinaka dahilan kung paano ako magbigay ng pangangalaga at ito rin ang dahilan kung bakit ako naging isang doktor: upang magsanay ng medisina at upang mapanatiling malusog ang mga tao hangga't maari Sa mga nakalipas na dekada o higit pa, ang mga artista at iba pang mga sariling ipinoklamang may alam sa kalusugan ng tao ay ipinahayag ang kanilang opinyon laban sa bakuna. Ang kanilang opinyon na walang pinagbabasehan na magpakakatiwalaang pananaliksik at sa pagsusuri, Ang kanilang opinyon ay panabulaanan ng paulit-ulit ng medica science, na siyang mismong pinagmulan ng pinagkakatiwalaan mo para sa iyong pangangalagang medikal. Mahirap itong patunayan na mali o negatibo. Para kang humiling na hulihin ko ang boogeyman ( isang halimaw na gawa-gawa ng mga matatanda na panakot sa mga bata) para lamang ipakita sayo na hindi ito totoo. Ito ay imposible. Minsan ang mga pag-aalinlangan na ito ay napapatuloy pa rin kahit sa opisina ng doktor, kung saan ang mga magulang ay nagpupunta sa amin tungkol sa kalusugan ng kanilang pamilya. kaya bakit mas maraming magulang ang nagtatanong sa aming mga doktor tungkol sa regular na pagbabakuna? Ito ay magandang katanungan. upang maunaawaan mo at makagawa ka ng matalinong desisyon gamit ang mga mapag-kakatiwalaang impormasyon. Ang mga magulang na makaririnig nito ay madalas naiiwang nagtataka at nagdadalawang isip. At ang resulta ay ilan sa mga kabataan ang hindi nabakunahan, na siyang dahilan kung bakit nasa panganib ang kanilang kalusugan. Ang mga doktor and nurses ay nandito para sayo at sa iyong anak. Ngayong araw, Ang ating pag-uusapan ay patungkol sa madalas na katanungan o alalahanin patungkol sa bakuna Ito ay para maengganyo kayo na ipagpatuloy ang usapan na ito sa inyong mga doktor. Ako ay umaasa na piliin mo ang pinakamagandang desisyon para sa iyong buong pamilya base sa agham medikal. Taon-taon, ang regular na pagbabakuna ay naprotektahan ang mga pamilya at mga bata sa Canada mula sa mga maiiwasang sakit. At hoy, hindi nakakatuwa ang mga karayom. Bilang isang magulang mismo, ayokong makita ang aking anak na nagagalit, ngunit ang bakuna ay maprotektahan ka lamang kapag ginamit na, Kagaya na lamang ng upuan sa sasakyan na may seatbelt. Kung maantala ka o hindi mabakunahan, ang iyong anak ay hindi mapoproteksyonan. Ang mga bakuna ay may mahusay na rekord ng kaligtasan, at sila ay patuloy na sinusubaybayan at nasubok sa buong mundo at sa Canada bago sila maaprubahan para sa paggamit. Kayo ang proud na magulang ng isang malusog na sanggol. Binabati kita! Sa lahat ng iba pa mga bagong gawain sa iyong buhay, tulad ng mga iskedyul ng pagtulog at pagpapakain, ibibigay sa iyo ng iyong doktor isang iskedyul ng pagbabakuna. Binabalangkas ng iskedyul na ito kung kailan dapat gumawa ng appointment para sa unang bakuna ng iyong sanggol at sa mga susunod pang-bakuna. Nagsisimula sila sa edad na dalawang buwan. Kung napalampas mo na ang mga shot, makakahabol ka pa. Makipag-usap sa iyong doktor o nars tungkol sa pagpapabalik. Sa bawat pagbabakuna, nakakatulong ka sa immune system ng iyong sanggol labanan ang mga sakit na maaaring makapinsala sa kanilang mga organ, mga paa, kakayahan sa pag-iisip at pagsasalita. Paano gumagana ang mga bakuna? Nag-trigger sila ng tugon mula sa immune system ng iyong sanggol, na natututong kumilala at pagkatapos ay atakihin at ipagtanggol laban sa impeksyon sa kaso ng pagkakalantad sa hinaharap. Ang ilang mga bakuna ay nangangailangan ng ilang beses ng bakuna upang tumalab ang proteksyon. Mahalaga ang tamang oras. Tulad ng pagsasaka o pag-aalaga ng iyong sasakyan, pagkuha ng tamang bakuna sa tamang panahon tinitiyak na gumagana ang proseso. Mga taon na ang nakalilipas, ito ay hindi karaniwan para sa mga bata sa kanilang unang limang taon mamatay o magdusa ng pangmatagalang kahihinatnan mula sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna. Nakatulong ang mga bakuna na baguhin iyon. Mga programa sa pagbabakuna ay isa sa pinaka-epektibong mga interbensyon sa kalusugan ng publiko, nagliligtas ng milyun-milyong buhay sa buong mundo noong nakaraang siglo. Ngunit kahit ngayon, ang mga kaso ng mga sakit na maiiwasan sa bakuna maaaring mangyari at kumalat sa mga daycare at sa paaralan. Na siyang naglalagay sa panganib ang ibang mga bata ng tigdas, beke, rubella, ubo, at meningitis. Ang ilang mga bata ay kailangang manatili sa bahay, ang ilan ay maaaring pumunta sa ospital at uminom ng antibiotic, at ang pinakamasamang kaso, na maaring dumanas ng mga komplikasyon tulad ng paralisis, kapansanan, pagkabingi, pagkabulag, at maging ang kamatayan. Makakatulong ang mga bakuna na maprotektahan laban sa ang mga sakit na ito at ang kanilang mga komplikasyon. Noong 2014, nagkaroon at kumalat ang tigdas sa Southern Alberta at British Columbia, at ang mga komunidad na kulang sa bakuna nagresulta sa dose-dosenang mga kumpirmadong kaso at daan-daang mga takot bago ideklarang tapos na. Ikaw at ang iyong pamilya makakatulong sa pagprotekta sa iyong anak sa pamamagitan ng pagtiyak sa lahat ng tao sa kanilang paligid ay napapanahon sa kanilang mga bakuna. Sa paggawa nito, nakakatulong ito sa pagbuo isang cocoon ng proteksyon sa sakit. Ang ilang mga magulang ay nag-aalala na ang bilang ng mga bakuna maaaring labis na pasanin ang immune system ng mga sanggol, pero wala talagang ebidensya para suportahan ito. Ang ating immune system ay patuloy nakalantad sa mga bagong hamon sa ating pang-araw-araw na kapaligiran. Pagkakalantad sa mga bakuna ay isang maliit na bahagi lamang ng kung ano ang kailangang harapin ng immune system ng isang sanggol, at makakayanan ng mga sanggol ang mga ito. Ang mga epekto ng mga bakuna, parang pansamantalang sakit o banayad na mga sintomas tulad ng trangkaso, ay medyo mababaw lamang na epekto kung ihahambing sa pinakamasamang kaso ng mga resulta ng hindi pagbabakuna. Malubhang reaksiyong alerhiya mula sa mga bakuna ay napakabihira at iniulat kaagad sa ahensya ng pampublikong kalusugan ng Canada upang ang anumang mga problema maaaring matugunan nang mabilis. Kaya ano pa ang nasa bakuna? Buweno, ang mga bakuna ay naglalaman din ng napakaliit na dami ng iba pang mga sangkap, lahat ng ito ay gumaganap ng mga kinakailangang tungkulin. Ang mga sangkap na ito ay nakakatulong sa mga bakuna upang umepekto nang mas mahusay, mas mahaba at mas mabilis, manatiling sterile, at tumulong na mapanatili ang kalidad sa panahon ng imbakan sa iba't ibang temperatura. Sa pamamagitan ng pagsunod sa iskedyul ng pagbabakuna itinakda ng iyong doktor, napapanatili ang kalusugan ng iyong anak nang walang pagkagambala upang sila ay lumago, matuto ng mga bagong kasanayan, at maranasan ang buhay. Pinabakunahan ko ang aking mga anak dahil alam ko ang katotohanan. At kung mayroon kang mga pagdududa o tanong, makipag-usap sa iyong doktor o nars. Kunin ang mga medikal na katotohanan mula sa iyong doktor, magtanong, at unawain ang sinasabi ng pananaliksik.