Ako si Jens Bergensten pero mas kilala bi-
lang Jeb. Lead developer ako sa Minecraft
dito sa mojang.com. Mga 11 o baka 12 ang edad
ko nang nagsimula ako ng programming dahil gusto kong
gumawa ng mga laro. Sinabi sa akin ng isa sa
mga kaibigan ng tatay ko na upang gumawa ng mga laro kailangan mong
matuto kung paano mag-program. Iyan ang paraan kung papaano ako nagsimula. Gusto ko ng designing at alamin
ang arkitektura ng mga bagay-bagay. Iyan ang dahilan kung bakit talagang gusto ko ang Minecraft. Sa susunod
na isang oras matututo ka ng mga basics ng computer science sa pamamagitan ng pag-program kay Alex o Steve upang gumalaw
sa isang simulated na piyesa ng mundo ng Minecraft. Ang tradisyonal na programming ay kadalasang sa teksto,
ngunit ngayon gagamit tayo ng blockly: isang sistema na gumagamit ng mga block na maaari mong i-drag at i-drop upang
sumulat ng mga program. Sa ilalim ng hood, lumilikha ka ng JavaScript code. Ang mga konsepto na
matututunan mo ay ang mga bagay na ginagamit ng mga computer programmer sa araw-araw at pundasyon ng computer
science. Dito sa Mojang ginagamit namin ang mga parehong konsepto upang gumana ang Minecraft. Bago ka
magsimula, pipili ka ng iyong karakter. Pipiliin ko si Alex. Lilikha tayo ng code para sa isang program
na tutulong sa kanya na gumalaw sa screen. Ang screen mo ay hahatiin sa tatlong pangunahing bahagi.
Sa kaliwa ang Minecraft play space kung saan tatakbo ang iyong program. Ang mga tagubilin para sa
sa bawat lebel ay nakasulat sa ibaba. Ang panggitnang bahagi ay ang toolbox at ang bawat isa sa mga block na ito
ay isang command na nag-uutos sa mga kilos ni Alex. Ang puting espasyo sa kanan ay tinatawag na
work space at dito tayo gagawa ng ating program. Kung ida-drag natin ang moveForward(); block
sa ating workspace at saka i-click ang Run, ano ang nangyayari? Gagalaw si Alex ng isang espasyo sa
grid. At ano kung gusto nating gumawa ng isang bagay pagkatapos niyang gumalaw papunta sa isang espasyo? Maaari nating
idagdag ang isa pang block sa ating program. Pipiliin ko ang turnRight(); block, at ida-drag ko
ito sa ilalim ng aking moveForward(); block hanggang sa lumitaw ang orange na linya. Saka, ida-drop ko
ito at ang dalawang block ay magsasama. Kapag pinindot natin ang Run muli, gagawin ni Alex
ang mga command na na-stack mula itaas pababa sa ating workspace. At kung gusto mong
i-delete ang isang block, i-drag ito mula stack pabalik sa toolbox. Upang balewalain ang mga pagbabago mo
at bumalik kung paano nagsimula ang lebel, gamitin ang Start Over na buton sa itaas na kanang
sulok ng workspace. Isa pa, nakikita mo ang maliit na tatsulok sa mga turn block?
Anumang oras na makikita mo ang mga tatsulok na ito, ibig sabihin na maaari kang pumili ng naiibang opsiyon. Magsimula
na tayong mag-code!
Subtitles by the Amara.org community